Kathlyn’s POV Lumipas ang ilang oras ngunit hindi parin nagigising si Lady Riann, kaya naman naisipan na namin na dalhin s’ya sa Dorm. “Wala na bang ibang nasaktan?” Tanung ko kay Kaizer na kasalukuyan kong kasama ngayong dito sa dorm, wala dito sila Gael dahil kausap sila ngayon ng Dean. Si Mariel naman ay nagpunta muna sa sarili n’yang dorm para magbihis at nagsabing pupunta s’ya dito mamaya. “Sobrang dami at isa sa mga malalaking building dito ay nasunog at tinupok ng apoy.” Seryosong sabi ni Kaizer kaya naman napaisip ako. “Bakit biglaan naman yata ang pagsugod na ginawa ng kabila?” Nagtatakang tanung ko kay Kaizer, nagkibit balikat lang ito at ininum ang beer na hawak hawak. “Matagal mo na bang kilala si Riann?” Seryosong tanung nito habang nakatitig sa’kin, napaiwas naman ako

