Riann’s POV Ngayon ang ikatlo at huling araw ng mga bisita sa aming paaralan. Mamayang gabi magaganap ang Grand Ball ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Giovanni, habang si Knight naman ay maayos na at nakakausap ko na. Naikwento sa’kin ni Knight ang dahilan kung bakit ito nakagat ng bampira, bigla daw nadistract si Giovanni sa kalagitnaan ng laban nila sa pagitan ng bampira. Nalaman narin nila Kathlyn ang nangyare, kaya ngayon ay sila ang gumagawa ng mga bagay na dapat gagawin namin ni Giovanni. Hindi ko magawang iwan ito kahit na nagbulontaryo si Kaizer na s’ya muna ang magbabantay ay tinanggihan ko iyon. Ako ang dahilan bakit s’ya nakaratay ngayon sa higaan ko, dahil nadistract s’ya ng mga oras na nasa kapahamakan ako. Kahit hindi sabihin ni Knight ay alam kong dahil

