Kathlyn’s POV “Tama ka, maghiwalay na tayo. Ayuko sa lahat ay ang katulad mo, hindi naman alam ang tunay na nangyare ay bigla mong aakusahan ng kung ano. Lahat kayo dito, magsama sama kayo. Tutal pare-parehas naman kayong akusado.” Malamig na sabi ko dito bago hinawakan ang braso ni Lady Riann at hinila na palabas. Agad kaming dumiretso sa gold building kasama si Mariel, walang imik kaming nakatayo sa loob ng elevator. “Okay ka lang ba, Kath?” Ramdam ko ang pag aalala sa tono ni Lady Riann, tinanguan ko lang iot at ngumiti. Marahil ay nagulta ang mga ito na masasabi ko ang bagay na ‘yon. Kahit ako ay nagulat din, hindi ko na napigilan ang sarili kong emos’yon ng makita ko sa muka ni Drake na parang hinuhusgahan na nito si Lady Riann. Pasensyahan nalang kami, hindi lang porket trabaho k

