Third Person’s POV Mabilis na lumabas ang magkaibigang si Mariel at Kathlyn, hindi maipaliwanag ang galit na makikita sa muka ng mga ‘to. “Mabuti naman tapos na ka--.” PAK Naputol ang sasabihin ni Shun ng bigla itong sampalin ni Mariel. “Ang kapal ng muka n’yo!” Matigas na sabi ni Mariel bago ito binunggo at nilampasan, naguguluhan naman na napatingin si Shun kay Kathlyn. Itinaas ni Kathlyn ang dalawang litrato, nanlaki naman ang singkit na mata ni Shun. “Damn,” mura nito at mabilis na sinundan si Mariel. Baka kung anong gawin nito kay Riann, tumakbo na ito at lahat ngunit nahuli s’ya. PAK! Tunog ng malakas na sampal ni Mariel dito na naging dahilan upang matigilan ang lahat na naroroon. Maging ang mga kasamahan nila sa table ay naguluhan, napatayo nalang si Sean habang si Gio

