Pasado alas-nuwebe na , ng makarating ako sa palengke na saktong pagdating din ni kuya black....
"Kuya B !" Lumingon naman ito sa akin at agad akong lumapit dito.
"Oh.... Buti andito ka, kailangan ko ng tulong" nagsimula na siyang mag buhat ng mga banyera na may lamang isda.
Mabilis din akong kumilos at tumulong sa pag bubuhat."Sus! Ikaw? Kailangan ng tulong?" Biro ko dito.
"Tama na nga yan! Tulungan mo nalng ako!" Mabilis namin inayos ang mga paninda niyang isda at maya maya pa ay dumami na nga ang mga tao sa palengke at nag simula na ang bentahan .
Tumulong ako sa pag bebenta ,
maraming tao at kailangan ding maging maingat, aba! Uso ang budol budol ngayon..... Yung sasabihin na
'uy! Kulang yung sukli mo sa akin!' yan! Yan ang isa sa mga pinaka binabantayan ko sa lahat!
Di ako basta basta maloloko ng ganyang style!.
Pasado- alas - onse na , ng maubos ang paninda na isda ni kuya black .
"Señorita...." Lumingon naman ako kay kuya black na nakaupo " pasensiya ka na ha.... Ito lang muna maibibigay ko sayo" inabot nito sa akin ang isang - daan " alam mo naman , nagbebenta lang ako , di ako ang may ari" nakangiting tinanggap ko naman ito
"Ito talaga si kuya B. Oh!" Pabiro ko naman siyang hinampas sa braso niya na agad din niyang ikinatawa. " Ang laki na nga nito e... Salamat kuya ah!" Sumaludo ako dito na lalo niyang ikinatawa.
"Sandali..." Tumayo ito at kumuha ng supot at nilagyan ng dalawang boung isda, may isang balde pa kasing natira na isda na di na ibenenta ni kuya black" Ito... Para naman di ka puro, asik at tuyo ... "
Napangiti naman ako lalo at agad na inabot ito" naku kuya! Mahal na talaga kita! Thank youuuuu so muchh!" Nakangiting usal ko dito.....
"Oh siya... Segi na..... " Matapos non ay agad na akong nag paalam dito at mabilis na akong dumiretsyo pauwi...
Masaya kong tinatahak ang daan pauwi at naglalakad sa ginta ng reles ng tren . Dito talaga ako kalimitan na dumadaan , Lalo na't galing ako sa palengke....
Itinaas ko bahagya ang dala kong isda 'ayos to! Sasabawan ko to! ' lalo tuloy akong natatakam!
Agahan at pananghalian ko na to!
At lash hapunan na din !
Pwede pang pang bukas!
Habang pauwi ako ay nadaanan ko ulit ang tindahan ni aleng marisa at andoon na naman ulit sina empoy, kokoy at june , kaso di sila kompleto, dahil wala si Dexter.
Himala! Wala ata si Dexter ngayon, nag iinuman pa naman ang tatlong kumag.
Naglakad ako papunta sa tindahan ni aleng marisa " Oh! Señorita! " Bungad sa akin ni june na umiinom " May dalang isda ah! "
" Aba! Oo naman! Kumakayod eh!" Usal ko dito at nakangiting umiiling iling lamang ito. Bumaling naman ako kay aleng marisa na nakaupo sa loob ng maliit niyang tindahan. Binunot ko ang bente sa loob ng bulsa ko .
"Aleng marisa, pabili po ng asin at tuyo, at stik -O na po yung sukli." Inabot ko dito ang bente at binigyan ako nito ng tuyo , asin at ang Stick -O
Pang ulam ko sa susunod na araw!
"Ano na kaya nangyari don kay dexter no?" Bungad ni empoy at agad ko naman kinagat ang stick -O na binili ko at bahagyang nakinig sa usapan nila..
"Sigurado, di pa nakakahanap ng pera yun." Napakunot naman ang nou ko.
Ano ba pinaguusapan nila! Di pa nakakahanap ng pera? Eh akala ko ba naka snatch ulit sila...
"Oy!" Bungad ko sa tatlo " ano ba pinaguusapan niyo!" Patuloy ko parin kinakagat ang stick -O.
"Hay!... Eh pano ba naman kasi nagkasakit ang nanay ni Dexter... Kilala mo naman yung si aleng
Sita... Di yun papayag na gamitin ang pera ni Dexter na galing raw kamo sa 'NAKAW' sambit ni kokoy.
"Nagkasakit si aleng sita!" Usal ko ,
"Oo nga!" Usal naman ni june . At sigurado, hanggang ngayon, wala pang matinong pera na nakikita si Dexter "
Napabuntong hininga ako , sa totoo lang, mabait si aleng sita... Simula nong mamatay si uncle isa si aleng sita sa mga naging mabait sa akin dito sa barangay tagpi....
Dahil nga sa kanya at may mga matitino pa akong damit na nasosout!
Tumayo ako at nagpaalam na kina empoy.
Kailangan kong puntahan si dexter...
Muli kong binunot ang pera ko na isang daan na lang ang natira...
Pwede na siguro to ! Pang bili ng gamot ni aleng sita....
Oo mahirap nga din ang buhay ko , pero hindi naman yun dahilan para di ako tumulong sa ibang tao.
Turo sa akin ni uncle , na hangga't may maitutulong ako , wag ako mag dadalawang isip na tumulong.
Si aleng sita nga tinutulungan din ako , kaya bakit di ako tutulong sa kanya....
Mabilis akong naglakad patungo sa bahay nina Dexter.....
Pagkarating ko roon ay agad bumungad sa akin ang problemandong mukha ni Dexter na papalabas pa lang ..
Nagulat ito ng Makita ako " señorita! Anong ginagawa mo dito"
"Bumibisita! Makikikain!" Usal ko dito at inabot sa kanya ang isang daan.
"A-Ano to?" Gulat na usal nito sa akin .
"Ipang bili mo ng gamot ni aleng sita, segi na! At kung may sukli ibili mo din siya ng mansanas." Agad ko itong itinulak bahagya para umalis na ito .
Lumingon naman siya sa akin at tumitingin at agad ko itong kinunutan ng nou "aalis ka o babatuhin kita!" Biro ko dito. "Segi na!"
Bumuntong hininga ito at muling tumingin sa akin at ngumiti ng konti "S-Salamat"
"Sus!" Usal ko dito at agad na akong pumasok sa loob ng bahay nila....
Agad kong inilagay ang dala kong isda sa kusina nila at nakita kong lumabas si aleng sita mula sa kwarto niya na nanghihina at umuubo...
Agad akong lumapit ito at inalalayan ito"Dapat nagpapahinga po kayo" usal ko dito at inalalayan itong maupo sa kahoy na upuan nila.
Agad akong kumuha ng isang basong tubig at ibinigay sa kanya" ito po"
Ngumiti ito sa akin " Salamat"
"Wag po kayong mag alala. Pinabili ko na po si Dexter ng gamot."
Tumingin siya sa akin "Hindi ko iinumin yun lalo na kung pera niya na nakaw galing ang ginamit" asik nito at napaubo ulit ...
Agad kong pinik pik ang likod nito
" kalma po aleng sita... Wag po kayong mag alala , hindi po yun galing sa nakaw.. "
Muli siyang napatingin sa akin" wag mong sabihin na ..... Pera mo yun!" Asik nito at agad akong umiling.
"Aleng sita naman... Shempre kay Dexter parin po galing yun , pero di po yun nakaw... Tumulong po kasi siya kanina sa palengke kay kuya black." Sambit ko dito.
'sorry aleng sita.. kailangn kong mag sinungaling'
Alam ko kasing di niya tatanggapin ang ibibigay kong pera... Ang gusto niya itabi ko lang ang pera ko para sa sarili ko.
Mabait si aleng sita, kaso nga lang, yung asawa niya, iniwan siya , sila ni Dexter. Bata pa si Dexter non , mga walong taong gulang pa lamang siya sa pagkakatanda ko non .
Sumama daw ang tatay nito sa babae nito kaya ito , mag isang binubuhay ni aleng sita si Dexter.
"Salamat talaga .... señorita..." Patuloy parin ito sa pag ubo" tinutulungan mo si dexter, na kahit paano'y mag tino na" usal nito.
Ngumiti naman ako dito at agad akong tumayo " magluluto lang muna po ako" lumunok ako .... Sumasama kasi ang pakiramdam ko kapag nakakapag sinungaling ako.
Ewan ko ba. Simula nong bata pa lamang ako ganito na ako , sa tuwing nakakapag sinungaling ako , sumasama ang pakiramdam ko at nag kakasakit ako .
"May dala po akong isda " dag dag ko dito at narinig ko naman ang patuloy na pag ubo nito.
"S-Salamat talaga ijha" ngumiti ako dito at agad na akong nag simula sa pagluluto .
.
.
.
Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Dexter
"Ma!" Agad akong napalingon dito at lumapit ito agad kay aleng sita na dala ang gamot na binili nito at ang dalawang mansanas. "Ito po... Gamot niyo" mahinang usal nito
Ngumiti naman si aleng sita "S-Salamat anak" bahagya naman napatingin si Dexter na ina nya na gulat na gulat..
"M-Ma" halatang ngayon lang niya ulit narinig na tinawag siyang anak ni aleng sita.
"N-Nasabi sa akin ni señorita na ... Nag trabaho ka sa palengke" napaubo naman ulit ito " kaya ka.... Nagkaroon ng perang pambili ng gamot ko"
Napatingin naman sa akin si Dexter kaya agad akong umiwas ng tingin dito.
Hindi ko kayang makipag mata sa mata sa kahit na sino kapag nakakapag sinungaling ako.
Nagpatuloy na lamang ako sa pag luluto ng sinabaw.
"Opo.... Nagsisimula nang tumino yan si ... Dexter!" Usal ko dito..
"Inumin mo na po to ma" dinig kong usal ni Dexter.....
Matapos mapainom ni Dexter si aleng sita ng gamot ay agad itong lumapit sa kinaroroonan ko kung saan ay patuloy parin ako sa pagluluto.
"Bakit ka nag sinungaling!" Mahina ngunit mariing bulong nito sa akin habang pasulyap sulyap ito sa ina niya
"Eh alam mo naman , hindi papayag si aleng sita kapag nalaman niyang sa akin galing ang pera " mariing bulong ko din pabalik dito.
"Ah , basta! Babayaran kita!"
Kumunot naman ang nou ko "Ayo ko nga! Alam kong nakaw yang ibabayad mo sa akin! Kaya wag na! Isa pa... Hindi mo na kailangn bayaran yun , tulong ko na yun , isa pa " napalingon naman ako bahagya kay aleng sita na nakaupo sa upuan" Tinulungan din ako ng nanay mo kapag walang wala ako "
Napatingin naman ako kay Dexter na nakatitig sa akin . Muling kumunot ang nou ko at mabilis kong sinipa Ang papa niya.
"Aray!" Malakas na usal nito"Bakit ka nanipa!"
"Wag ka Kasi naninitig ng ganon!" Inis kong singhal sa kanya.
"Tsk! " Maktol nito at muling bumalik sa kinaroroonan ni aleng sita.
Makalipas ang ilang sandali ay naluto na ang niluluto Kong sinabaw.
Tinulungan ako ni Dexter na mag hain.
Matapos namin mahain ang pagkain ay agad na kami naupo na tatlo
"Ang sarap!" Sabay naming tinampal ni aleng sita ang kamay ni Dexter ng akamang kakain na ito " Bakit?"
"Magdasal muna tayo." Usal ko dito.
Tumango sa akin si aleng sita at pumikit na kami at nagsimula na mag dasal
"Panginoon, maraming salamat po sa pagkain na nasa harapan namin ngayon, maraming salamat po at may kasama akong kumain ngayon , maraming salamat po at nakainom na ng gamot si aleng sita, sana po ay tuluyan na siyang gumaling , lagi niyo po kaming gabayan. Amen"
Muli kong minulat ang aking mga mata at ganon din sina Dexter at aleng sita.
"Kain na!" Masiglang usal ni Dexter.
Masaya kaming kumakain na tatlo.
Iba talaga kapag may kasama kang kumain sa hapag kainan.
Lagi naman akong sinasabihan ni aleng sita na dito ako kumain sa kanila , kaso nga lang, ayo ko naman ng ganon, nahihiya din ako ....
Alam ko naman na mabait si aleng sita, ayo ko lang talaga na maging palamunin pa ako .
Ayos na ako sa asin at tuyo. Masarap naman ..... Kahit paano ......
Makalipas ang ilang sandali ay natapos na din kami kumain, ubos ang ulam namin , kaya busog na busog.
Agad ko naman niligpit ang mga pinag kainan namin, ng akmang tutulong si aleng sita ay agad ko siyang pinigilan at muling pinaupo. " Aleng sita naman, kailangan niyo po mag pa hinga. " Sambit ko dito.
Bahagya naman niyang nilagay ang kamay niya sa nou ko na parang sinusuiri ako "May lagnat ka ba?"
Agad naman akong napalayo sa kanya at nagkunwaring tumatawa" aleng sita naman...Ang init init nga eh..... "
Mabilis akong tumalikod dito at bahagyang napapikit at muling tumungo sa mesa para mag ligpit
"Ako mag kakasakit?" Usal ko.
" Sigurado kang ayos ka lang?" Paninigurado nito sa akin. Nakangiting lumingon naman ako dito at nag thumbs up
"Aba! Shempre naman ! " Ngumiti naman si aleng sita, tapos ay nag patuloy na ako sa pag liligpit , agad ko na ding hinugasan ang mga pinggan na Ginamit namin .
"San ka ba galing?" Dinig kong tanong ni aleng sita kay Dexter.
"Dyan lang po..." Sagot nito kay aleng sita at lumapit ito sa akin "ako na dyan!" Inis ko namang tinampal ang kamay niya
"Dun ka nga! Patapos na ako oh!" Usal ko dito, bahagya naman siyang natigilan at dinampi ang likod ng kamay Niya sa nou ko tulad ng ginawa kanina ni aleng sita "may sakit ka ba?" Nakakunot nou na tanong nito sa akin
Agad kong iniwas ang nou ko sa kamay Niya at bahagyang sinipa siya ngunit di nya iyon ininda.
"Hindi! Sadyang mainit lang Ang panahon!" Usal ko dito at agad ko ng tinapos ang pag babanlaw sa mga pinggan.
"Sigurado ka!" Aba! Bakit parang Galit pa ang dating ng pag tatanong niya.
Agad kong pinunas ang basa kong kamay sa t-shirt ko at umupo sa tabi ni aleng sita at tinanggal ko ang sout Kong sombrero..."oo nga!" At muli kong binalingan ang orasan na nakasabit sa ding ding nila.
Ala - una - emedya na.... Lintik!
Muli akong napatayo "oh bakit?" Gulat na sambit ni aleng sita..
"Kailangan ko na po pala umalis..." Sambit ko dito "may trabaho pa po kasi ako sa terminal eh"
"Oh siya segi.... Salamat sa isda, señorita " nakangiting sambit ni aleng sita
"Ikaw talaga aleng sita " nakangiting sambit ko dito at muli kong binalingan si dexter" bantayan mo si aleng sita ha!" Kinunutan naman niya ako ng nou..
"Di mo ako kailangan utusan ! Dahil gagawin ko yun! Dahil nanay ko siya!" Maktol nito.
Agad na akong nag paalam sa kanila at mabilis akong umalis at nag tungo sa terminal.
Medyo masama na talaga ang pakiramdam ko ! Pero hindi ito ang oras para mag ka sakit ako ! O mag hina hinaan! Kailangan kong mag trabaho ano't ano man ang mangyari!
Mabilis akong tumakbo at muli akong dumaan pabalik sa gitna ng reles ng tren sa ilalim ng tulay...
Delikado nga dito, ngunit ito Kasi Ang mas mabilis at malapit na daanan patungo sa terminal...
Wala pa namang namatay o nasagasaan dito dahil malalaman agad Kasi kung may parating na tren.
May muntik lang.......
Ng makalagpas na ako sa reles ng tren ay naglakad na lamang ako dahil malapit na ako sa terminal.
Habang naglalakad ako ay nagtaka ako ng mapansin kong tahimik ang kalsada ngayon.
Himala! Wala ata ang grupo ni Ronel ngayon dito i mean Rose! Wala ata yung baklang yun dito!
Dito Kasi naglalagi Ang mga yun at lagi ko silang nadadaan , kapag papunta ako sa terminal.
At bakit napakatahimik dito .
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at di na lamang ininda iyon.
Ng paliko na ako ng daan ay halos tumalon ang puso ko at pakiramdam ko ay sandaling humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa gulat ng may sumalobong sa akin na isang matanda.
Naku naman! Tirik na tirik ang araw eh ! Nananakot itong si lola!
Napahawak ako sa dib dib ko na sobrang lakas ng kabog.....
Nakatitig sa akin ang isang matandang babae . Sa tingin ko sobrang tanda na niya talaga ,
dahil sobrang kulobot na ng kutis niya at mukha niya.....
Nakatitig ito sa akin at bahagya pang lumapit na lalong nagpakabog sa dib dib ko.
Teka! Bakit ba ako natatakot?! At bakit ako matatakot?!
Wala namang nakakatakot sa kanya, pero bakit ganito!
Ayaw tumigil sa pag kabog ang dib dib ko!
"Malapit na!" Usal nito sa akin ng makalapit ito sa akin .
"P-Po?"
"Malapit ng bumukas ang mahiwagang pinto!" Usal nito ulit
Ano bang pinagsasabi niya? Mahiwagang pinto? Di kaya.... May sakit siya? Kasi ... Sobrang tanda na din niya eh .
Napabuntong hininga na lamang ako at muli itong tinignan"Lola , Pasensiya na po.... Pero nagmamadali po ako eh" usal ko dito , at mabilis na akong naglakad ulit at nilagpasan ito ngunit di pa ako nakakalayo ng bigla niya akong pigilan at hawakan ang braso ko.
Muling kumabog ng malakas ang dib dib ko sa sobrang kaba!
"A-Ah.. lola..." Lumunok ako" nagmamadali po kasi talaga ako_____
"Sa kabilugan ng buwan! Mag bubukas na ang mahiwagang pinto..... Para .... Sayo....." Kinikilabutan na talaga ako dito kay lola.
"Ano po ba yang pinagsasabi ninyo?"
Magsasalita na sana ito ng biglang may nagsalitang mula sa likuran ko.
"Hoy! Señorita!" Agad akong napalingon dito at nakita kong nakatayo si rose sa likuran ko kasama niya ang groupo niyang bakla din.
"Bakit mo yan kausap!" Tukoy nito sa matandang nakahawak sa braso ko at titig na titig sa mukha ko " baliw yan e"
Muli akong napabuntong hininga.
Tama nga ako! Kasi naman! Kung ano ano na Ang sinasabi niya.
Binawi ko Naman Ang braso ko at tinignan ang matanda "lola... Pasensiya na po ah. nagmamadali po ako e" muli niyang hinawakan ang braso ko Ng akamang aalis na ako ..
Tumakbo naman sina rose at tumawag ng tulong
Ang higpit ng hawak sa akin ng matanda "Señorita Elizabeth Cale Fuentes...." Mahinang usal nito na lalong nagpa tayo ng mga balhibo ko..
"A-Ano?!" Gulat na usal ko!
Paano niya nalaman yun!
Sinabi yun ni uncle sa akin sa panaginip ko! Paanong?!
Magsasalita na sana ito ng biglang dumating sina rose kasama ang ilang tao.
"Lola, hali na po kayo," sambit ng isang lalakeng naka sout ng blue / white na t-shirt at pants.
Nakatitig parin sa akin ang matanda habang inalalayan siya ng dalawang tao na kumuha sa kanya ..
"Hoy! Señora!" Kalabit sa akin ni rose ngunit di ko siya ininda dahil naka toun ang attention ko sa matandang papalayo sa amin" tumakas yun , sa narinig ko kasi , may demesnsia na yung matandang yun. Kaya gustong ipadala ng anak sa ospital para magamot kaso ayon tumakas at parang nahawaan ka pa!" Ugtang sa akin ni rose.
Nilingon ko naman ito at binatukan " tumigil ka nga!" Iniwan ko na ito ang nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretsyo sa terminal.
Kahit anong gawin kong pag alis sa isip ko ang sinabi ng matanda sa akin kanina ay di ko magawa!
Paano ba naman kasi niya nalaman ang panggalan na Sinabi sa akin ni uncle sa panaginip ko!
Nagkataon lang ba yun? Na nasabi niya ang panggalan na yun sa akin na siya ding Sinabi sa akin ni uncle sa panaginip ko?
Arghhhh! Tama na señorita! Tumigil ka na!
Tama! Si rose na din mismo ang nagsabi! May sakit Ang matandang yun!
Kaya wala lang yung sinabi niya....
Wala lang......