Mariel’s POV Nagulat kami ni Kathlyn at napatayo ng pumasok ang Groupo nila Gael, ngunit mas nagulat kami ng makitang ang babaeng dala dala ni Gael ay si Riann. “Anong nangyare?” Nag aalalang tanung ni Kathlyn kay Gael na kasalukuyang ibinababa si Riann sa isang kama. “Call the healers.” Nangilabot naman ako ng marinig ang malamig na boses ni Gael, nakatitig lang ito kay Riann habang sinasabi iyon. Mararamdaman ang napakalamig nitong aura dahil para itong lumalabas sa katawan ni Gael. Tiningnan ko si Riann, mayroon kaunting dugo sa tyan nito. Mukang may tama ito, akmang hahawakan ko ang damit ni Riann upang hawiin at tingnan ang sugat ng may malamig na humawak sa kamay ko. Gulat akong napatingin sa isang power spirit na nakasalamin, umiling ito sakin na tila sinasabing huwag kong h

