Riann's POV Naramdaman ko na may nakatingin sa'kin kaya unti unti akong nag mulat ng aking mata, agad na napabaling ang tingin ko sa veranda ng aking silid. Pumapasok dito ang malamig na hangin, inilibot ko ang aking tingin. Wala na si Nicholas, marahil ay pumasok na ito sa'king kwintas. Tumayo ako agad upang sarhan ang bintana ko, gabi na pala at hindi pa ako kumakain ng hapunan. Pagkasara ay lumabas ako ng silid, tahimik lang ang buong dorm. Mukang natutulog na ang mag 'to, tiningnan ko naman ang wall clock. "Alas-tres ng madaling araw?" Patanung na sabi ko sa'king sarili, kaya pala nakakaramdam ako ng kaunting gutom. Lumapit ako sa refrigerator at binuksan ito, kumuha ako ng fresh milk at nagsalin sa baso. "Kaya ka namamayat, ilang araw na gan'yan lagi ang ginagawa mo. Gusto mo

