Luke’s POV Malapit na ang 9pm kaya naman bumangon na ako at nagpalit, paglabas ay nakita kong naka gayak narin sila Sean. “Mauuna na kami, ikaw ang bahala kung sa table namin kayo mauupo mamaya.” Bilin sa’kin nito, tumango ako dito. Umalis naman na sila, nagpalipas lang ako ng ilang sandali at ako’y lumabas narin. Mabilis akong sumakay ng elevator pababa, naabutan ko pa ang mga ito na papalabas ng building. Mabilis ko naman tinuhok ang pathway na patungo sa gold building kung nasa’n si Riann. Nang makarating dito ay nag hintay lang ako sa waiting area, dahil wala naman itong sinabi na sa floor 99 ko s’ya puntahan. Ilang sandali pa ng paghihintay ay dumating na ito, kasama nito ang dalawang babae at isang lalaki. Ang mga kaibigan nito ang kasama nito, nakangiting naglakad ito pa

