Chapter 59 Rico Narito ako ngayon sa isang sulok ng pinagdadausan ng kaarawan ng kapatid ni Alena. Tahimik akong nakatingin sa birthday girl na naglalakad sa gitna patungo sa entablado. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kinakapatid ni Alena. Parang iba 'yong saya na nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ito. Parang nakikita ko sa kaniya si Alena noon. Marahil ay ampon ito ng tiyuhin ni Alena. Ang pagkaalam ko kasi walang anak ang mag-asawang Suarez. Kaya nga siguro kinuha nila si Alena, dahil wala silang anak. Masakit ang mga tingin ko na bumaling sa kinaroroonan ni Alena at ang kaniyang magiging ex-boyfriend. Salubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanila. Masaya si Alena, habang nakikipagkwentohan sa lalaking ipinagpalit niya sa akin. Minsan iniisip

