Riann’s POV Pangalawang araw na ngayon ng mga bisita at kasalukuyan kami ngayong nandito sa Dean’s office. “Masaya ako at mabilis n’yong natapos ang inyong mission.” Seryosong sabi ni Dean, napaliwanag na nito sa’min ni Giovanni ang sitwasyon. Ang dalawang magkapatid pala ay matagal ng pinag susupetyahan na traydor. Dahil lahat daw ng mission nila ay naantala dahil sa mga Rebel Vampire kahit na sila lang naman pito ang nakakaalam at ngayon ay nahuli na nila ang mga traydor. “Nakatakas parin ang kapatid nitong si Mae, Dean. Pero masaya kami dahil lumabas na ang traydor.” Sabi ni Cyriel, napakaganda talaga nito. Ngayong araw ay nakapula parin ito ngunit simpleng dress nalang at hindi na fitted. “Nasaan nga pala ang prinsipe?” Tanung naman ni Dean, hindi ko alam ang dahilan nito kung bak

