SUMA'S POV . . "Zeid!" sigaw ko at hindi ko na alam ang nangyari. Nahimatay ako saglit at ng magmulat ay agad akong napaupo, nabigla nalang ako ng may humawak sa braso ko dahilan para mapalingon ako sa nagmamay ari nito. Nanlaki ang mata ko ng makita si Tarzan na ngayon ay nag anyong tao na, agad ko siyang niyakap ng mahigpit at naiiyak itong sinuntok sa dibdib. "Walanghiya ka talaga!" "Sorry.." rinig kong sabi wika niya at niyakap din ako pabalik. Hindi ko na siya tinulak pa dahil nanghihina na din ako dahil sa pinagsamang pagod at sakit ng katawan. Maya maya lang ay nabigla nalang ako ng may marahas na tumulak sa akin dahilan para biglang humiwalay si Tarzan sa akin, bahagya akong napaatras at napabitaw sakanya. "Wa-g mo siyang hawakan halim-aw! s**t ah." napalingon ako kay Chol

