Chapter 53 Rico Masakit ang katawan ko sa paghiga dito sa matigas na katre na pinahiram sa akin ng may-ari ng apartment na ito. Walang ka laman-laman ang loob ng apartment kundi isang katre lang at ilan kong damit. Hindi naman kasi ako rito kumakain. Sa loob ng banyo isang sabon lang at balde na sahuran ng tubig. Maaga pa ako naligo at nagbihis. Pagkatapos nagtungo ako sa labasan at nagkape, ganoon ang palagi kong routine sa loob ng ilang araw ko rito, na-miss ko na nga mahiga sa malambot kong kama. Hindi ko nga alam kung ano ang pinaggagawa ko? Subalit naiinis ako dahil hindi sumipot si Alena, sa lugar na sinabi ko sa kaniya. Talagang gusto niya yata akong makilala ng husto. Pinakilala sa akin ni Matteo si Diana, ang isa sa employer sa kompanya ng nobyo ngayon ni Alena. Pinadala ko

