VINA'S POV . . "Vina! gising. Tara na nandito na sila, magsisimula na sila." Nagising ako ng marinig ang boses ni Daniel, agad kong kinusot ang mata at lumingon sa likod niya ng makarinig ng boses ng mga tao na nasa di kalayuan. Mga kalalakihan at kababaihan ito sa kampo. Nasa harap si miss Nena nakaupo kausap niya si boss Dustin na walang tigil sa pag paypay at pag aalaga sakanya. Naglagay sila ng maliit na tent doon at dun inilagay ang ibang gamit nila. "Bakit hindi mo agad ako ginising?" sabi ko at dali daling tumayo, yumuko lamang ako ng makitang lumingon saglit si miss Nena sa direksyon namin tsaka inignora lang ako. "Alam kong pagod ka, kaya pinakiusapan ko muna si miss Nena na patulugin ka hanggang sa aalis na tayo." saad niya na ikinatango ko, agad kong inayos ang mga ka

