Riann’s POV “No, Rennnnn…” Mabilis akong nagmulat ng aking mata, habol hiningang bumangon ako at inabot ang tubig sa side table ko. “Panaginip,” mahinang sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa labas ng aking veranda. Ibinaling ko naman ang tingin sa wallclock, 12am? Napakaaga pa pero parang hindi na ako mapakali, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Tumayo nalang ako at akmang lalabas na ng biglang may marinig akong nabasag. Nakaramdam ako ng matinding pangamba habang pinupulot ang basag na piraso ng basong kanina lang ay iniinuman ko. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasugatan ang aking hintuturo habang pinupulot ‘to, mabilis ko ‘tong hinawakan at pinunasan ang dugo ngunit tuloy parin ‘to sa pagdugo. “Hindi mo dapat hinahayaan ang sarili mong masugatan lalo na’t nalala

