Kaizer’s POV “Ang tagal naman ‘nun,”hindi mapakaling sabi ko at tumingin tingin sa madilim na hallway papunta sa CR. Akmang tatayo na ako ng lumabas galing doon si Gael. “Tara puntahan na natin,” sabi ni Sean. Sabay kaming tumayo nito ngunit napatigil din namin ang isang lalaki na lumalabas mula sa pinanggalingan ni Gael. Buhat buhat nito si Riann na ngayon ay nakabalot na sa jacket, tiningnan ko si Gael. Tama ako, ang jacket na nakabaloy dito ay jacket ni Gael. “Ako na bahala sa kan’ya.” Sabi ng lalaking may dala kay Riann, akmang pipigilan ko ‘to ng biglang magsalita si Clauss. “S’ya ang power spirit ni Lady Riann, Master Kaizer.” Sabi ni Clauss sa utak ko kaya hindi nalang ako nagsalita. “Sino ka ba? Sa’min ibinilin si Riann kaya kami na ang bahala sa kan’ya.” Kalmadong sabi ni

