SUMA'S POV
.
.
Tatlong oras ang binyahe ko galing Derosa hanggang Miskas. Inabutan na ako ng tanghali dahil sa tagal ng byahe. Sobrang nakakapagod pero ayos lang naman, basta lang ay makapunta ako sa bahay nila lolo at malaman kung ano na ang nangyari sakanya.
Napatingin ako sa paligid ng biglang huminto ang bus, ngayon ko lang napansin na ako nalang pala ang natitirang pasahero. Tumayo na ako ng may nakita akong maliit na billboard na nakapaskil sa labas na nagsasabing nasa bayan na ako ng Miskas.
"Dito ka ba hihinto iha?" biglang tanong ng driver na sumilip sa salamin, tumango naman ako bilang sagot at nagbayad na.
Bumaba na ako at aalis na sana kaso napahinto ako ng may huli pang sinabi ang driver dahilan para matigilan ako.
"Ingat ka iha, maswerteng tao lang nakakalabas sa lugar nayan." sabi niya bago pinaandar ang sasakyan atsaka umalis.
Nagtaka naman ako kung bakit, gusto ko pa sana magtanong kaya lang ay tuluyan na siyang umalis.
Nadagdagan tuloy ang tanong ko sa aking utak. Bat ba kasi sobra sobra ang pagpapaalala at pagbabawal ng mga tao sakin sa lugar na to?
Ano bang misteryosong tinatago ang lugar na ito at bakit parang ako lang ang walang alam? Late update na ba talaga ako? Masyado ata akong naka pokus sa pag aaral na pati ang dati naming tirahan ay wala na akong alam.
Kaunti lang dumadaan sa highway kaya parang deserto ang lugar, naglakad pa ako ng kaunti bago ko narating ang border ng Miskas.
Napangiwi ako ng makitang ang laki ng gate, iyong pinto na kasya lang ng isa o dalawang tao lang ang nakabukas at nasa gilid ito. May dinasour ba dito na ayaw nila palabasin? O ba kaya ay buwaya? Hindi ko nalang pinansin at agad na pumasok sa lugar.
Pagpasok ko maayos naman ang lugar, maraming puno, at matataas na d**o ang bubungad sayo. Tanging mga huni ng ibon at nga insekto lang ang maririnig. Napakatahimik walang ka tao-tao, pero may daanan naman kaya doon ako naglakad. Malubak ito at may mga bakas ng kalmot sa sahig may iba ring buto ng ibang hayop ang nakakalat. Napalunok nalang ako at nagpatuloy sa paglakad, siguro daan ito papuntang sentro ng bayan.
Tinatawag na city of forest ang Miskas kaya di na nakakapagtakang maginaw at puro puno makikita mo. Ang nakakapagtaka lang anong klaseng nilalang ang nakakapagdelikado sa lugar na to.
Hays dahil wala din naman akong sagot sa tanong ko maghintay nalang tayong may magsasabi sa atin tungkol don. Ilang minuto pa akong naglalakad pero wala man lang dumaang mga sasakyan o motorsiklo. Medyo kinakabahan na ako kasi antahimik ng lugar parang nasa horror lang. Maya maya lang natigilan ako ng makarinig ng paglipad ng mga ibon sa hindi kalayuan. Yumuyugyog din ang mga kakahuyan sa lugar na yon kaya kinakabahan akong napaatras at nagtago sa isang kakahuyan.
Hindi ko alam kung anong meron pero sabi ng instinct ko magtago ako kaya agad akong naglakad at naghahanap ng ibang lugar na pwede kong pagtataguan.
Papaupo na sana ako kaso nagulat nalang ako ng may humila sa akin paupo sa isang madilim na lugar at tinakpan nito ang bibig at mata ko ng makitang papasigaw na sana ako sa takot.
"Shhh, parating na siya." rinig kong bulong ng isang lalaki na ikinatahimik ko. Tatanggalin ko sana ang pagtakio niya sa aking mata kaya lang ay hinigpitan nya pa ito kaya di nalang ako nagpumiglas pa.
Nakarinig ako ng takbo at hingal ng hayop hindi ko alam kung ano, hindi ako makasilip. Kinakabahan ako ng maramdamang paparating ito sa direksyon namin, pero nakahinga din ng bigla itong tumakbo sa ibang direksyon.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako binitiwan ng humawak sa akin, siniguro niya sigurong malayo na iyong hayop na pinagtataguan namin.
Ilang minuto pa ang aming hinintay bago kami lumabas sa aming pinagtaguan at napatingin ako sa humawak sakin kanina.
Isa itong lalaki na mukhang kasing edad ni ate Nena siguro nasa 25+ to. Matangkad ito at medyo chinito.
"Sino ka?" kinakabahan kong tanong.
"Anong ginagawa mo dito ng mag isa iha? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang lugar na to?" tanong niya na ikinakamot ko sa aking noo. Umiling ako at tinignan ang cellphone kung may text bang dumating, kaso wala parin at mahina din ang signal dito.
"Pasensya na po, may hinahanap po kasi ako dito uh may kilala po ba kayong Mildred Milan? Dito po sila nakatira kasama si Arnold Milan po." sabi ko sakanya, kita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya bago tumingin sa daan.
"Kaano ano ka ba nila?" tanong niya ulit at isinampay ang isang busog at palaso na nasa sahig.
"Apo po nila ako, pwede din po si Nena Marisol Redondo kung hindi nyo kilala sina lola Mildred at lolo Arnold. May kilala po ba kayong ganung mga pangalan?" dagdag kong tanong na ikinalingon na niya. Nagbago ang ekspresyon niya at tinitignan ako saglit bago ngumiti.
"Ah ikaw pala ang apo nila halika ihatid kita doon, asawa ako ni Nena. Mabuti nalang pala at ako ang nakita mo. Mag ingat ka lamang maraming mababangis na hayop sa paligid." sabi niya at naunang naglakad sa kakahoyan. Sumunod naman ako at napatingin din sa paligid.
"Nasan po sila lolo at lola? Maayos naman po ba kalagayan nila diba? Sabi.. sabi kasi ni lola wala na daw si lolo kagabi. " malungkot kong sabi at tinignan siya para kumpirmahing toto nga ba iyon o hindi.
"Malalaman mo din mamaya." yon lang sinabi niya at hindi na umimik pa, wala din naman akong nagawa at tahimik na sumunod nalang.
Pitong minuto ang nilakad namin bago makarating sa isang pamilyar na bahay. Sira ito at mukhang binagyo ang itsura, nakayupi ang mga bubong at sira ang mga bakal na bakod.
Sa gilid may malaking kalmot ng isang di ko malaman kung anong hayop ang nandun at may mga butas din sa ibang bahagi ng pader.
Kinabahan ako ng makitang pamilyar ang bahay, hindi ko alam pero sigurado akong bahay ito nila Lola.
"Nasan sila?" kinakabahan na tanong ko at tumingin sa lalaki.
"Sa kasamaang palad, wala na sila pasensya na hindi namin sila natulungan." sabi niya na ikinatulala ko, sunod sunod ang tulo ng luha ko dahil sa narinig at hindi makapaniwalang napaatras.
"Hindi.. hindi toto-o yan diba? Bak-it nangyari iyon? Sino ang pumatay? Kagabi lang umuwi dito si lola bakit.." hindi kona natuloy ang pagsasalita ng makaramdam ng bikig sa lalamunan, ayoko sabihin ang salitang iyon hindi ako naniniwalang wala na sila agad.
"Inatake si Arnold bigla ng lobong pinagtataguan natin kanina, ganon din nangyari kay Mildred ng malaman niya kung ano kinimatay ng asawa niya at sumugod bigla ng walang kaplano plano dahilan para mapatay siya ng halimaw na iyon." kwento niya, hindi parin ako naniwala at umiiling na tinignan ko siya. Ang bilis naman, ayoko maniwala hangga't walang ebidensya. Pumasok ako sa bahay at tinignan ang loob nito. Sira ang lahat ng kagamitan magmula sa mga sopa, lamesa at mga vase. Iyong mga litrato na nakasabit sa pader ay nabasag din, may mga kalmot ding makikita sa iba't ibang direksyon ng lugar.
Bakit hindi ko alam na may nangyayaring ganitong bagay pala dito sa tinitirahan nila?
"Nasan ang mga labi nila?" tanong ko, malalaman ko lang na totoo ang pinagsasabi niya kung makita ko ang labi nilang dalawa. Ramdam kong natigilan siya bago sumagot.
"Nasa kampo namin. Halika dadalhin kita doon, maghanda ka na lang kasi nasisiguro kong magagalit si Nena pag makita ka niyA."
Nagtataka akong sumunod sakanya at pinahid ang luha sa mukha. Kampo? Tuloy tuloy lang kaming naglakad papasok sa gubat at maya maya lang ay nakakita ako sa hindi kalayuan ng malaking bakal na gate.
Malaki ito at makapal nakapalibot ito at sa loob ay may mga kabahayan. Eto ba ang kampo nila?
Bakit hindi dito nakatira sina lolo at lola kung ganito pala kadelikado tumira sa lugar na ito? Itatanong ko pa sana sakanya iyon kaso malapit napala kami sa kampo nila.
Sumenyas siya sa bantay na naroon dahilan para pinagbuksan nila kami.
Nakipag usap pa ang asawa ni ate Nena sa bantay dito at pansin kong napasulyap saakin iyong lalaki at naka ekis ang kilay na pinapasok kami.
Naweweirduhan akong napaiwas ng tingin ng makitang seryoso akong tinignan nong bantay dito. At sumunod na sa asawa ni ate Nena na hanggang ngayon hindi ko parin pala alam ang pangalan.
Naglakad kami ulit.
Napatingin nalang ako sa paligid ng makita ang mga batang tumatakbo at mga taong busy sa kakagawa ng mga kung ano anong mga bagay. May iba pang nagehersisyo at mukhang nagtetraining.
"Bang! bang! paglaki ko sasama ako kila papa na sumugod at patayin iyong lobong sumisira sa lugar naten"
"Loh asa ka ako ang makakapatay non!" rinig kong sabi ng mga bata at saka ito nag tatakbuhan palayo.
Napahinto lang kami ng makarating sa isang malaking bahay, at pumasok roon.
Pagkapasok nakakita ako ng mga estatwa ng mga anghel at maraming mahaba na upuan na tulad noong simbahan sa syudad, sa harapan may dalawang kabaong doon at sa gilid nito ay may dalawang babae ang naroon. Iyong isa ay matanda na at ang isa ay si ate Nena.
"Ate! " sambit ko at agad tumakbo sakanya para yakapin siya. Pero imbes salubungin niya ako ay hinarang niya ang kanyang palad para pahintuin ako at sinamaan ng tingin bago nagsalita.
"Bisitahin mo muna ang labi ng iyong lolo't lola, mag uusap tayo mamaya sa bahay." aniya bago umalis. Hindi ko alam bakit mukha siyang galit, napalunok nalang ako at napatingin nalang sakanya na naglakad paalis. Napatingin ako sa matanda na kasama niya kanina, ngumiti lang ito at tinapik ang balikat ko bago umalis.
Tumingin ako sa harapan ng tuluyan na silang umalis at dahan dahang naglakad papalapit sa kabaong nila. Nanginginig akong napahawak sa kabaong at ng tuluyan ko ng makita ang mukha nila ay sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Bakit ang bilis ng pangyayari?
Kakausap ko lang sakanilang dalawa noong isang araw ah? Bakit ambilis nilang kinuha saakin? Sila nalang natitira kong pamilya! Bakit sila pa?
Iyak lang ako ng iyak, hindi ko na alam ang gagawin.
Sa pagkakataong ito gusto ko nalang ding sumama sakanila kung ganito rin pala.
Sino nalang ang biglang magsusurpresa at susuporta sa akin sa mga lahat ng gagawin ko sa buhay?
Ayoko mapag isa, please ibalik nyo sila saakin..
hindi.. hindi ko kaya.
Mag iisang oras ata akong umiiyak doon at mukhang wala ng plano umalis, kaso pinatawag na daw ako ni ate Nena kaya wala din akong nagawa kundi umalis at dumiretso sa bahay ni ate Nena.
Pagkarating doon pinaupo ako noong asawa ni ate Nena sa sopa at binigyan ng panyo ng makitang patuloy parin akong umiiyak at naluluha.
Maya maya lang lumabas si ate Nena sa silid niya at nakapameywang akong tinignan.
"Bakit ka pumunta dito? Suma naman! Diba ilang ulit ka ng sinabihan ni maam Mildred na wag na wag kang pumunta rito? Paano nalang kung hindi ka nakita ni Dustin? Baka magaya kadin sa sinapit ng lola't lolo mo! Kung buhay pa yung mga yon hinding hindi sila matutuwang makita ka dito ngayon! Tigas talaga ng ulo mo." mahaba niyang sabi, napatungo nalang ako dahil sa sinabi niya at naramdamang napaluha ulit.
"Gu..sto ko lang naman *sniff* malaman kung ano ang nangyari sakanila. Masama ba yon?" sagot ko na mas lalong ikinatalim ng tingin niya.
"Edi sana naghintay ka sa text ko! Hindi iyong padalos dalos kang magdedesisyon, mana ka talaga sa lola mo. Hayst, bukas uuwi ka sa Derosa at ihahatid ka namin." hindi ko nagustuhan iyong desisyon niya at agad napatingin sakanya na ngayo'y nakatutok pala ang tingin sa akin.
"Ayoko.." matigas kong sabi. Tumalim lalo ang tingin niya at pilit akong sinisindak.
"Lola ko nga hindi ko sinunod ikaw pa kaya? ayoko munang umuwi. May narinig ako kanina na tinatarget at nagpaplano kayong patayin iyong lobo na pumatay kila lola at lolo. Gusto ko sumali at ipaghiganti sila." may pinal na sabi ko, mas lalo siyang nagalit at hinihilot ang noo na tumingin sa labas.
"Hindi mo kasi naintindihan! Bat ba ang tigas ng ulo mo? Wala ka ring maambag don, ano bang alam mo sa pakikipaglaban?" pilit niya parin. Napatingin ako kay kuya Dustin na tahimik lang ito sa gilid, mukhang sang ayon din siya kay ate. Pero wala akong pakialam.
"Wala, pero alam ko may maitutulong din ako! Wala akong pakialam kung mamatay din ako, kaya kong isakripisyo ang sarili mamatay lang din ito!" desidido kong sabi na ikinasaltak niya.
"Walang patutunguhan itong usapan nating ito, uuwi ka bukas sa Derosa sa ayaw at sa gusto mo." huli niyang sabi bago umalis. Naiinis akong napaupo sa sopa at napapahid sa luhang sumilip sa aking mata.
Nakakainis bakit ba ganyan siya? Alam kong nag aalala lang siya pero pwede naman niya akong kausapin ng mahinahon, hindi ganitong ugali ang kilala kong Ate Nena noon ngayon parang dala dala niya ang galit ng mundo.
"Pagpasensyahan mo na si Nena iha, iniisip niya lang ang kapakanan mo at siguro stress lang siya. Gaya mo labis din siyang nasaktan sa pagkawala ng lolo Arnold at lola Mildred mo, tinuturing na din niya kasi itong magulang kaya para sakanya responsibilidad ka na din niya." biglang sabi ni kuya Dustin na akala ko'y umalis na. Napatingin nalang ako sakanya at pilit ang ngiting tumango.
"Kung gusto mo muna magpahinga iha pasok kalang sa silid na iyon tawagin mo nalang kami pag may kailangan ka." dagdag niya pang sabi bago umalis din.
Sinunod ko nalang ang sinabi niya at pumasok na nga sa silid, bakante itong kwarto walang masyadong gamit maliban nalang sa higaan, unan, kumot at mesa. Mukhang kakalinis lang ng lugar, napaupo nalang ako sa kama at inilagay sa sahig ang dalang bag. Napaangat nalang ako ng tingin ng maramdamang naiiyak nanaman ako.
Awit naman ba't nagiging iyakin ako ngayon? Dapat tayong maging malakas kasi may laban tayong dapat paghandaan.
Nahiga nalang ako sa kama at hinayaan nalang ang sariling umiyak. Ilabas ko nalang muna ngayon lahat ng luha ko hanggang sa wala ng matira pa.
Tulala lang akong nakatingin sa pader pilit inaalala ang magagandang alaala namin ni lolo at lola, hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
.
.
.
THIRD PERSON'S POV
.
.
"Napakatanga ng plano na ito! Mas lalo mo lamang pinalapit ang babaeng iyon sa halimaw na iyon!" inis na sabi ng isang babae sa kausap nito.
"Pagkatiwalaan mo ako miss Portia. Alam ko ang aking ginagawa at alam kong maging tagumpay ito." sagot naman ng kausap ni Portia bago ito yumuko.
"Kapag ikaw nagkakamali ulit alam mo na ang mangyayari sa iyo— sainyo! Sa ngayon maghanda kayo papunta dito ang kaibigan ni Angela." may pagbabanta nitong sabi bago tumalikod at umalis.
Ngumisi lamang ang kaninng kausap ni Portia at napatingin sa dalawang kabaong na nasa harap.
"Magtatagumpay ako asahan niyo yan."