bc

ELLE(Completed)

book_age16+
59
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
independent
inspirational
drama
bxg
humorous
serious
lies
lonely
like
intro-logo
Blurb

Nagkakilala sina Abygail at Raphael sa isang awkward na sitwasyon, ang pagnanakaw ng halik ng lalaki sa dalaga. Kaya ganoon na lamang ang inis ni Aby dito kahit pa kamukha ito ng Hollywood crush niya na si Jensen Ackles. Aminado naman siya na malakas ang appeal nito ngunit hindi niya ito mapapatawad sa kabastusang nagawa sa kanya. Sa nakakatawang pagkakataon, muli silang nagkita sa isang party at dahil may kailangan takasan si Aby sa kanyang nakaraan na naroon, siya naman itong nagnanakaw ng halik kay Raphael.

At hindi doon natapos ang kanilang kuwento. Hindi na rin kasi malimutan ni Aby ang halik na iyon na itinuturing niyang estranghero kaya tinanggap niya ang inaalok na trabaho ni Candy. Ang mag-organize ng birthday party ng anak ng kababata nito… na nagkataong si Raphael pala. Kaya ganoon na lamang ang stress na naramdaman niya dahil makakasama at makikilala pa niya ang lalaki na biyudo pala.

Paano kung hindi niya mapigilan ang atraksiyon dito sa lakas ng appeal nito sa kaniya? Paano kung mahulog siya kay Raphael kahit na alam niyang nakatakda na itong ikasal sa kapatid ng asawa nito na si Honey?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ano nga ba ang ibig sabihin ng bangungot? Ito nga ba `yung masamang panaginip na kinakailangan mong magising, o `yung magandang panaginip na nais mong manatili na lamang sa mundong `yon ngunit bigla kang nagising? Hay... kung minsan talaga mas okay pa ang matulog na lamang kung saan maaari mong makasama ang taong gusto mo at baguhin ang kasalukuyan niyong sitwasyon. Maaari bang ilabas ko na lang mula sa aking imahinasyon ang lalaking makakasama ko habang buhay? Para masigurado kong... Napatigil sa pagsusulat sa kanyang diary si Aby nang may mapadaan sa kanyang harapan na isang babaeng maingay maglakad. Balisa ito at nagpapalinga-linga sa buong cafeteria. Huminto pa nga ito sa kanyang table ngunit nang mapunang pinagmamasdan niya ito ay inirapan siya at nagpatuloy sa ginagawa. “Sino kaya ang hinahanap niya? At kung makairap naman...” sinundan pa rin niya ito ng tingin. Sa katunayan, hindi lang naman siya ang naagawan nito ng atensiyon, halos lahat yata ng kapwa niya costumer. Sa counter ito nagtungo pero nagtatanong lamang sa crew at sa kanyang palagay ay wala naman planong bumili ng kape. Maganda ito at may katangkaran kaya lamang ay napaka-typical ng hitsura. Tipong kapag isinama mo sa isang crowded na lugar ay hindi mo siya makikita. Sa tantiya niya, nasa pagitan ng edad 24 hanggang 26 ito. O mas bata pa ro`n at sadyang matured lang hitsura nito. “Bagay na bagay siyang kontrabida sa kuwentong ako ang bida.” Saglit siyang natawa sa sarili sa naisip ngunit mabilis ding napawi ang kasiyahang `yon. Napahugot siya ng hininga dahil wala pa ring nag-spark na idea sa kanya. Sinusubukan niyang makahanap ng inspirasyon kaya siya nagtungo sa cafeteria para makapagsulat siyang muli ng nobela na mahigit tatlong buwan na niyang hindi nagagawa. Writer`s block ba ito? Hindi niya alam dahil sa ilang taon niyang pagsusulat, mahigit pitong taon na yata, ay ngayon lang ito nangyari. Napasalungbaba siya at humigop sa straw ng nangangalahati na niyang inorder na iced coffee. Iced coffee dahil kung hot coffee iyon, lalamig lang din bago niya maubos. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng cafeteria at sa madalas niyang pagpunta ro`n ay masasabi niyang halos paulit-uit lang ang mga nangyayari ro`n, pati na ang mukha ng mga katulad niyang costumer ay pamilyar na rin sa kanya. Napakislot siya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone na agad naman niyang sinagot. “Candy,” “Where were you? Narito ako sa labas ng apartment mo.” “Bakit? May kailangan ka ba?” nagtaka pa siya. “Aby, nakalimutan mo na bang ngayon ang 60th birthday ng kaibigan ni Mom? May trabaho ka ngayon.” Sa tunog ng pananalita nito ay masasabi niyang nakataas ang isa nitong kilay. Senyales na nayayamot ito. “Oh! Sorry.” tumayo na siya agad at isinukbit ang kanyang body bag sa balikat. “Mauna ka na lang sa venue, susunod ako agad, promise. Nawala kasi sa loob ko.” “Memory gap na naman. Sige, magkita na lang tayo sa hotel.” “Sorry talaga.” “Okay, bye.” At pinutol na nito ang linya. Natanaw niyang may taxi sa labas kaya nagmadali siya dahil baka bigla itong umalis. Ngunit- isang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa nang hindi sinasadyang mabunggo niya ang isang lalaking tila kagaya niyang nagmamadali rin. “Sorry!” sabay pa nilang nasambit. Nahawakan siya nito sa braso nang muntik na siyang mawalan ng balanse. Magpapaliwanag sana siya rito dahil alam niyang siya naman ang may kasalanan pero wala nang lumabas na salita sa kanyang napaawang na lamang na bibig nang mag-angat siya ng mukha rito. Napalunok siya. For two seconds, akala niya ay isang artista ang kanyang kaharap. Kamukhang-kamukha ito ng hinahangaan niyang hollywood actor sa paborito niyang TV series na Supernatural, si Jensen Ackles na gumaganap bilang Dean Winchester. Ang hugis ng mukha, ang arko ng kilay, ang pagkatangos ng ilong ay kuhang-kuha nito. Kung ang mga mata lamang nito ay kulay asul at hindi itim, baka pagkamalang magkakambal ang dalawa. Ngunit bukod doon, ang mga mata nito ay hindi nakangiti katulad ng kay Jensen. Malungkot ang mga nito na para bang may malalim na pinagdaraanan. Broken hearted ba ito? Niloko ng kanyang nobya at pinagpalit sa iba? Naghahanap ba ito ngayon ng bagong pag-ibig? “I-i`m sorry,” anas nito na ikinakilabot niya nang maramdaman niya ang hininga nitong tumama sa kanyang mukha kaya halos napapikit siya. Mabango iyon, amoy bagong toothbrush nang malanghap niya. Turn on para sa kanya ang lalaking malinis sa katawan. “Raphael!” natauhan lamang siya sa pagtawag ng babaeng kanina pa may hinahanap. “S-sorry din.” ayaw pa sana niyang umalis dahil may kung ano sa lalaking ito na nais pa niyang alamin. “I really am... sorry.” sa pagkakataong ito ay bigla siya nitong hinapit sa kanyang baywang habang ang isa nitong kamay ay inihawak sa likod ng kanyang ulo at- inilapat ang labi sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Panandaliang nayanig ang kanyang buong katawan sa kapangahasan nito. Oo, guwapo ito at malakas ang appeal. Subalit hindi siya gano`ng uri ng babae na basta-basta. Kaya nang makabawi sa pagkabigla, pinalipad niya sa pisngi nito ang nanginginig niyang palad. “Bastos!” at nagmadali siyang lumabas ng cafeteria na nag-iinit ang mukha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook