bc

Taming the Wolf (TagLish)

book_age16+
326
FOLLOW
1.9K
READ
fated
curse
mate
bxg
werewolves
small town
another world
supernatural
wild
like
intro-logo
Blurb

Suma Hera Villa was an independent and brave woman. Mag isa siyang nakatira sa syudad ng Derosa kung saan nanatiling mapayapa ang kanyang buhay. Mayroon lamang siyang lolo't lola na sumusuporta sa pangangailangan niya, ngunit nakatira ito sa malayong probinsya.

Maayos naman ang buhay niya sapagkat binibisita siya ng mga ito, ngunit ng dahil sa isang balita nagbago ang takbo ng buhay niya.

She met a Wolf.. wait No.. She met a LONE WILD WOLF!

Named Dan Zeid Lucrus

Who they said that is Ruthless,

Cold,

Wild,

and Scary

But you know what's surprising?

She can tame him.

chap-preview
Free preview
I
Disclaimer This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Maaring may mga lengwahe na hindi wasto para sa iilang mga mambabasa, binibigyan ko kayo ng paalala na kailangan ng malawak na pag-unawa bago ito basahin. Kung hindi ka pa handa sa mga maseselang mga salita o pangyayari, hindi ito para sa'yo. Inuulit ko na may mga scenes dito na hindi wasto para sa ibang mambabasa. Maging malaya tayo sa pagpili ng ating babasahin, ngunit maging responsable rin tayong mambabasa. Read at your own risk. I may not be able to control or stop you from reading this story but in every right there will be always a huge responsibility for it. Hindi rin ito maaring ilipat sa kahit na anong plataporma or i-print o kahit na anumang paraan na pagkuha ng storyang ito na walang permiso ng author. ENJOY READING! . . . . . Prologue Sa isang abandonadong bahay ay nakaupo ang dalawang magkasintahan sa isang lumang sopa, masaya silang nag uusap habang magkahawak ang kanilang kamay. Ilang oras na silang magkasama pero hindi nababakasan ng kahit anong pagsasawa ang mukha ng dalawa. Nagkekwentuhan, asaran at naglalambingan lamang sila. Maya maya ng dumating ang dapit hapon bigla nalang naging balisa ang babae ng may maalala ito at agad nilingon ang kasintahan na para bang may gusto itong sabihin. Nagtaka naman ang lalaki kaya tinanong niya ito kung ano ang problema. Bigla nalang nabahala ang lalaki ng sumilip sa gilid ng mata ng babae ang luha nito. "Ric.. buntis ako." naluluhang pag amin ng babaeng na nag ngangalang si Shrida. Yumuko siya dahil natatakot ito sa sasabihin ng kasintahan at tanggap na nito ang maging reaksyon ng lalaki. Gulat man ay may ngiting sumilay sa mukha ng lalaki na nag ngangalang Ric, ang lihim na nobyo ni Shrida. Bakas sa mukha nito ang saya, sa sobrang saya ni Ric ay hinalikan niya ito ng mariin bago hinawakan ang magkabila nitong pisngi. Pati si Shrida ay nagulat sa ginawa ng lalaki at hindi inakalang magiging mas masaya pa pala ito kaysa sakanya. "Talaga!? Magiging tatay naako!? YES!!! Tatay naako!!" masaya nitong tanong na ikinatango ni Shrida. Akmang yayakapin siya ulit ng lalaki ngunit pinigilan niya ito na ipinagtataka ng lalaki. "Paa..no si Kim?" utal na tanung niya na ikinatawa ni Eric atsaka hinawakan ang kamay niya. "Anong pano siya? sabi ko naman sayo diba hiwalay na kami? Napilitan lang ako sakanya, ikaw ang mahal ko--" hindi niya natuloy ang sasabihin ng bigla nalang may sumigaw na ikinapangamba ni Shrida. "No! Anong kalapastangan ito? Mali ang narinig ko diba Eric?" napatayo silang dalawa dahil sa narinig at humakbang si Ric sa harap ni Shrida na para bang prinotektahan niya ito ng malaman kung kaninong boses iyon nagmula. Takot ang rumehestro sa mukha ni Shrida ng makita si Kim, may kasama itong babae na nasa likuran nya lamang. Natakot sya kasi alam niya kung gaano kasama ang ugali ng matalik niyang kaibigan kapag may naagaw sakanya o may kaaway ito. "Kim what are you doing here?" naiinis na sabi ni Ric sa babae, napahigpit ang kapit ni Shrida sa braso ni Eric at agad nagtago. "Sinundan kita hindi ba obvious yon? Kung hindi ko siguro hinanap ang lokasyon mo edi sana hindi ko malaman itong kalandian nyo! You betray me Shrida.. walanghiya ka." nasasaktang sabi ng matalik na kaibigan nito. Naiiling namang tumanggi si Shrida at akmang hahakbang palapit sakanya ngunit sinamaan siya nito ng tingin dahilan para mapahinto siya. "Kim, I can explain hindi-- " hindi natuloy ang sasabihin nya sana ng sumingit si Kim. "Malinaw pa sa sikat ng araw ang narinig ko Shrida, akala koba bagay kami? akala koba bestfriend tayo!? HA!? Magiging tulay ka pa nga namin diba? Malandi ka!!! Mang aagaw!!! Dapat sayo pinaparusahan!" sigaw ni Kim. Dahil sa sinabi nito natakot din bigla si Ric, alam niya na hindi normal na tao si Kim. May dugong kasamaan ang nanalatay sa babae na di tulad ng mga dugo ng normal na tao dahil isa rin siya sa mga ito. Kaya nitong pagdusahin ka habang buhay, yon ang kakayahan ng isang Ragana (witch). "Kim pag uusapan naman natin it---" "HINDI! Isusumpa ko kayo! At dahil gusto kong magdusa kayo,ang anak niyo ang siyang bibigyan ko ng sumpa na kahit nino man sainyo ang hindi makakasira! Hahahaha!" nakangisi nitong wika bago umatras. "Teka Kim..pwede pa natin ito pag usapan. Kahit ako nalang, please wag ang mag ina ko nagmamakaawa ako sayo. Kung gusto mo sasama ako sayo wag mo lang silang galawin!" Eric. "Kilala niyo ako diba? hahaha wala ng pangalawang pagkakataon Eric, sinira nyo ang tiwalang binigay ko. Kaya magdusa kayo." Ani ni Kim at bigla nalang pinagdaop ang kamay bago inihiwalay ang mga ito at ngumiti. Ngiting may halong poot at sakit. Ngiting kailanman ay ngayon palang nakita ni Shrida sa matalik niyang kaibigan. At ngiting magpapabago sa buhay nila ng kanyang magiging pamilya. "Isinusumpa ko kayo na sa tuwing liliwanag ang buwan, ang iyong anak ay magiging isang mabangis na lobo na kahit sino man sainyo ay hindi kayang paamuin ito.. Viespats tamsoje Girdi mano nora ir prakeikima." wika nito sa hangin na ikina dilim ng paligid. Nakakatakot ang aura ng babae at ngayon niya lang nakitang ganito ang kaibigan. Maalaga at mabait ito sakanya at hindi niya alam na masisira lang ito dahil sa pagkakamali niya. Sumakit bigla ang tyan ni Shrida dahilan upang mapahiyaw siya sa sakit. Agad naman siyang hinawakan ni Ric at inalalayan ito. Wala ng ibang magawa si Ric Kundi magmamakaawa ,ngunit tila bingi si Kim at nakangiti lamang ito habang nakatanaw sa matalik nitong kaibigan na namimilipit sa sakit. Hindi man pansin ng dalawa ngunit naiiyak si Kim sa ginawa niya, at agad nagpasya. "Except from his mate.. I'll make an exception..... friend. " bulong nito na hindi narinig ng dalawa bago naiiyak na umalis. Natawa ang kasama ni Kim ng marinig nito ang huling wika ng kaibigan at napangising tumingin sa tyan ni Shrida bago sumunod kay Kim. _________________f

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook