Third Person’s POV Abala ang lahat sa paghahanda, si Riann at ang kaibigan nitong si Kathlyn ay magkasamang nililibot ang lugar kung saan tinipon ang lahat na lalaban. Hindi malaman ng dalagang si Riann kung bakit sobra sobra parin ang kaba nito, hanggang ngayon ay nag aalala parin ‘to sa kan’yang kakambal ngunit pinipilit nitong maging alerto. Mahirap ng maging pabigat sa kanila, sabi nito sa isipan. “Hindi ko nakikita si Mariel,”sabi ni Kathlyn dito. Napatingin naman si Riann at tila nagtaka din. Mabilis na lumapit sila sa binatang si Kaizer, nasa tabi nito si Drake na abala sa pag gawa ng halimaw na maaring humarang sa mga bampira pansamantala. “Nakit n’yo ba si Mariel? Ang sabi nito kahapon ng hapon bago umalis ay may training daw kayo pero hanggang ngayon ay hindi pa ‘to nagpap

