Chapter 1: Start

3014 Words
SUMA *ring* "Apo! Miss ka na namin." sabay na bungad na sabi ni lola at lolo sa akin. "Hi po lola! hi po lo! kamusta na kayo jan?" sabi ko ng masagot ang tawag ni lola. Gabi na at kakatapos ko lang kumain ng tumawag ang dalawa, himala at napatawag sila ngayong gabi minsan kasi sa umaga sila tumatawag. At medyo matagal tagal narin pala nong huli ko silang nakausap. "Maayos lang kami apo, ikaw ba? Kumain ka ba ng maayos jan? Baka kulang pa ang pera mo jan sa pang araw araw mong gagastusin?" tanong naman ni lolo sa kabilang linya. "Ayos lang po lo, kakapadala nyo pa nga e hahaha. Ah siya nga pala kelan kayo bibisita? Miss ko na po kayong dalawa " tanong ko sa nalulungkot na boses. Pati kasi pagdalaw nila madalas nalang din. Natahimik ang kabilang linya kaya nagtaka ako at agad ito tinignan baka kasi na disconnect na pala diba pero pagtingin ko hindi naman, baka mahina yung signal. Maya maya lang din ay nagsalita din si lola. "Ah hahaha, kaya nga napatawag ako kasi pupunta kami jan bukas oo." nanlaki ang mata ko sa sa tuwa at napatalon talon sa kinauupuan. "Talaga po? Awieee hintayin ko po kayo bukas." natutuwang sabi ko. "O siya apo ibaba ko na ito, matulog kana din ha. Love you." pagpaalam ni lolo na agad kong pinagtataka, bat ambilis naman nila matapos sa pakipag usap. "Sige po lo, bye din po la! Mahal ko kayo mwa." huli kong sabi at agad din nilang binaba ang tawag. Hindi ko nalang ito pinansin at nakangiting tumingin nalang ako sa orasan. Napakunot ang noo ko ng makitang ten thirty na pala, ang late naman ata nila tumawag. Oh well, kibit balikat akong nahiga na sa kama at napatingin sa kisame. Ah mabuti nalang bibisita na sila lolo at lola, miss ko na sila. Ang hirap din kasi kapag mag isa nalang lagi na nakatira sa boarding house, gusto ko ng may kasama nang hindi ko naman laging kausao ang sarili. Hays pumikit na lamang ako mas mabuti ng matulog maaga pa ako bukas. ——— Kinaumagahan nasasabik na bumangon agad ako at naligo, hindi ko alam kung kelan sila darating pero mas mabuti na iyong handa. Nagsaing at nagluto narin ako ng ulam pang umagahan at pagkatapos ay nagsimula ng kumain. Napakunot ang noo ko ng may kumatok sa pinto, 7:30 pa lang ah nandito naba sila? Ni wala pa din akong natanggao na tawag at text mula sakanila. Dali dali kong binuksan ang pinto at malaki ang ngiting tinignan ang kumatok. Ng makita kung sino ang nasa harapan ay nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng taas kilay. "Inamo, ang aga aga Cholo anong ginagawa mo dito?" sabi ko kay Cholo na siyang bumungad sakin pag bukas ng pinto, ngumisi ito bago nagsalita. "Wow naman ang laki ng ngiti natin kanina ah, may inaasahang bisita ka ba? Tara ml nalang." sabi niya na ikinangiwi ko, adik talaga ito. "Lul ang aga aga naglalaro kana? adik kaba, hindi na uy bobo mo pa naman kalaro lagi tayong talo puro kapa tanso." sabi ko na ikinasimangot niya. "Grabe naman to kung makapagsalita parang hindi binuhat." sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tanginamo ako humubuhat sayo ah. Atsaka pupunta si Lola't lolo ngayon, kaya ayoko din muna maglaro." dagdag ko at pumasok na ulit sa loob para ituloy iyong kinakain ko. Nakakunot ang noong napatingin ako sakanya ng pumasok din ang kumag at kumuha pa ng kalahating tocino, kapal talaga nito. "Hoy wag mo ubusin, hindi ka ba pinapakain sainyo at dito ka pa kumain?" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin, tumawa lang ang kupal at naglaro sa cellphone niya. Siya si Cholo ang kaibigan kong makapal ang mukha at feeling close, kaka lipat lang nyan last 2 months feeling close na agad sakin, ewan ko sang lupalop to galing. Wala din naman akong problema sa lalaking to kasi mukha naman siyang harmless kaya lang yung kakapalan ng mukha niya talaga nakakapag pakulo ng dugo ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong umilaw at napatayo ng makitang may text si lola na malapit nadaw siya. "Parating na si lola!" sigaw ko na ikinagulat ni Cholo. "Inang to nanggugulat." hindi ko na siya pinansin at dali dali akong lumabas ng bahay. Naghintay lamang ako sa gilid ng daan ng ilang minuto at malaki ang ngiti na tumitingin tingin sa dumadaang mga sasakyan nagbabakasaling hihinto at lalabas na si lola at lolo. Maya maya lang din ay may humintong trisekel sa tapat ko. Agad akong natuwa ng makitang bumaba si lola doon at lumapit agad ako sakanya para tulungan siya sa dala niya. "Lola!" sigaw ko at nagmano agad sakanya. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa pisngi ng matapos siyang magbayad sa sinasakyan. "Anlaki na talaga ng apo ko. Pasensya na't ngayon lang ulit nakadalaw ha, medyo busy kasi kami noong nakaraang buwan." paliwanag niya na ikinatango ko. "Ano ka ba naman la ayos lang! Ah siya nga pala bakit wala si lolo?" kunot ang noo kong tanong ng makitang hindi niya kasama si lolo. Akala ko ba silang dalawa dadalaw dito? "Hindi na sumama ang lolo mo, may emergency daw doon na kailangan niyang ayusin. Tsaka sandali lang din naman ako dito. Uuwi agad ako bukas, pasensya kana talaga apo." paliwanag ni lola. Malungkot man ay tumango nalang ako at ngumiti para hindi sila makokonsensya. Ganon talaga lagi kadalas ang pagbisita nila saakin, pinakamatagal na siguro iyong tatlong araw. "Bat kasi ayaw nyong ako nalang ang bumisita doon nang hindi na kayo mahirapang bumisita saakin dito buwan- buwan?" nakanguso kong tanong, tumawa lang si lola bago kumapit sa braso ko. "Ayos lang iyan apo, malulusog pa naman ang katawan namin para bisitahin ka. O narito na pala tayo sa apartment mo, may dala akong puto at ubas. Dinamihan pa iyan ng lolo mo para silbing bayad nya sa pag absent niya ngayon hahaha." sabi ni lola na ikinatawa niya. Nakanguso parin akong sumunod sakanya at nagtataka parin kung bakit ba ayaw nila akong pumunta doon sa Miskas. May tinatago ba itong mga ito? Huling punta ko ata non nong 6 yrs old pa ako kaso medyo limot ko na kung anong itsura ng lugar na yon. Awit naman. "Uy lola Mildred! Long time no see!" biglang sigaw ni Cholo na nandito parin pala sa loob at kakatapos lang maglaro. Siraulo tong kupal nato akala ko sumunod o lumabas na to kanina kasabay ko? Kinuha niya ang ibang dala ni lola at inilagay sa mesa nakikimano din siya bago bumalik sa kinauupuan, oh diba feeling close talaga. "Cholo iho! Long time no see din, kamusta kana? Aga mo ata dito ah..hmmm may tinatago ba kayong dalawa na diko alam?" pang aasar ni lola na ikinasira ng ekspresyon sa mukha ko, maissue din to si lola. "Lol, asa naman. Ayaw ko sa mukhang adik noh. Hoy! gunggong kapal talaga ng mukha neto." sabi ko at sinigawan siya ng makitang tinarget niya yung paborito kong ubas. "Hahaha ano kaba apo hayaan mo siya, madami naman yan. Kumain ka lang diyan ng marami iho may puto pa jan oh." inismiran ko sila at sumubo ng ubas. Mas mukha pang apo ni lola yung kumag kesa sakin. Nang aasar na nginisihan lang ako ni Cholo at kumain pa ng marami sa dala ni lola. Patay gutom talaga oh. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang. Nagkwentuhan pa silang dalawa saglit bago napagpasiyahan ng patay gutom na to na umuwi. "Alis napo ako Lola Mildred. Salamat po sa pagkain." pagpaalam niya na ikinataas ng kilay ko, marunong pala to gumamit ng 'po'. "Walang anuman iho." sagot naman ni lola. "Wag kanang bumalik!" pahabol kong sigaw. Tumawa lang ito bago ako sinagot. " Inamo, hindi na kita bibigyan ng charisma. bleh!" huli niyang sabi at natatawang umalis. Langya, report ko account nun kala niya ah. Naglaro nalang ako habang patuloy paring kumakain. "Kamusta na po si lolo, lola? Malulusog naman po ba kayo doon?" tanong ko kay lola, tumango naman ito at agad pumunta sa lababo para maghugas ng pinggan. "Oo naman, wala kang dapat ikabahala saamin." sabi niya at hindi nadinagdagan pa. Magtatanong pa sana ako kaso maya maya lang din naman ay nagpaalam na siyang matulog muna dahil pagod daw siya sa byahe. Tumango na lang ako at pinagpatuloy nalang ang paglalaro. Gusto ko pa sana magtanong kung ano na kaya ang itsura ng lugar ng Miskas, mamaya nalang siguro pag ka gising niya. Nang magsawa sa kakalaro naisipan kong maglinis muna ng pinagkainan ko at naghugas ng plato. Ipinasok ko narin iyong ibang gulay at prutas na dala ni lola sa maliit kong ref at nagwalis. Ilang minuto pa ay natigilan ako ng makitang may mataas na gamit si lola na binabalot ng dyaryo, kasing taas ng ruler siguro. Inabot ko ito at nagtaka ng medyo mabigat ito dalhin, bubuksan ko na sana kaso natigilan ako ng biglang tumunog ang cellphone ni lola na nasa mesa lang din. Binitawan at binalik ko na iyong hawak ko at dali daling pumunta sa kusina kung san nakalagay iyong cellphone ni lola. Aabutin ko palang sana para tignan kung sino iyong tumawag kaso bigla nalang itong nagwarning na lowbat at biglang namatay. Napakamot nalang ako sa noo at agad itong sinaksak ng charger at tinurn- on. Baka kasi tumawag ulit yung caller, malay mo baka si lolo iyon. Nang tuluyan na itong nabuhay, kitang kita na si lolo nga yung tumawag. Tatawagan ko pa sana siya kaya lang kakaexpired lang ng load ni lola. Hihintayin ko nalang baka tumawag siya ulit. Ng magtanghalian nauna na akong kumain, ang lalim kasi ng tulog ni lola baka pagod na pagod ito sa byahe at gawain nila doon sa probinsya. Nilagay ko nalang sa mesa iyong ulam kung sakaling magising na siya at gutom na. Hapon na ng magising siya. "Ah lola tumawag nga pala si lolo kanina, hindi ko nasagot agad kasi lowbat po cellphone niyo." sabi ko sakanya na ikinatango niya. "Ano kaya sadya non." taka niyang tanong, nagkibit balikat naman ako at nanunuod nalang ng kung ano anong video sa sss. Ng malapit ng sumapit ang dilim nagboluntaryo na si lola na siya na ang magluluto ng pang hapunan namin, gusto niya daw ako paglutuan kasi aalis na daw siya bukas at baka matatagalan pa bago siya makabalik dito gusto niya lang sulitin ito. Nalungkot man ay inenjoy ko nalang ang ulam na niluto niya atsaka kami nagkwentuhan. "Ay lola, siguro next month na pasukan namin." sabi ko sakanya. "Ah talaga? Sakto gagraduate kana diba? Naku ang apo ko matanda na talaga hahaha. Padalhan ka namin ng pera next week pang bayad ng tuition mo ha." aniya. Nginuya ko muna ang kinakain bago nagsalita. "Lah wag na po lola, may scholarship naman ako yung pera nga na pinapadala niyo iniipon ko pa." sabi ko pa at tumawa nalang siya. "Naku ambait mo talaga apo, ipagpatuloy mo iyang pag aaral mo ha at wag mong gastusin iyang pera mo kung hindi kinakailangan. Maging praktikal ka, matanda na kami ng lolo mo anumang oras baka mawawala kami." napasimangot ako sa sinabi niya, ayoko talaga marinig ang linyang yan parang sinasabi niya na malapit na nila akong iwan. "La naman wag ka ngang magsalita ng ganyan, kakasabi mo palang kanina malakas kayo ah." sabi ko na ikinatawa niya ulit. "Ahahaha oo nga pala, o siya kumain ka muna—" napahinto siya sa pagsasalita ng bigla niyang natabig ang baso dahilan para gumawa ito ng malakas na ingay sa sahig. "Naku naman, pasensya na apo. Teka lilinisin ko muna to." sabi niya at aalis na sana kaso pinigilan ko siya at agad tumayo. "Naku lola ako na po maglilinis niyan baka masugatan ka pa, tapos nadin naman akong kumain." sabi ko sakanya at uminom muna ng tubig bago pumunta sa sala para kunin iyong walis. Napalingon ako sa lamesita ng makitang tumunog iyong cellphone ni lola senyales na may tumatawag. "La! May tumatawag po sa cellphone nyo!" sigaw ko sakanya, lumabas naman siya galing kusina at inabot ang cellphone niyang tumutunog parin. Lumabas muna ako ng makitang wala dito iyong daspan namin, saan ba iyon napunta? Ay siraulo nandun pala sa kusina. Bumalik ulit ako sa bahay at kinuha iyong daspan na nasa kusina lang din pala at agad na nilinis iyong bubog na nakakalat sa sahig. "La? sino ho iyong tumawag? Si Lolo po ba yan? Sabihin mo po gusto ko siya makausap." sigaw ko kay lola na nasa sala parin. Hindi siya sumagot kaya nagtaka ako, itinapon ko muna sa basurahan iyong basag na baso bago inilagay sa gilid ang walis at daspan. Hinintay ko parin ang sagot ni lola pero imbis na magandang balita ang marinig ko sakanya hikbi at iyak niya ang narinig ko. Nakakunot ang noong pinuntahan ko siya at nagulat nalang ng makitang naka nakasalampak na siya sa sahig hawak hawak ang cellphone niya habang umiiyak. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilang braso, tinignan ko iyong caller at nakababa na ito hindi pangalan ni lolo ang nakalagay kundi iyong kasambahay namin sa Miskas na si ate Nena, siya iyong pinagkatiwalaan naming kasambahay doon sa lugar namin. "La? Ano ho ang nangyari?" nagpapanic na tanong ko sakanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Iyong.. iyong lo–lo mo w-ala na." uutal utal niyang sabi. Para akong nabingi ng sabihin niya iyon, nabitawan ko siya ng sabihin niya iyon. Naiiyak na umiling ako at hindi makapaniwalang napaatras sa sinabi niya. "Hin-di.. hindi iyan.. totoo diba?" utal kong tanong at umiiyak na hinawakan siya sa kamay. Bigla siyang tumayo kaya gulat akong napatingin sakanya. "Hindi, hindi ako naniwalang pinatay siya non! Hindi iyon ganon ka agresibo sa pamilya natin. Siguro may nangyari, at ito siguro dahilan niya kaya pinapunta niya ako dito. Uuwi na ako ngayon Suma." mabilis at naghihisteryang sabi niya, nagtataka ako sa mga pinagsasabi niya at hindi man naintindihan ay pinigilan ko siya. "Teka lola! Gabi na, wala ng sasakyan papuntang terminal at mas lalong delikado pag mag isa ka lang. Isama nyo nalang po ako sama—" "HINDI! Wag, hinding hindi kita isasama doon dito ka lang! Wag na wag kang sumunod o di kaya ay pumunta sa lugar na iyon. Naintindihan mo ba ako? Makinig ka sakin Suma, wag kahit anong mangyari!" putol niya sa sasabihin ko, wala akong nagawa hindi ko talaga alam kung bakit ayaw nila akong papuntahin doon. Ano bang meron sa lugar na iyon bakit parang isang malaking sala kung pupunta ako roon? Dire-direstong inayos ni lola ang gamit niya bago ako hinalikan sa noo at pilit na ngumiti na tumayo. "Kahit anong mangyari mahal ka namin ng lolo mo." huli niyang sabi at tuluyan ng umalis. Naiwan akong nakatulala at umiiyak na tinignan siya paalis, nirerehistro ko pa sa utak ko kung bakit ang masaya naming pag uusap ay biglang napalitan ng pangyayaring hindi namin inaasahan. Ang bilis ng pangyayari. Buong gabi akong hindi nakatulog at nakaupo lang sa sulok hinihintay na tumawag o magtext manlang si lola. Tinawagan at ni-text ko din si ate Nena kaso hindi man lang siya sumagot. Hindi ko alam, masisiraan na ata ako ng bait dahil sa kung ano anong pangyayaring pumapasok sa isip ko. Mag uumaga nalang wala parin akong text na natanggap ni isa sakanila. Tinadtad ko na sila ng text kaso wala parin, hindi na ako makapaghintay! Wala na akong pakialam, napagdesisyunan kona ngayon pupunta ako ng Miskas! "Wag na wag kang sumunod o di kaya ay pumunta sa lugar na iyon. Naintindihan mo ba ako? Makinig ka sakin Suma, wag kahit anong mangyari!" Napalunok ako ng maalala ang sinabi ni lola. Hindi ko na alam ang gagawin, pero kinailangan kong sumunod! Masisiraan ako ng bait kung patuloy lang akong maghihintay dito ng balita at walang gagawin. Kinuha ko agad ang backpack ko at inilagay lahat ng kakailanganin. Ng matapos ay agad ko itong binuhat, lumabas na ako ng apartamento at nilock ang pinto. Wala na talaga ako sa wisyo ni hindi ko na maisip na kumain ng pang umagahan ,ang tanging iniisip ko nalang ngayon ay ang sumunod kay lola. Naglalakad na ako papuntang daan ng bigla nalang may humawak sa braso dahilan para mapahinto ako. "Yo san ka punta? to the moon, roadtrip, broom broom skrt skrt—" naputol iyong ka jejemonan ni Cholo ng iniwaksi ko ang braso niya at sinamaan siya ng tingin. "Tumahimik ka jan, wala ako sa mood makipagbiruan sayo. Pakibantayan bahay ko salamat." inis kong sabi, napangiwi naman siya. "San ka nga pupunta inang to gagawin pa akong guard. Ayos sana kung babayar—" hindi kona siya pinatapos sa pagsasalita at binigyan ng 500 pesos. "Oh ayan tumahimik kana, nagmamadali ako tabi." sabi ko sakanya at tumalikod na, sumunod parin ang kupal at nagtanong. "San ka nga papunta? bat parang nagmamadali ka ata?" tanong niya, chesmoso talaga tong kupal na to. "Sa Miskas. Susundan ko si lola." sagot ko, natigilan ako ulit ng hinawakan niya ako sa braso. Naiinis ko na talaga siya tignan lalo nang humigpit iyong pag kakahawak niya saakin. "Ano ba? bitawan mo nga ako." galit kong sabi, napataas ang kilay ko ng makitang seryoso iyong tingin niya. "Wag kang pumunta doon." seryoso niyang wika, naka ekis ang kilay na iwinaksi ko ulit iyong pagkakahawak niya sa braso ko at sinamaan siya ng tingin. "Wala kang pakialam, pupunta ako kung gusto ko. " sagot ko sakanya at nagpatuloy sa paglalakad. "Tigas talaga ng ulo nito, diba sinabihan ka ng lola mo wag sumunod kahapon? Oh wag mong masamain narinig ko lang kayo nag usap nong dumaan kami ni Rico doon sa bahay nyo kagabi." sabi niya at nagpapalusot pa. " Ulol, ang sabihin mo chismoso kalang. Atsaka hindi ka naman tatay ko para sundin chupi!" huli kong sabi sakanya at pumara ng trisekel na kakadaan lang. "Teka Suma!" rinig kong sigaw niya, wala ng makakapigil saakin. Buo na desisyon ko. "Sa terminal ho manong." —————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD