Story By MariaAndrea
author-avatar

MariaAndrea

ABOUTquote
I started writing ever since I was a teenager. I was inspired by my favorite boyband A1. I know it was impossible for me to be with them so I created a world where I can know them, be with them, love them more and where everything and anything I want is possible.
bc
The Accidental Girlfriend
Updated at Sep 19, 2021, 21:22
Isang masungit at immature na boss si Daniel para kay Arianne. Wala itong tiwala sa kanya at siya ang palaging nasisisi sa mga nangyayari kahit na wala naman siyang kinalaman. Hindi naman siya nito mapaalis sa trabaho dahil sa kapatid nito ang nagpasok sa kanya. Wala rin naman siyang choice kung hindi ang manatili sa pagtatrabaho sa coffee shop nito dahil kailangang-kailangan niya ng pera. Hanggang sa nasangkot sila ni Daniel sa isang aksidente na nagdulot ng masamang epekto sa boss. Nawalan ito ng memory. At sa kasamaang palad, nang makita siya nito ay bigla na lamang siya nitong niyakap at inakalang siya ang babaeng pinakamamahal nito.
like
bc
I'll Take The Tears
Updated at Sep 17, 2021, 08:23
Kinaasaran ni Gabriel ang ugali ni Roxanne na ubod ng tigas ng ulo at hindi talaga marunong makinig. Lalo’t napapahamak ang pinakamamahal niyang si Corine kapag kasama nito. Wala naman siyang magawa dahil ang kuya nga nitong si Migs na bestfriend niya ay hindi pinakikinggan sa mga pangaral sa kapatid. Si Roxanne naman ay kinaasaran din ang ugali ni Gabriel na masyadong Overprotective kay Corine. At hindi ‘yon dahil lang sa sadyang Oa ito kundi dahil sa may itinatago siyang lihim na pagtingin para rito. Alam naman niya na walang pag-asa na mapansin siya nito bilang isang babae at hindi bilang kapatid lang ng bestfriend kaya naman si Roxanne, malungkot ang lovelife. Pero hanggang kailan nga kaya kayang ilihim ni Roxanne ang nararamdaman para rito? Paano kung hindi na niya kayanin ang sakit kapag nalaman niyang magpapakasal pala sina Gabriel at Corine? Dadalhin niya na lang ba talaga hanggang sa hukay ang sikretong pagtatangi sa matalik na kaibigan ng nakatatandang kapatid?
like
bc
ELLE(Completed)
Updated at Sep 4, 2021, 17:26
Nagkakilala sina Abygail at Raphael sa isang awkward na sitwasyon, ang pagnanakaw ng halik ng lalaki sa dalaga. Kaya ganoon na lamang ang inis ni Aby dito kahit pa kamukha ito ng Hollywood crush niya na si Jensen Ackles. Aminado naman siya na malakas ang appeal nito ngunit hindi niya ito mapapatawad sa kabastusang nagawa sa kanya. Sa nakakatawang pagkakataon, muli silang nagkita sa isang party at dahil may kailangan takasan si Aby sa kanyang nakaraan na naroon, siya naman itong nagnanakaw ng halik kay Raphael. At hindi doon natapos ang kanilang kuwento. Hindi na rin kasi malimutan ni Aby ang halik na iyon na itinuturing niyang estranghero kaya tinanggap niya ang inaalok na trabaho ni Candy. Ang mag-organize ng birthday party ng anak ng kababata nito… na nagkataong si Raphael pala. Kaya ganoon na lamang ang stress na naramdaman niya dahil makakasama at makikilala pa niya ang lalaki na biyudo pala. Paano kung hindi niya mapigilan ang atraksiyon dito sa lakas ng appeal nito sa kaniya? Paano kung mahulog siya kay Raphael kahit na alam niyang nakatakda na itong ikasal sa kapatid ng asawa nito na si Honey?
like