Third Person’s POV “Riann Millan, kay Riann Millan yan. Ang kaharap mo ngayon ay ang tunay na ako. Ako si Maximal Riann MacMillan, I am not MacMillan for nothing.” Malamig na sabi nito, unti unting may nabuong malakas na enerhiya sa dulo ng katana nito. Palakas ng palakas at palaki ng palaki. “Sapat na ang pinapili kita bilang respeto sa naging samahan natin, pero ngayon. Sa dami ng nagawa mo ay hindi kana dapat hayaang mabuhay pa.” Malamig na sabi nito, ang mga mata ni Riann ay kulay asul na. Tila manikang nagsasalita ang nasa harap nila ngayon dahil sa muka nitong walang emos’yon. Pinakawalan ni Riann ang bolang kapangyarihan, unti unti ‘tong tumama kay Mariel na nakatulala lang. Tila may pumipigil na gumalaw, bago tuluyang magunaw ng malaking bolang kapangyarihan si Mariel ay nabit

