“Brad, bakit naman hindi mo sinabi sa akin na kasama mo pala si Margaux kanina?” sita niya kay Jigger nang tawagan siyang muli nito sa kaniyang silid. “Hindi ko naman alam na magkikita kami ng babaeng iyon sa lobby kanina brad. Sorry na. Teka, bakit parang alergy ka na yata ngayon sa mga babae? May hindi ba ako alam?” tanong nito sa kaniya. “May girlfriend na ako Jigs at ayaw kong maging problema namin ito in the future. Alam mo naman kung anong klaseng babae si Margaux ‘di ba? Siya ang tipo ng babaeng nakukuha ang gusto,” wika niya sa kaibigan. “Yown o! Mukhang lakas ng amats mo sa syota mo brad a,” kantiyaw naman ni Jigger sa kaniya. “G*go! Seryoso ako brad. As in seryoso ako sa girlfriend ko,” may diing sambit niya sa kaibigan. “Okay, okay! Pero mukhang magkakaproblema ka nga brad,

