Tahimik lang na nakaupo sa isang sulok ng bar si Rex, habang pinapanood ang mga kaibigan niyang nagkakatuwaan sa dance floor. As usual, hindi na naman siya nakikigulo sa mga ito. Ganito naman kasi siya palagi kapag may victory party sila. Mas gusto niyang uminom sa isang sulok, kaysa ang makipaglandian sa mga babae. “Captain! Ang tahimik mo ah!” nakangiting bati sa kaniya ni Doktora Vida. Inimbita niya ito roon para naman masilayan nito si Kyle. Alam na alam naman kasi niyang patay na patay ang batang doktora sa kanilang coach, iyon nga lang hanggang tingin at kilig na lang ito sa malayo. Inalok pa nga niya itong ilakad kay Kyle, pero tumanggi naman ang doktora sa ‘di niya mawaring dahilan. “Alangan namang mag-ingay akong mag-isa rito Dok? Baka mamaya niyan isipin pa ng iba na nababali

