Chapter 60 Alena Dalawang buwan ang lumipas simula ng ipagdaos namin ang ika-labing walong kaawarawan ni Almira. Abala naman kami ni Samuel, sa pag-aasikaso namin ng mga papeles para sa kasal namin. Kasalukuyan dito kami ngayon sa bahay ni Samuel. Tinitingnan namin sa online ang gown na isusuot ko. Pati na rin ang isusuot ni Samuel at ang mga abay namin. Sa gown ko pa lang ay mahigit na isang milyon. "Sobrang mahal naman ang mga gown nila rito. Hanap kaya tayo ng mas mura? suhestyon ko naman kay Samuel. Ang Mommy niya kasi ang nag-suggest ng boutique na gagawa sa akin ng weeding gown. "Kahit gaano pa iyan ka mahal ayos lang. Ako naman ang magbabayad sa gown, kaya wala kang dapat alalahanin," nakangiti pang sabi sa akin ni Samuel. "Pero sayang din naman kasi ang pera dahil isang a

