Riann’s POV Ilang araw na ang nakakalipas ng dumating ang transfer na ‘yon. As for now, lagi ko na nakakasama ay si Mariel, Kathlyn, Shun, at Drake. Minsan ay sumasabay din naman sa’min si Kaizer pero madalas ay kay Giovanni sumasabay ito. “Sa’n tayo mag lulunch, sa Dorm nalang kaya?” Tanung ni Kathlyn habang papalabas kami ng silid, nagkataon kasi na magkaklase kami ngayon. “Sa Rooftop, maganda ang view do’n.” Nakangiting suhest’yon ni Kaizer, nagkatinginan naman kami ni Mariel at Kathlyn. Tumango nalang ako bilang pag sang ayon, mukang maayos naman do’n at sariwa ang hangin kaya okay lang. “Mauna na kayo do’n, kami nalang mga lalaki ang kukuha ng pagkain sa Cafeteria.” Sabi ni Shun bago humalik sa pisnge ni Mariel, umalis na ang mga ‘tokaya naglakad na rin kami papuntang rooftop.

