Sa labas ng bar nakarating sina Grace at Kath matapos siyang hilahin nito kanina. Napahalukipkip na lang siya habang hinihintay na magsalita ang kaibigan. Kath is totally opposite of her. Pati pananamit magkaibang magkaiba sila nito. “Best, bakit ka nandito?” tanong nito sa kaniya. “Ha? Anong bakit ako nandito? Inimbitahan ako ni Marvin, iyong ka-team ng jowa mo. Ikaw? Bakit ganiyan ang suot mo? Hindi ka ba nilalamig?” balik tanong niya rito habang nakakunot ang kaniyang noo. “Eeeiii! Kasi naman eh, hindi ka dapat nandito!” nakangusong saad nito sa kaniya. “At bakit? Para magawa mo ang gusto mo? Hoy, Katherine ha, hindi por que nasa edad na tayo magwawala ka na ng ganiyan. Irespeto mo naman ang sarili mo best!” panenermon niya sa kaibigan. “Kasi naman e! Sige ganito na lang, huwag mo

