Chapter 5: Viex Zaffre

2728 Words
“Busy?” Napatingin ako sa pintuan ng FHCOL’s office nang may magsalita mula doon. I smiled and nodded. It’s Syn. Nakadungaw siya mula doon. Hindi talaga marunong kumatok ang isang ito. Binuksan niya ang pinto para tuluyan siyang makapasok at inilibot ang tingin sa buong office namin. “Ikaw lang mag-isa dito?” she then asked. Siguro tapos na rin ang klase nila. Hapon na kasi at nang matapos ang klase ko, dumiretso agad ako rito. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga files na hawak ko at saka sumagot. “Yep. May klase pa si Mishie. Si Nij naman, pinatawag ni Master A.” Tatlo lang naman kasi kami dito sa office. Weird man para sa isang student government, pero tatlo lang kaming officer. Pero hindi lang naman kami ang member ng Circle of Leaders. Under din namin ang bawat officers ng bawat klase sa buong High School department ng Finelry. “Oh.” Iyon lang ang sinabi niya at saka umupo sa couch na lagi niyang pinupwestuhan kapag pumupunta siya rito. “What’re those?” dagdag pa niya. Nakakunot noo naman akong tumingin sa kanya na nakatingin sa mga papel na hawak ko. “Oh. These? Proposal ng presidents ng bawat sections para sa mga gagawin nilang booths for sem-ender party.” Paliwanag ko. Kailangan kasi ng booths para sa umaga. Then ang student council na ang bahala sa totoong party para sa gabi. After ng party-ng iyon, 2 weeks ang pahinga ng students. Lahat kami ay required na umuwi sa kanya-kanyang mga bahay namin. Tumango naman siya. “Ayaw mo talagang nagca-cram ‘no? You still have 3 weeks to prepare for that party. You’re stressing yourself.” Sabi niya habang nakatingin sa’kin ng seryoso. I just smiled at her at saka ko itinuloy ang ginagawa ko. Kailangan nalang namang aprubahan ang mga proposals na ‘to, then sila na bahala sa pagseset-up at sa lahat ng gagastusin o sa kung ano pa man na kakailanganin nila para sa mga booths na napili nila. “Mas okay na ‘to.” Yun lang ang nasabi ko. “Whatever, Ms. Top Student.” Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong sinabi niya iyon with matching irap pa. Natawa nalang ako. Syn, the sarcastic princess. What will I expect? “Nga pala.” Sabi niya sa bored na tono. Hindi ako nagsalita at naghintay nalang sa sasabihin niya. “That Viex Zaffre.” Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalang iyon. Nag-uumpisa na namang magsitaasan ang mga balahibo ko. Marinig ko lang ang pangalan niya, naiimagine ko na agad ang mga malalamig na tingin niya. And it creeps me out. Geez. “Si Viex? What about him?” I asked na parang wala lang sakin ang sasabihin niya about sa monster na iyon. “I heard from my ‘chismosa’ classmates na dapat pala, sa section namin siya. Our instructor’s also looking for him earlier. Pati yung Roanna. His sister? Siya lang yung nandoon sa room namin kanina. And she’s so damn weird… and irritating.” May halong inis na ang boses niya ng sabihin niya ang pangalan ni Roanna. “Baka hindi pa siya sanay. Don’t judge her, Syn. Malay mo, mabait rin naman pala siya.” I defended Roanna at saka ipinagpatuloy ulit ang ginagawa ko. “Mabait? Mabait ba ‘yong itulak ka niya sa unang pagkikita niyo palang?” naiiritang sabi niya naman. Narinig niya siguro ang tungkol sa bagay na yan sa mga babaeng nagkwekwentuhan sa cafeteria kanina. Syn’s always like that. Lalo na kapag ayaw niya sa tao. Gagawin niya ang lahat para lang sabihing tama siya. Na tama ang iniisip niya sa taong iyon, na kinaiinisan niya. Kaya nga kaming dalawa lang ni Mish ang kaibigan niya rito. Maraming gustong makipagkaibigan sa kanya pero ayaw niya. May trust issues kasi ang isang ito e. Ewan ko kung saan niya nakuha ang ugaling iyon. Pero mabait naman si Syn. Hindi mo lang siya maiintindihan kapag hindi mo siya talagang kilala. Itinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kanya ng diretso. “Maybe she just mis-interp—” She cuts me in mid-sentence. “At ang tignan ka lang habang hindi ka makatayo dahil sa kagagawan niya? I think that’s not mis-interpretation, Zeira. She hates you.” Diretsong sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman iyon? “What are you saying, Syndrie?” I asked, seriously. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang nangyaring iyon kanina. Hindi ko rin alam kung ano’ng magiging reaksyon ko dahil sa mga sinabi niya. Alam ko namang galit sa’kin ang magkapatid na iyon. Hindi ko lang alam kung saan nila hinuhugot ang galit nila para sa’kin. Lalo na si Roanna. “I saw what happened earlier. Nakita ko kung paano ka lang niya tinignan habang nahihirapan kang tumayo. Narinig ko rin ang sinabi niyang siya ang may gawa non sayo. Pupuntahan sana kita pero biglang dumating yung Viex. Now, what really happened to your foot? Nakita ko ang mukha mo kanina. You’re in pain. Hindi lang iyon basta sprain—” pinutol ko ang mga sinasabi niya. “You’re just concluding things, Syn. Hindi mo nakita ang buong pangyayari so don’t conclude. Isa pa, she was just kidding when she said that. Nadapa lang ako dahil sa pagmamadali kong maglakad. She did nothing.” I tried to explain. Bigla kong naalala kung bakit ako nagmamadali kanina. Kasi gusto kong maabutan si Viex. Kahit ayaw niya sakin at sinabihan niya akong mag-get lost, isinaalang alang ko pa rin ang posisyon ko at ang task na binigay sa’kin ni Master A. Pero nakakapagtaka lang dahil bigla nalang siyang sumulpot sa likod ko. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakapunta sa likod ko samantalang siya ang hinahabol ko. May super powers ba siya kaya ganoon? Tinry kong alisin ang bagay na iyon sa utak ko. Super powers? You’re crazy, Zeira! Paano naman siya magkakaroon ng super powers? Tsk. Dapat na ata akong matulog. Dala lang ito ng puyat. “Whatever, Zy. Nakakairita talaga ang pagiging mabait mo.” Sabi niya at saka umirap. I smiled. “That’s not being kind. I just don’t want to conclude things, Syn. That’s being matured.” “Huh?” Napatingin ako sa pinto nang biglang pumasok si Mish. “What’s with the atmosphere, bestfriends?” nagtataka siyang nakatingin samin habang papalapit sa table niya. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya atsaka ipinagpatuloy ang ginagawa ko. I know Syn’s just concerned. Pero may mga bagay na hindi nalang dapat sinasabi sa kanya, dahil alam ko ang kaya niyang gawin. Ayokong may awayin na naman siya nang dahil sa’kin. -- Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa pintuan ng office namin. 7pm na pala. Inayos ko ang mga gamit ko pati na rin ang mga files na nagkalat sa table ko at saka tumayo. “Tara na.” aya ko kay Mishie at Syn na busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Tumayo naman si Syn at nag-ayos ng gamit. Alam ko namang inaantay lang ako nito para may kasama siyang umuwi sa dorm. "Ikaw, Mish?" tanong ko kay Mishie na nakaupo pa rin sa table niya. Saglit siyang tumingin sa'min at ngumiti ng alanganin. "Una na kayo. May gagawin pa ako e." napangiwi siya samin at saka pinagpatuloy ang kung anumang ginagawa niya. We nodded in response. Hindi rin naman namin kasama si Mish sa dorm. Dalawang student lang kasi by dorm dito sa Finelry. Good thing na rin dahil hindi namin kailangang magsiksikan sa isang dorm. Though magkatapat lang naman ang dorm namin nila Mishie. "Alright. Umuwi ka ng maaga ah." sabi ko sa kanya. Sa dorm ko nalang kasi gagawin ang mga kailangan ko pang gawin hanggang sa antukin ako. Tumango naman siya kahit hindi siya nakatingin samin. Bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa itong bumukas at bumungad samin ang mukha ni Nijel. "Oh? What are you still doing here?" tanong ko agad sa kanya. Akala ko kasi umuwi na siya sa dorm niya. Kanina pa rin siya hindi nagpapakita samin mula nang ipinatawag siya ni Master A. Ngumiti naman siya sakin. "Just checking if you're still here." he stated at saka pumasok sa office at naglakad papunta sa table niya at saka inayos ang mga gamit niya. Uuwi na rin ata siya sa dorm niya? "Wala ka nang gagawin?" sabi ko at napatingin kay Mishie na nakayuko lang habang may isinusulat. "Meron pa. Sa dorm nalang ako gagawa. Let's go?" aya niya samin ni Syn. Nakatingin pa rin ako kay Mish na hindi tumitingin sa'min. Napailing ako. Dapat si Nijel at Mish ang magkasama eh. "Mishiena." tawag ko kay Mishie. "H-huh?" naiilang na tanong niya. Ni hindi siya makatingin ng diretso samin. Naningkit naman ang mata ko nang dahil sa kinikilos niya. Though namumula pa rin siya. Pero parang may iba pa akong nasesense. "You sure, you're okay here?" tanong ko nalang sa kanya. "Oo naman." she answered and smiled. Tumango naman ako at saka lumabas. Sumunod naman sa'kin yung Syn samantalang si Nijel ay nandoon pa rin. "Ikaw lang mag-isa rito?" tanong niya kay Mishie. Tumango naman sa kanya si Mish habang hindi niya pa rin mapigilan ang magblush. Mishiena Brent. Masyado kang halata. Napangiti naman ako sa sunod na sinabi ni Nijel. "Samahan na kita. Gusto mo?" tanong pa nito. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Mishie. Mukhang napansin rin naman iyon ni Syn kaya napatingin siya sakin. We both smiled meaningfully. "Huh? H--" tatanggi palang si Mishie ay sumingit na ako sa usapan. "Guys." napatingin silang dalawa sa'kin. I looked at Nijel. "Takot si Mishie sa multo. And we both know na may something sa office na to. So just stay with her if that's okay with you?" seryoso kong sabi sa kanya. Though wala naman talagang multo dito. At alam rin iyon ni Nijel. Mukha namang nagets ni Nijel ang gusto kong iparating kaya tumango nalang siya at inilagay ang mga gamit niya sa table niya. "Bye guys." pagpapaalam ko habang nakangiti ng sobrang lapad. Napatingin ako ulit kay Mishie na nakanganga at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Lumabas na kami ulit ni Syn at isinara ang pinto. She smirked. "Ghost huh? Since when did you learn to lie?" pang aasar niya at saka tumawa. "Just this moment." natawa rin ako at saka naglakad papunta sa dorm. Medyo malayo rin ang dorm namin sa High School building pero nasa loob lang rin naman ito ng Finelry kaya safe naman. I sighed. "Such a long day." I whispered habang naglalakad kami ni Syn. Tahimik lang siya. I wonder kung anong iniisip niya. Naalala ko ang mga napag-usapan namin kanina. Did I lie again? Ilang beses ba akong nagsinungaling ngayong araw? "Yeah. Long day." narinig kong sabi ni Syn. Sa isang araw lang, ang daming nangyari. Ang dami kong nagawa. Ang dami kong naramdaman. May mas mailalala pa ba ang araw na ito? Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa dorm namin. Syn opened the door at saka nagmamadaling pumasok. Siguro napagod rin siya. Ang aga niya kasing nagising kanina. Dapat pala laging may nagsisigawan dito sa ladies dorm para maagang nagigising ang babaeng ito eh. Papasok na sana ako sa room namin nang maramdaman ko ang biglang pagvibrate ng phone ko. Muntik ko nang makalimutan na may cellphone nga pala ako. Kinuha ko iyon sa bulsa ko. Napangiti ako bigla nang makita kung sino ang tumatawag. Mimi's calling... Isinara ko ang pintuan at naglakad papunta sa gate ng ladies dorm. I touched the answer button at saka itinapat sa tenga ko ang phone ko. "Mimi!" I shouted, excitedly. Namimiss ko na sila Mimi at Didi. Simula kasi nung nagstart ang klase, hindi ako nakakauwi ng weekends. Lagi kasing ang dami kong ginagawa. ["Bibi! I miss you so much. Kumusta ka na dyan? Kumakain ka ba sa oras? Ano? Baka nagkakasakit ka na dyan pero hindi mo lang sinasabi ah? Kumusta sila Syn at Mishie? Uuwi ka ba ngayong pagkatapos ng sem?"] excited rin at tuloy tuloy na tanong niya mula sa kabilang linya. Napangiti ako lalo. Si Mimi talaga. "I miss you too, Mimi. Okay lang naman po ako dito. Ayos lang rin sila Syn at Mishie." natatawa tawang sabi ko. ["Huh? Hindi mo pa sinasagot ang--Dionne! Hwag mo namang masyadong stress-in ang anak mo sa dami ng tanong mo.-- Che! Manahimik ka dyan, Troy. Namimiss ko lang naman si Zeira."] mas lalo akong natawa nang marinig ang pag-uusap nila Mimi at Didi. Kahit na ganyan sila mag-usap madalas, alam ko namang ganoon lang talaga sila magpakita ng sweetness sa isa't isa. ["Pero Bibi... Ayos ka lang ba talaga dyan?"] she asked again. Tumigil ako sa pagtawa pero hindi pa rin nawawala sa mukha ko ang ngiti. "Yes, Mimi. Kayo po ba dyan?" ["Okay na okay lang kami dito! Hwag mo kaming alalahanin. Uuwi ka naman diba?"] tanong niya pa ulit. "Opo, Mimi." sagot ko nalang. Naramdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin at ang pagdampi nito sa balat ko kaya bigla akong napayakap sa katawan ko. Ang lamig naman ngayon. Tumingin ako sa buong paligid mula sa kinatatayuan ko. Puro puno sa parteng ito ng Finelry kaya malamig. Katapat lang naman halos ng building ng girls dorm ang building ng boys dorm pero medyo malayo rin iyon kung lalakarin. Malaki lang talaga ang bawat building dito kaya kitang kita. Kahit nga mula sa HS Building, kitang kita ang dorm namin. Sa likod naman ng girls and boys dorm, ay mapunong parte na. Kaya walang masyadong pumupunta sa parteng iyon ng Finelry. Nag-usap lang kami ni Mimi hanggang sa magpaalam ako at ibaba ang telepono. Medyo napagod rin kasi ako sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw. At ang dami ko pang gagawin para sa Sem-Ender party. Babalik na sana ako nang biglang may humatak sa'kin at tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakapagreact. S-sino to? Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ako sa kanya. Pero alam kong lalaki siya. Who's this guy? Where is he dragging me? Tinry kong magpumiglas pero wala rin akong nagawa dahil masyado siyang malakas. Naiiyak na ako dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Imposibleng outsider ang isang ito. Mahigpit ang security ng Finelry kaya hindi siya agad agad makakapasok rito kung sakaling hindi siya estudyante. At ano bang kailangan niya sakin? Namalayan ko nalang na dinala niya ako sa likod ng girls dormitory. A-anong gagawin niya sa'kin? I gulped hard when he pushed me against a tree habang nakatakip pa rin sa bibig ko ang isang kamay niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang dahil sa kaba nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Is he going to rape me? Oh my God. Nagulat ako nang bigla niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko. Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong nang may bigla siyang itinutok sa leeg ko. Geez. He's fast. "Shout or die." banta niya sa'kin. And then something hits me when I heard his voice. Tinignan ko siya sa mata habang hindi ako makagalaw dahil sa matalas na kutsilyong nakatutok sa leeg ko. Isang galaw ko lang, alam kong babaon iyon sa leeg ko. His voice is familiar. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko kung kaninong boses iyon. P-pero bakit? Bakit parang gusto niya akong patayin? Ganoon ba siya kagalit sa'kin? "V-viex." I mumbled his name while he's staring at me, coldly. Kahit hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya, alam kong siya ang taong nasa harap ko. Kilalang kilala ko na ang nakakatakot na matang iyan. Gusto ko mang iiwas ang paningin ko, I can't. Natatakot ako na ikamatay ko kapag gumalaw ako. Ilang segundo lang siyang nakatingin sa'kin. Ganoon rin naman ako sa kanya. Napansin ko ring hindi ako masyadong humihinga. Natatakot talaga ako sa kanya. But now is different. Mas malala pa sa takot ang nararamdaman ko. Papatayin niya ba talaga ako? Viex Zaffre... What did I do to you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD