"Miss Kreisha, pinapasabi ho ni Sir Juan Carlos kung maaari ba raw niya kayong makausap mamayang gabi," wika sa kaniya ni Aling Elisa. Kakatapos lang nilang kumain ni Raven ng almusal at naroon na agad ang katiwala nito. Napasulyap muna siya kay Raven na tumango lang bilang pagsang-ayon saka siya bumaling dito. Hindi pa sila nag-usap mula noong gabing ipinagluto niya ito ng mga ihahanda nila. "S-Sige ho, Aling Elisa. Is it about the food we prepared for him?" "Hindi ko alam kung para saan. Ah, sige. Ililigpit ko lang ang mga pinagkainan." Tumango lang siya. "Let's go," yaya ng binata sa kaniya. Naglalakad-lakad muna sila sa umaga habang hindi pa masyadong sumisikat ang araw pero kahit ganoon pa man ay malamig naman ang panahon kahit tanghali o hapon. Mas mainam na rin ang ganitong pa

