Mabigat ang mga talukap ng mga matang dumilat si Grace nang marampdaman niyang tila may mga matang nakatunghay sa kaniya. Napangiti pa siya nang makita niyang si Rex pala iyon at matamag nakatingin sa kaniya. Isiniksik niya ang kaniyang sarili sa katawan ng kasintahan at dinama ang mainit nitong katawan. Wala siyang pinagsisisihan nang ipagkaloob niya sa binata ang sarili. Dahil alam niyang mahal siya nito at gayun din naman siya rito. “Mukhang napagod ka nang husto mahal,” narinig niyang saad ni Rex sa kaniya habang nasa bisig siya nito at nakadantay ang isang paa nito sa kaniyang baywang. Niyakap naman niya ang kasintahan at hinalikan ang dibdib nito bago inihilig ang kaniyang ulo roon. Rinig na rinig niya ang tila musikang pagpintig ng puso ni Rex. Tila sinasabi nito kung gaano siya

