Chapter 25 Alena Napakabilis ng panahon, isang taon na ang lumipas at sa ngayon idinadaos namin ang isang taon na kaarawan ni Almira. Karga-karga siya ni Daddy, habang kinakantahan namin siya ng happy birthday. Iilan lang naman ang mga bisita na inimbitahan namin. Mga kapitbahay lang namin tapos mga kaibigan nila Mommy at Daddy. Ang iba mga malalapit ko na!kaklase at syempre nariyan din si Sir Gilbert. Kasalukuyang nagta-trabaho na siya sa isang kompanya, dito sa Maynila. Bakasyon namin ngayon at sa susunod na pasukan second year high school na ako. Napakabilis nga lang ng mga araw. Parang noong kailan lang ipinanganak ko si Almira, subalit ngayon sinis-celebrate na namin ang ka-isang taon niya. Lumalaki siya na nagiging kahawig si Rico. Hindi ko alam kung kumusta na ang ama niya? Ma

