Chapter 52 Alena Sumapit ang araw ng itinakda sa akin ni Rico na magkikita kami sa Shangri-la. Hindi ako sumipot dahil para ano pa? Ayaw kong masira kami ni Samuel. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako pinapansin ni Samuel. Hindi ko alam kung anong balak niya sa relasyon naming dalawa. Ang mga sumunod na araw hindi na ako makatulog. "Iha, dinalhan kita ng kape," sabi sa akin ni Mommy pumasok ito sa aking silid. "Salamat, Mom. Lalong hindi ako makakatulog nito?" nakangiti kong sabi sa kanya. "Decaf naman iyan, kaya hindi matapang," sagot ni mommy sa akin inilapat niya sa lamesita ko ang kape natinimpla niya para sa akin. "May kailangan ka sa akin, Mom?" tanong ko sa kaniya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasabi sa kanya ang tungkol kay Rico. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.

