Chapter 3

2371 Words
MAAGANG nagpunta sa kanyang apartment si Candy kinabukasan. Ito na nga ang nanggising sa kanya samantalang ang usapan nila ay lunch nila imi-meet ang kababata nito.   “Ano ba ang mga gagawin ko” tanong niya rito habang kumakain sila ng almusal na dala nito.   “Ikaw ang pupunta sa bahay nila Paeng para mag-ayos sa garden nila. Doon kasi ang venue. Aalamin mo lang sa kanya at sa anak niya ang mga details ng party na gusto nila. `Yun lang. Pagkatapos, ikaw na rin ang mamimili sa mga decorations at mag-aayos do`n a day before the party. Pero huwag kang mag-alala, may mga tao akong tutulong sa `yo kung kailangan mo ng alalay.” mabilis ang pagsasalita nito at maningning ang mga mata.   “Kapag pumalpak ako?”   “Hindi ka papalpak. Magbihis ka lang ng maganda, a? May dala ako ritong make up, lalagyan kita.” Palibhasa ay matagal na siya nitong kinukulit na makilala si Paeng kaya gano`n na lamang ito kasaya at ka-excited.   “Candy, trabaho lang `to, huwag mong isama ang kalokohan mo.” sinaway niya agad ito. Alam niya ang tumatakbo sa isip nito.   “Malay mo, matipuhan ka niya at imbis na birthday party lang ng anak niya, isabay na ang wedding ninyo.”   “Sa fairytale lang nangyayari na nagpapakasal ang babae sa isang stranger.” Nayamot siya rito. “And I`m no Cinderella kaya please, stop dreaming about it.’   “Baka kapag nakita mo si Raphael, mag-feeling Cinderella ka riyan. At baka lagyan mo siya agad ng label na ‘Abygail`s property’.”   “Hindi ako pinalaki ng magulang ko para maging gano`n. At hindi rin ako tumanda nang ganito para lang bumigay ng gano`n kabilis.” Sa pagbanggit dito ay na-guilty siya dahil nagsisinungaling siya. Pero ginagawan na nga niya ng paraan upang hindi matuloy ang ayaw niyang mangyari.   Naglaho ang pagkakangiti nito. “Kapag ikaw nagkagusto kay Paeng, isusulat mo ang love story mo at ipa-publish.”   “At kapag hindi, ititigil mo na ang pangungulit mo sa akin tungkol sa pagbo-boyfriend.”   “Deal.” Sabay nilang sabi.   Hindi niya sinunod ang sinabi nito nang mag-ayos na siya. Ang typical niyang damit pa rin ang isinuot niya kung saan siya komportable. Malamig naman ang panahon ngayon kaya nag-longsleeve siya at jeans lang. Ipinusod na lamang niya ang kanyang buhok at hindi nagpapahid ng makeup kay Candy.   Malapit lang sa kanyang apartment ang sinabing restaurant kung saan sila magkikita kaya wala pang sampung minuto ay naroon na sila. May reservation na sila kaya tumuloy na sila sa loob. Wala pa roon si Paeng pero dahil kapwa kumakalam na ang sikmura ay umorder na sila ng pagkain, mag-aalas-dose na rin kasi `yon.   “Nasa parking na raw sila, papunta na rito.” Sabi ni Candy matapos itong tawagan. “Kasama niya pala si Mika.”   “Mika?” naalala niya ang batang nakilala niya sa c.r.   “Daughter niya.”   Magtatanong pa sana siya ulit nang sabihin nitong naroon na ang mag-ama. Nakatalikod siya kaya hindi niya pa ito nakita. Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso niya at ipinagdarasal na sana ay ibang tao iyon. Sana hindi si Mika ang anak nito dahil nakakahiya kung nagkataong nalaman nito ang sinabi niya sa kapatid ng asawa nito.   “Abz,” sumenyas si Candy na humarap siya sa mga ito.   Huminga siya ng malalim at inihanda ang sarili habang dahan-dahan na ipinihit ang kanyang leeg paharap sa mga ito.   “Mommy Aby!” hindi nga siya nagkamali, si Mika nga ang anak nito. Agad siya nitong niyakap.   “Hi,” alanganin niyang bati sa bata.   “Mommy Aby?” ani Candy. “Magkakilala na kayo, Paeng?”   Nang hindi sumagot ang ama ni Mika ay saka lang siya nag-angat ng tingin dito. Sa kanyang pagkagulat ay napatayo siya bigla at panandaliang huminto ang kanyang daigdig.   “I-i...k-kaw?” hindi siya makapaniwalang tunay nga na napakaliit ng mundo.   “What`s going on?” buong pagtatakang tanong ni Candy habang nagpapalitan ng tingin sa kanilang dalawa. “Magkakilala na kayo?”   “A, yeah, we know each other,” pagsisinungaling niya na ngumiti pa sa kaibigan ngunit matatalim ang mga mata nang bumaling kay Raphael. Pasimple niya itong inapakan sa paa. “Right, Raphael?”   “Y-yes, w-we know each other.” hindi pa ito masyadong nakakabawi sa pagkabigla. Hindi nga inaalis ang tingin sa kanya.   “Ikakasal na sila, Tita Candy, magkakaroon na ako ng mommy!” kuwento ni Mika. “Hindi po ba, mommy Aby?”   Gusto ni Aby na maglahong bigla sa harap ng mga ito habang buhay. O `di kaya naman ay bumuka ang lupa at kainin siya ng buhay basta lang matakasan niya ang matinding kahihiyang kinakaharap.   Yes. Hiniling nga niyang makilala ang ama ng batang ito pero hindi sa ganitong pagkakataon at hindi si Raphael.   “A, actually, pinag-uusapan pa lang namin ni Aby ang tungkol sa kasal.” sabi ni Raphael kasabay ng pag-akbay sa kanya.   Amoy na amoy niya ang nakakahalinang samyo ng gamit nitong pabango. Hindi `yon masakit sa ilong, tamang-tama lang ang tapang kahit lalaking-lalaki ang amoy. Sa pagdikit ng katawan niya sa katawan nito ay naramdaman niya ang malapad nitong dibdib. Gayunpaman, bahagya niya itong siniko sa tagiliran upang lumayo ito sa kanya.   “Kasal? Kailan pa naging kayo?” halos magsalubong ang kilay ni Candy sa pagkunot ng noo.   Ayaw niyang malaman nito na nahalikan siya nang kababata nito. Unang-una, dahil sa kanyang pride. Kahihiyan para sa kanya ang nangyari at malaking kabawasan `yon sa kanyang pagkatao. Hindi niya kakayaning pag-isipan siya ng kahit na sino na isa siyang mababang uri ng babae na nagawang bastusin. At ang mas ayaw niyang mabunyag dito ay ang ginawa niya kamakailan lang.   “Kasi-”   Pinutol niya ang sasabihin ni Raphael. “Ako ang nagdesisyong ilihim ang relasyon namin. Kilala mo naman ang kapatid ng late wife niya, `di ba? Kapag nalaman niya na ako ang girlfriend ni Paeng, baka kung ano ang gawin niya.” Ginamit niya ang pagiging writer para lang makapagpalusot. Isa ito sa advantage ng pagiging manunulat, nakagagawa ng paraan sa oras ng pangangailangan.   “Bakit pati sa akin inilihim ninyo? Alam mo naman Paeng na tutol din ako kay Honey.” nanulis ang nguso ni Candy.   Nagkatinginan sila ni Raphael at katulad nang una nilang pagkikita, panandalian siyang nawala sa sarili. Lalo na nang ngitian siya nito.   “But now, you know, `yun ang mahalaga.” sabi ni Raphael.   “Kaya naman pala hindi nagdalawang isip na pumayag itong si Aby na maging assistant ko.” himig nagtatampo si Candy. Nagsalungbaba ito at sinabing, “I hate you both.”   “Mommy Aby, sa house ka na rin po ba titira?” tanong ni Mika.   “H-hindi pa, Mika.” sagot niya.   “Pero, sasama sa atin sa bahay ngayon ang Mommy Aby mo.” Sabi ni Raphael. “Hindi ba, sweetheart?”   Sarcastic niya itong nginitian. “Yeah, of course, sasama ako.”     HINDI MABURA ang mga ngiti ni Raphael habang nagmamaneho ng kotse kahit na matatalim ang mga mata ni Aby sa tuwing susulyapan niya ito. Masaya siyang muli niyang nakita ang dalagang ninakawan niya ng halik na nagnakaw din sa kanya ng halik at nagkataong ito pala ang ikinukuwento ni Mika na nagtanggol sa anak mula kay Honey.   At naniniwala siyang tadhana ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang makasama ito.   “Puwede ba itigil mo `yan?” mataray na wika nito. Halos pabulong lang ang pagsasalita, marahil ay sa takot na marinig ni Mika.   “Ang alin?” nagtatakang tanong niya.   Matagal siya nitong tinitigan ng masama bago sumagot. “`Yang maruming iniisip mo. Nakakahiya ka, babae pa naman ang anak mo.”   “What?” natawa siya. “Wala akong-”   Isinenyas nito ang kamay na huwag na niyang ituloy ang sasabihin. “Once a bastos, always mambabastos.”   “Look, I have a good reason for doing such stupid move.” Sumeryoso siya.   “What is stupid, Daddy?” tanong ni Mika.   “Anak, hindi ba`t sinabi ko sa `yong huwag kang makikinig sa usapan ng mga matatanda?” sabi niya, sa rearview mirror niya sinulyapan ang anak.   “I`m sorry, Daddy.”   Napailing-iling na lang sa kanya si Aby.   Nang makarating sa kanilang bahay, ang kanilang mga kasambahay na sina Susan, Betty, Manang Auring, at ang yaya ni Mika na si Anna ay nagulat na may kasama sila. Maliban kay Candy at Honey, si Aby ang unang babaeng dinala niya ro`n. Inaasahan na rin naman niya ang magiging reaksiyon ng mga ito.   “Who is she?” tanong ni Aby nang mapuna ang isang painting na nakasabit sa dingding ng kanilang sala.   “Mika`s Mom, si Nina.” sagot naman niya.   “Artista ba siya o modelo?”   “No, why?”   “I think I saw her somewhere,” anito.   Habang nakatitig ito sa painting, siya naman ay ito ang kanyang pinagmamasdan. Mas gumaganda ito sa kanyang paningin habang tumatagal at mas nahuhulog siya rito.   Tinaasan siya nito ng kilay nang mapuna ang ginagawa niya. Nginitian niya ito at sinabing sinusuri lang niya ang kulay ng buhok nito na hindi nito pinaniwalaan.   “Puwede ba tayong mag-usap? In private,” sabi nito habang pasulyap-sulyap sa mga kasamabahay na nakamasid sa kanila.   Dinala niya ito sa family room sa ikalawang palapag. Den kung tawagin iyon dahil may salamin na sliding door. Sinadya niyang ipagawa iyon para kay Nina dahil doon ang paborito nitong puwesto kung nagbabasa kapag gabi. Ayaw kasi nitong naiistorbo sa anumang ingay.   Isinara niya ang pinto para walang makarinig sa pag-uusapan nila.   “I`m really sorry about-”   Hindi na siya nito pinatapos sa pagsasalita. Hinawakan siya nito sa kuwelyo ng suot niyang t-shirt at hinila palapit dito. Halos magdikit ang kanilang mga ilong sa puwersa nito.   Nagkatitigan sila.   “I`m sorry,” anas niya kasabay ng pagtataas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko rito. “I did not really meant to be rude, but it was just the only way na naisip ko para tigilan na ako ni Honey. Ayokong maikasal sa kanya.”   Kumunot ang noo nito kasabay ng pagbitaw at paglayo. “Ang tinutukoy mo ba ay ang babaing kinatatakutan ni Mika sa party?”   Tumango siya.   “At bakit ka naman ikakasal sa kanya?”   “My wife`s last wish,”   Tinaasan na naman siya nito ng kilay. “Dahil sa ayaw mong magpakasal sa kanya kaya ka nanghahalik ng kung sinong babae?”   “No, nagkataon lang na ikaw ang naro`n. Wala akong choice,”   Napaismid ito.   “By the way, salamat sa pagtatanggol mo kay Mika. Alam kong napilitan ka lang din sabihin na girlfriend kita para lang lubayan nito ang anak ko.” Mula sa kaibuturan ng kanyang puso ang sinabi. “Maraming-maraming salamat.”   “What you did was unforgivable,” anito, “hindi ako mababang uri ng babae para lang gamitin ng kahit na sino, kahit pa buhay nila ang kapalit.”   “But you... also did that to me, remember? At the party?”   Kapuna-puna ang biglang pamumula ng pisngi nito. Umiwas ito ng tingin at ilang sandaling hindi nakapagsalita. Ikinatuwa niya ito.   “P-pero, ikaw ang nauna. May... may kuwan lang, kailangan ko lang gawin `yon para magtago sa isang tao. Magkaiba tayo.”   “Alright. Handa akong gawin ang lahat para lang mapatawad mo at para malaman mong hindi rin ako gano`ng uri ng lalaki. Mataas ang respeto ko sa mga babae,” mabilis na pagsagot niya. Wala naman kaso sa kanya kung ano ang dahilan nito, ang mahalaga ay mayroon na siyang pagkakataon upang makilala ito. Kailangan niya na lang samantalahin ang sitwasyon.   “Para sabihin ko sa `yo, hindi mo na mababago kung ano ang pagkakakilala ko sa `yo at ito na ang huli nating pagkikita.” Nakatingin na itong muli sa kanyang mga mata.   “But you`re Candy`s assistant, right?”   Natigilan ito.   “Ang sabi niya, ikaw ang mag-aasikaso sa party ni Mika?”   “O, `di after the party hindi mo na ako makikita.” Tinarayan siya nito.   “Okay na sa akin ang 6 weeks. Basta`t ipakikita ko sa `yo na hindi naman ako masamang tao.” Wika niya at karugtong sa isip ang, at maaari mo rin ipagkatiwala sa akin ang puso mo.   “Hindi ako interesadong malaman.”   “Si Candy-”   “Huwag na huwag kang magkakamaling sabihin kay Candy ang nangyari kung gusto mo pang mabuhay,” pagbabanta nito at idinuro pa siya.   Mas itinaas pa niya ng husto ang dalawang kamay at ngumiti. “Okay, I won`t. Pero, paano ko naman ipaliliwanag sa kanya kung paano tayo nagkaroon ng relasyon? Kung kilala mo siya, tiyak na alam mong kailangan mai-explain sa kanya ang lahat.”   Sa pagiging malikot ng mata nito, nahulaan niyang nag-iisip ito ng idadahilan.   “Raphael!” isang matinis na boses ng babae ang dumating- si Honey. Pabalibag nitong binuksan ang sliding door.   Tinarayan nito agad si Aby nang makita. Tiningnan pa ito mula ulo hanggang paa.   “What are you doing here?” tanong nito.   Mapanuyang itong nginitian ni Aby. “Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko sa `yo sa c.r?”   “Hindi ako naniniwala. Hindi pumapatol si Raphael sa mga... babaing walang class.”   “Honey, puwede ba tumigil ka na? Totoo ang sinabi niya.” Saway niya. Umakbay siya kay Aby. “5 months na kaming may relasyon.”   “No!” nagtaas ang boses nito. “Alam kong binayaran mo lang siya para magpanggap! Hindi ka na nahiya kay Ate Nina!”   “Honey, utang na loob tigilan mo na kami. Ang usapan natin ng Ate mo ay magpapakasal lang tayo kapag wala pa akong nahahanap na kapalit niya before Mika turns 7. Now that I have, sana irespeto mo `yon.” Nakikiusap na wika niya.   Matatalim ang naging tingin ni Honey kay Aby na matatamis na ngiti naman ang iginanti. Nangiti tuloy siya dahil halatang hindi rin patatalo si Aby kung sakaling i-bully ni Honey.   “Aalis ako ngayon but I swer, babalik ako para ilabas ang baho ng babaing `yan. At sisiguraduhin ko sa `yo, Raphael, na nagkamali ka sa kanya!” At padabog itong umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD