bc

OH MY BOOK

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
another world
secrets
like
intro-logo
Blurb

Si senorita ay isang babaeng matapang, palaban , at walang kahit na anong inuurungan sa buhay.Maagang naulila at nag iisa lamang sa buhay. Kahit mahirap ang buhay na meron siya ay nag papatuloy parin siya .Ngunit.... pano kung isang araw biglang mag bago ang buhay niya dahil sa isang libro?Paano kung ang inaakalang kathang isip lamang ay maging totoo sa isang iglap lamang.....

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 SEÑORITA ELIZABETH CALE FUENTES
SEÑORITA POV_: Kasalukuyan akong naglalakad pauwi dala ang supot na may lamang isang piraso ng hita ng manok. Mabuti nalng at mabait si aleng adeng, naisipan niyang bigyan ako ng ulam ngayon. Tamang tama at gutom na gutom na talaga ako! Sapat na to pantawid gutom! . Kasi naman eh , iilan na lang ang pasahero ngayon sa jeep ni mang romoldo lalo't bakasyon na ng mga estudyante. Bilang isang barker sa terminal ng mga jeep , mahirap. lalo't dito talaga ako mas mabilis kumita. Buti nga at may makakain pa ako ngayon , ang po-problemahin ko nalng ay ang bukas ..... "Ah alam ko na! Uutang nalang ako ulit ako kay aleng Dolores ng sardinas____" agad akong natigilan at napailing..... Naku! Wag nalng pala! Puro pagmumura ang aabotin ko don! Lalo't di ko pa nababayaran ang utang ko sa kanya. Tsk! Pod pod na ang tsenilas ko! Butas butas na din ang ilan sa mga t-shirt ko... Mabuti nga at may matino pa akong mga short's kahit paano! Hay buhay..... Ganito araw araw... Kayod para mabuhay.... para may makain! Ubos na din pala ang asin ko sa bahay, wala na ding tuyo, kahapon pa naubos .. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad , habang patawid ako ng tulay ay nagulat ako ng biglang may asong humablot sa supot na dala dala ko at mabilis na tumakbo.. "Tang*na ! " Mabilis akong tumakbo at hinabol ang asong tumangay ng supot ko na may hita ng manok.. Bwisit na aso! Nanakawan pa ako! Yun na nga lang ang ulam ko ngayon araw na to! Pang hapunan! boung araw na akong di kumakain! Mabilis akong tumakbo at ganon din ang asong hinahabol ko.... Bwisit! Bakit kasi ang iksi ng mga paa ko! Ang bilis pa tumakbo ng lintik na aso! Umabot na kami sa kalsada...... Mabuti nalng at gabi na.. walang mga tao! Halos naging si flash na ako at domoble pa nga ata! Maya maya pa ay bumagal na ang takbo ng aso at naglakad na nga ito, mabilis kong nilapitan ito at inagaw ang supot sa bibig niya , hindi din agad binitawan ng lintik na aso ang supot kaya nakipag agawan pa ako! Lintik! Maya maya pa ay napunit ang supot at nalag lag ang hita ng manok mula dito.. Mabilis kong dinampot ang pod pod Kong tsienelas at binato sa aso kaya tumakbo ito palayo... "Bwisit!" Agad kong nilapitan ang tsienelas ko at muli itong isinout.... Muli ko ding binalingan ang nalag lag na hita ng manok sa kalsada.... Agad ko itong dinampot at ang napunit na supot at binalot ko sa manok . Ayos pa naman to! Pwede pa... Hindi naman to narumihan... Pwedeng pwede pa to makain... Maglalakad na sana ako paalis ng may naaninag akong taong nakatayo mula sa poste .. Nakatayo lang siya at nakatitig sa kinaroroonan ko.... Medyo mahina ang ilaw ng poste kaya di ko gaano aninag ang boung istura niya... ngunit base sa napansin ko ay parang gulat na gulat siya at titig na titig siya sa akin ..... Gaya ko ay naka itim na sombrero din siya , matangkad siya... Sobra.... Tingin ko nga hanggang dib dib niya lang ako ... Ang liit ko eh.... Napakamot ako sa ulo ko at napailing.. Nakita niya siguro ang ginawa ko ... Sus , parang yun lang.... Gulat na gulat na.... Naglakad na lamang ako para makauwi at makakain na..... Nakalayo na ako sa lugar kung saan sa tingin ko ay andoon parin yung lalakeng nakatayo. Hay.... Mga tao talaga... Porket nahulog lang ang ulam madumi na? masyado na kasing maarte ang mga tao ngayon at hindi na iniisip na nagsasayang lang sila ng pagkain . "Oy! Senorita!"kunot nou akong napalingon sa tumawag ng panggalan ko.... 'empoy!' Naglakad ako papalapit dito na nakaupo sa tabi ng tindahan ni aleng marisa kasama niya sina dexter , june at kokoy, at heto na naman, umiinom "Oh, buti at buhay pa kayo" asik ko sa kanila ngunit tumawa lang ang mga ito at nagpatuloy sa pag inom ng alak.. Kinuha ko naman sa bulsa ko ang piso , na natira sa sing - kwenta (50) na pera ko at binili ko ng lolipop sa tindahan ni aleng marisa.. "Ano ka ba! Oo naman! Buhay na buhay kami! " Inabot nito sa akin ang isang basong may alak" ito oh.. tagay ka muna" "Naku! Wag niyo na ako idamay sa balak niyong pag papabilis sa mga buhay ninyo! " Iniwan ko na sila at naglakad na ako ulit para umuwi..... Tinatawag nila ako ngunit di ko nalng ininda o nag abala na lingonin sila.... Mababait naman sina empoy , Dexter, june, at kokoy. Matagal ko na sila kilala mula bata ako kilala ko na ang mga iyan... Mas matanda sila sa akin Ngunit pag dating sa mga bak bakan hindi mananalo sa akin ang mga yan! Aba! Kahit ganito ako! Kahit di ako biniyayaan ng tangkad.... Malakas naman ako! Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakauwi na ako! Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretsyo sa kusina... Agad akong kumuha ng plato at mabilis ko din hinain ang natitirang kanin ko na mula pa kaninang umaga. Komportable akong naupo sa kahoy na upuan at inilapag ang pagkain ko sa maliit na mesa ko.... "Salamat po panginoon sa pagkain na nasa harapan ko ngayon. Amen" Mabilis kong nilantakan ang hita ng manok...."ang sarap talaga!" Minsan lang ako makakain ng manok! Masyado kasing mahal. Hindi kaya ng perang meron ako... 35 ang presyo ng isang piraso ng manok! Nasa Walong pong piso o isang daan lamang ang sinasahod ko bilang isang barker . At kailangan ko pang budgetin ang perang yun para sa pang isang buwan ko. Keysa bumili ako ng manok! Bumibili nalng ako ng asin at tuyo... Mas makaka tipid ako , kaso nga lang baka UTI na ang abutin ko nito... Buti nga at minsan binibigyan ako ni aleng adeng ng ulam tulad nito ngayon..... Busog na busog akong napahiga sa matigas kong kama ... Mabuti nalang talaga at nakakain na ako ngayon, napawi lahat ng gutom ko sa boung araw.... Bukas na bukas kailangn kong pumunta sa palengke , tutulungan ko si kuya black sa paninda niyang isda.. Mabait naman yun, bibigyan ako ng isda non! Ayos na! Para pang ulam ko bukas! Maitim si kuya black kaya ng kuya black ang tawag namin sa kanya dito sa barangay tagpi... As- in sobrang itim niya... Pero mabait naman siya , minsan nga at binabayran niya ako kapag tumutulong ako sa kanya sa palengke kahit na di naman niya kailangn ng tulong.... Napatigil ako ng higa at napatingin ako sa larawan namin ni uncle joe. Agad ko itong inabot at nilinis ng kaunti dahil na aalikabukan na . "Uncle , wag po kayo masyadong mag alala sa akin! Kahit na gaano kahirap ang nangyayari sa pang araw araw na buhay ko.... Lagi ko naman nalalagpasan " hinaplos ko ang larawan namin ni uncle...... Si uncle joe ang nagpalaki sa akin. Hindi ko kilala ang tunay kong mga magulang at di ko din alam kung buhay pa ba sila o kung ano na. Hindi na din ako nag abala pa na mag tanong kay uncle tungkol sa mga magulang ko dahil alam ko naman na wala ng pakialam sa akin ang mga yun, hindi naman nila ako iiwan kung meron , diba? Masaya naman ang pamumuhay namin ni uncle noon, maginhawa , Taga luto si uncle joe sa isang restaurant noon, Magaling at masarap mag luto si uncle, as-in sobrang galing niya..... Walang kapantay ang mga niluluto niya..... Idol na idol ko nga siya at minsan din ako nanggarap na maging katulad niya, maging isang Magaling na taga luto . Natuto naman ako sa kanya.... At nakasanayan ko na din .... Kaso nga lang.... Hindi naman palaging malakas at malusog ang tao . Nagkasakit si uncle joe at nahinto siya sa pag tratrabaho at naubos din ang ipon niya , at dahil masyado pa akong bata non hindi pa ako makakapag trabaho para makabili ng gamot... Halos nanglimos na ako sa palengke non para makaipon ng perang pambili ng gamot ni uncle .... Ngunit pagbalik ko noon sa bahay namin galing sa pang lilimos ay naabotan ko nalng na marami ng tao na nakapalibot sa bahay namin... May isang sasakyan din na nakaparada sa labas ng bahay namin, at nalaman ko na..... namatay na si uncle.... Halos gumuho ang mundo ko .…. Wala na Ang taong nag aruga at nag palaki sa akin. Wala na ang nagiisang pamilya ko. Wala na ang nagiisang nagmamahal sa akin.... Mabuti nalng at nag ambag ambag ang boung barangay tagpi para sa pang burol at pang libing ni uncle..... Masyado pa akong bata para mamuhay ng mag isa..... Labing apat pa lamang ako non (14), At para mabuhay at hindi magutom, Nanglilimos ako mula umaga hanggang Gabi, at ang nalilimos ko ay pinang bibili ko ng tinapay , na sapat na para mapawi ang gutom ko .. Mabuti nalng at may bahay na iniwan si uncle sa akin...... Natuto din akong makipag basag gulo! Dahil kung hindi! Mabobog bog lang ako ng ibang mga bata noon na gaya ko ay nang lilimos din ! Sina empoy, mabuti nga at noon lang yun , ngayon ay magkakaibigan na kami.... At pa Minsan minsan ay inaambagan din ako ng mga yun.... At kagaya ko , 1st year highschool lang din ang natapos ng mga yun. May mga magulang naman sila pero wala ding mga trabaho..... Kaya sina empoy ay napilitang mang snatch ng mga wallet sa palengke. Minsan na nila ako niyaya ngunit di ako pumayag! Aba! Mas gugustuhin ko nalang magutom kaysa magnakaw ! Hay! Ang hirap ng buhay..... Pero gaya nga ng Sabi ng uncle ko , hanggat may buhay , may pag asa ! Kaya ... Laban lang! Laban lang... Marahan kong pinikit Ang aking mga mata at niyakap ang picture namin ni uncle joe. Maya maya pa ay tuluyan na akong nilamon ng antok....... . . . Napakagandang lugar! Ang daming paro parong nag liliparan , napapalibutan ng mga bulak lak ang paligid... Napaka sariwa ng hangin... Ang ganda talaga! Masaya akong tumakbo habang dinadama ang napakagandang paligid..... Hindi ko alam kung paano ako napunta dito , ang alam ko lang ay napakasaya ko. "Senorita" napahinto ako sa pagtakbo at napalingon sa isang pamiliar na boses..... "U-Uncle....." Nakangiting nakatingin siya sa akin . Napaluha ako ng makita siyang maayos, malusog , hindi gaya noon na nangangayayat na siya at namumutla. Nakasout siya ng puting barong at maayos na maayos siyang lumapit sa akin. "Uncle!" Mabilis ko siyang niyakap at humahagol hol dito ... Hindi ako makapaniwala! Nasa harapan ko si uncle! "Señora ....." Usal niya.... Yan ang palayaw ko. Lumuluhang tumingin ako dito "Uncle! Bakit mo po ako iniwan ma mag isa! " "Señora , lahat ng mga bagay n nangyayari, may dahilan " hinaplos niya ang buhok ko tulad ng lagi niyang ginagawa kapag umiiyak ako. "Basta lagi mong tatandaan ang sinabi ko sayo, na hangga't may buhay may pag asa.... Kaya....." "Laban lang!" Sabay namin ma bigkas. "Opo uncle! Laban lang!" "Malapit ng mag bago ang buhay mo, Señorita Elizabeth Cale Fuentes " • • • Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa matigas kong kama... Habol hininga akong napaupo sa kama , 'ano yun? panggalan ko ba yun? Fuentes?! Señorita Elizabeth Cale Fuentes?! Ang..... Panggalan ko?!..... Totoo ba yun?!!! Pano nangyari yun , eh , wala namang sinasabi sa akin si uncle ng ganon... Hindi niya na Banggit sa akin ang panggalan na yun , ang alam ko lang ako si Senorita Gomez. Gomez! Hindi Fuentes! Ano bang nangyayari sa akin?! Nababaliw na ba ako?! Di kaya..... Dahil yun sa manok? Hindi! Hindi! Impossible naman! Hindi naman 1st time na nangyari yun sa akin , na nalag lag ang ulam ko ! Tsk! Napailing na lamang ako , baka dala lang ng pagka miss ko kay uncle, kaya kung ano ano na ang napaniginipan ko...... Mabilis akong bumangon at nag tungo sa banyo at kumuha ng balde at tabo... Makaligo na nga lang sa poso! Tamang tama lang ang gising ko! Alas - syiete pa naman! Mga alas- nuwebe pa dating ni kuya black sa palengke mamaya. Pero..... Ano nga kaya ibig Sabihin ng panaginip ko na yun? Pano nga kaya..... Kung..... Sakaling totoong panggalan ko nga talaga yun, ang sinabi ni uncle sa panaginip ko? Ayshhhh!!!!!! Tama na señorita! Di na mahalaga yun! Di naman din makakatulong sa akin ang panggalan na yun! Sana nga lang talaga totoo ang sinabi ni uncle sa panaginip ko.. >Malapit na magbago ang buhay mo, Señorita Elizabeth Cale Fuentes "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook