Third Person’s POV Payapang naglalakad ang magkaibigang si Mariel at Kathlyn, wala ang mga boyfriend nito dahil nasa kan’ya kan’ya pang klase. “Okay lang kaya si Riann? Saan ba kasi nanggaling ang higad na si Jackie?” Iritang tanung ni Mariel, napatawa naman si Kathlyn dito. “Hahaha, hindi ko din alam. Nagulat nga ako no’ng araw na magising si Lady Riann, ang sinabi agad nito’y tungkol sa transfer. Samantalang kagigising lang n’ya ng oras na’yon.” Sabi ni Kathlyn, napaisip naman ang dalagang si Mariel. “Hindi kaya, inaasahan na n’ya na mangyayare ‘to?” Sabi ni Mariel, nagkibit balikat lang namn ang dalagang si Kathlyn. Napatigil ang dalawa ng hinarang sila ni Jackie, maamo ang muka nitong nakatingin sa kanila. “Anong kailangan n’yo?” Mataray na tanung ni Mariel dito, habang si Kathl

