"Nagugutom na ako"ugtang ko kay Spencer habang nakaupo ako sa sofa . "Ka-ka-kain lang natin kanina, gutom ka ulit" ani nito habang kinakalikot niya ang cellphone niya. Tumayo na lamang ako at napailing "hay! Buti pa don sa condo ni Bryant may masarap na pagkain at marunong pa siya magluto" pabulong na sambit ko habang naglalakad ako papuntang kusina. "Hindi ako marunong mag luto " natigilan ako at agad napalingon sa likuran ko. Nakatayong nakakunot nou si Spencer sa likuran ko habang nakatingin sa akin. "H-Ha?" Ugtang ko dito. "teka wala naman akong------ "Pero pwede mo naman siguro ako turuan " walang emosyong sambit nito at tumungo sa ref. "G-Gusto mong .. turuan kita magluto?" Nawewerduhang tanong ko dito. Sandali niya akong tinapunan ng tingin tapos ay muli din niyang bi

