“Geez. That creepy guy! What does he think he is doing?” bulong ko sa sarili ko habang nakayuko. Buti nalang wala nang masyadong student dito sa dorm. Nag-si-alisan na sila dahil umpisa na ng klase. Lagot ako kay Master A kapag nakarating sa kanyang may nakapasok na lalaki sa isa sa mga kwarto sa ladies’ dorm! At ako pa ang dahilan. Pero magkapatid naman sila diba? Geez. Miski na, Zy! He’s still a guy!
And then I realized something. Kaya pala pinagtitinginan kami kanina ng mga students na nakakasalubong namin sa corridor ng ladies’ dorm! Kasi may kasama akong lalaki at pumasok pa sa dorm namin.
Gosh Zy! Why are you so stupid?
“Tatayo ka nalang ba dyan?”
“AY STUPID!” napasigaw ako sa sobrang gulat ko nang dahil sa nagsalita.
Tumingala ako at bumungad sa’kin ang mukha ng taong kinatatakutan ko. Hindi siya ganoon kalapit sa’kin pero ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko nang dahil sa nakakamatay sa lamig niyang tingin.
Nakakakilabot sa sobrang lamig ang boses niya pati na rin ang mga titig nya. What’s happening to me? Hindi naman ako matatakutin ah. Gosh.
Nang mapansin kong nakatingin pa rin ako sa kanya ay mabilis pa sa alas kwatrong iniwas ko ang tingin ko. Ayoko talagang tumingin sa mga mata niya. That pair of brown orbs. They’re hypnotizing.
Natatakot ako sa mga matang iyon pero kapag nakatingin ako sa kanya, parang hindi ko na magawang iiwas ang mga tingin ko.
I sighed. I’m just over-thinking, right?
Baka epekto lang ito ng pagiging kulang ko sa tulog.
“Get lost.” I heard that cold voice again pero hindi ko siya tinignan. Ako ba ang tinutukoy niya? And what? He wants me to get lost? How come na sa unang pagmi-meet palang namin, he already wants to get rid of me? This is impossible. Everybody in this school loves me. This is the first time na may nagsabi sa’kin ng ganito.
Napansin kong naglakad na siya palayo pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Siguro, sa dorm nila. This guy's really is unpredictable! Paano niya nasabi ang mga salitang iyon sa isang babae? Pagkatapos tatalikuran niya lang?
Pero kung nagulat ako sa sinabi niya ay mas nagulat ako nang biglang kusang gumalaw ang buong katawan ko at namalayan ko nalang ang sarili kong sinusundan siya.
Tumakbo na ako para maabutan siya. Bakit ang bilis niya maglakad?
It’s my responsibility to be responsible, Master.
It’s my responsibility to be responsible, Master.
It’s my responsibility to be responsible, Master.
Paulit ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabi ko kay Master A kanina. I don’t want to disappoint him. I’ve got this position because they trust me. This is my responsibility.
“Wa--! Ouch!" napaupo ako sa sahig at napahawak sa paa ko.
Parang may anong kuryente ang tumama sa paa ko. What was that?
Tumingin ako sa paligid para malaman kung may naapakan ba ako o ano. Pero wala naman. Malinis ang lugar na ito. Napansin ko ring nakalabas na kami sa Ladies Dorm.
Anong nangyari sa'kin? Pinulikat ba ako? Pero bakit mas masakit pa doon ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi lang iyon basta pulikat?
Tinanggal ko ang doll shoes ko para icheck ang likod ng paa ko at nagulat ako sa nakita ko doon.
Isang malaking paso. Bilog na bilog. Napaso ba ako? Pero saan?
"O-ouch." mahinang daing ko sa sarili ko nang igalaw ko ng kaunti ang paa ko. Walang masyadong tao dito dahil nasa mga klase na sila. Mabuti na rin ito dahil ayokong makita ako ng mga estudyante rito sa ganitong kalagayan.
It really hurts. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa sakit. Ito rin kasi ang unang pagkakataon na nakitaan ko ng sugat ang sarili ko.
Masakit pala talaga.
"Can't stand anymore?" napatingala ako nang biglang may nagsalita sa harap ko. Si Roanna.
"I c-can." I stammered. Napakagat ako sa labi ko dahil nanginginig talaga ang buong katawan ko.
I tried to stand. Inilagay ko ang lahat ng pwersa ko sa kaliwang paa ko since kanan ko yung nadamage. But I failed.
I saw Roanna smirked. "Don't you have plans of helping me?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kanina pa ako hirap na hirap sa pagtayo rito pero nakahalukipkip lang siya at nakatingin sakin. While wearing an evil grin.
"Why would I help you if I am the one who did that thing to you?" she exclaimed. Napanganga ako sa sinabi niya. She what?
"What?" tanong ko. I'm hoping na bawiin niya ang sinabi niya but then she did not.
"You're so stupid and weak to be the top student. You don't deserve the position." sabi niya pa ulit. Wala na ba siyang gagawin kundi ang insultohin ako? Ano bang ginawa ko sa kanya?
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya ako at naglakad sa direksyon na pinuntahan ni Viex. Bago palang sila dito pero sobra sobrang pananakit na ang ginawa niya sa'kin.
Ikinuyom ko ang kamay kong nakalapat sa floor na inuupuan ko. I can't feel the pain in my foot anymore.
So I tried to stand again.
Nagulat pa ako nang bigla akong nakatayo ng walang kahirap hirap. H-how? Pero mamaya ko na iisipin kung ano ba talagang nangyayari sa'kin. If it is just a hallucination or a dream or if it is the reality. I don't care for now.
"How can you say that I don't deserve the position when you don't even know me at all?" tanong ko sa kanya habang nakatayo lang doon. I didn't bother to walk.
Humarap siya sa'kin bigla, wearing her evil grin na agad rin namang naglaho when she saw me. It's her turn para ngumanga.
Ganoon ba ka-big deal sa kanya na nakatayo ako matapos ng ginawa niya sakin? Pero ano bang ginawa niya sakin? Paano nagkapaso ang paa ko? Nagsisinungaling lang kaya siya?
"H-how did that happen?" she murmured, surprised. Malayo siya sa'kin at hindi ko alam kung bakit narinig ko pa rin ang sinabi niya just by looking directly in her eyes.
"How did what happen?" naiinis kong ulit na tanong sa tanong niya.
Napaatras siya bigla. Hindi ko alam kung bakit. But I can see fear in her eyes while looking at me.
It's as if, she saw a ghost.
"I told you to get lost, right?" bigla akong napaharap sa likuran ko nang maramdaman ang presensya ng isang tao doon. Kusang kumilos ang kamao ko para suntukin siya pero nahawakan niya agad ang kamay ko.
"That was close." he exclaimed. Parang bumalik ako sa katinuan at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginawa ko. What the heaven is happening to me? Bakit ang lakas gumana ng instinct ko? Bakit... bakit naisip kong saktan ang taong ito?
At kailan pa ako natutong sumuntok at maging war freak? Lumingon lingon ako sa paligid para siguraduhing walang nakakita sa'kin. Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong makitang tao. Tinignan ko rin ang kinatatayuan ni Roanna kanina pero wala na siya doon. Saan siya nagpunta?
Napatingin ako sa mukha ni Viex. He's looking at me, emotionlessly. Gaya ng ginagawa ko, iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Sorry." I murmured at saka siya tinalikuran. Hindi ko alam kung narinig niya iyon dahil parang sa sarili ko ko lang iyon sinabi. I don't really know what's happening to me.
***
"Oh? Don't you have class?" bungad sa'kin ni Nijel pagkabalik ko sa FHCOL's office. Dito ako dumiretso pagkatapos kong muntik nang suntukin si Viex. I sighed for the nth time. Kanina pa ako nanlalambot dahil sa ginawa ko. Bakit ko ba iyon ginawa? Bakit ginawa yon ng instinct ko?
Kahit kailan hindi ko naisip na manakit ng estudyante dito sa Finelry. Naturuan ako ni Mimi ng magandang asal. Bakit ngayon, muntik ko nang magawa iyon? At sa new kids pa. Na pinagkatiwala sakin ng school master.
Paika-ika akong dumiretso sa couch sa loob ng office namin and throw myself on it. I don't know what to think anymore.
"Are you okay? Bakit paika-ika kang maglakad? Na-injure ka ba?" nag-aalalang lumapit sakin si Nijel.
Isa pang ipinagtataka ko ay ang biglang pagkawala ng sugat ko sa paa. Kanina lang, sariwa pa ang sugat na iyon pero ngayon, wala na siya sa paa ko. Tanging konting kirot nalang ang naiwan.
Hallucination ko lang ba iyon? Gutom lang ba ako? Epekto lang ba ito ng pagiging puyat ko?
"I just twisted my ankle." pagsisinungaling ko kay Nijel. Alam ko rin naman kasing hindi siya maniniwala kung sasabihin kong may sugat ako doon, kanina.
"Let me see." nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at tinanggal ang doll shoes ko. "Anong kalikutan na naman kasi ang ginawa mo?" tanong niya habang may kung ano siyang ginagawa sa paa ko pero hindi naman niyon nababawasan ang kirot.
Dahil hindi naman ankle ko ang masakit.
"N-natapilok lang ako habang pababa sa hagdan." I tried to laugh pero parang naging fake laugh ata siya.
"Tsk. Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" tanong niya. Hindi nalang ako sumagot. Ayoko rin naman makipag-usap ngayon. Ang dami kong iniisip.
"Okay na ba? O masakit pa?" he asked worriedly. I smiled and nodded.
"It's okay now. Thanks to you." iyon lang ang sinabi ko. Isinuot niya na sa'kin ang doll shoes ko at saka tumayo.
"We still have class. Gusto mo ba sabay na tayo? Classmates naman tayo eh. At para na rin mabantayan kita-- I mean, 'yong paa mo." alanganin siyang ngumiti sa'kin at tinulungan akong tumayo.
"Uhm. Ano kasi Nij. Ugh." hindi ko alam kung paano ko sasabihing ayoko munang pumasok ngayon sa klase ko. Gusto ko kasing magpahinga muna. Pero...
"Huh? Ano yon?" takhang tanong ni Nij.
Ngumiti nalang ako sa kanya. "Wala. Tara na."
I can't let those new kids ruin me. Hindi ako dapat magpaapekto sa kanila.