Nagdadabog na umalis si Kath dahil sa harap-harapan na niyang prinangka ang dalaga. Sinabi niya rito na hindi siya interesado sa dalaga at binanggit din niyang may nagmamay-ari na ng puso niya. Flashback... Nang makabalik ang magkaibigang Grace at Kath sa loob ng bar, agad na umangkla sa kaniya si Kath at inilayo siya nito kina Grace at doktora. Gusto sana niyang pigilan ang babae ngunit nakonsensiya naman siyang baka mapahiya ito sa harapan ng mga kaibigan nila. Kaya naman sumunod na lang siya kay Kath nang hilahin na siya nitong pabalik sa puwesto niya kanina. “I didn’t know na magkakilala pala kayo ni Grace,” aniya kay Kath nang makaupo na sila sa kanilang puwesto. “Huh? Yeah! She’s actually my bestfriend since elementary. Then naghiwalay kami ng school noong highschool. Sa Saint N

