Maagang nagising at nag-ayos si Kreisha sa sarili niya upang maibsan man lang ang mga iisipin niya nitong nagdaang gabi. Bukas naman siya sa kung ano ang magiging usapan nila ng binata ngunit hangga’t wala itong final na sinasabi sa kaniya, mananatili lamang panaginip ang lahat. Ayaw na niyang sa kaniya pa manggagaling ang lahat at mag-insist sa mga narinig mula sa prankster na binata ika nga niya. Nasulyapan niyang masarap pa ang tulog ni Trina sa kama at hinayaan na lamang niya ang kaibigan. Matagal din itong natulog dahil nakipag-usap pa sa kakambal nitong si Tristan. Ilang araw na lang din at babalik na ang mga ito sa Pilipinas ngunit siya ay mananatili muna roon at pumayag naman ang kaniyang kapatid. Ilang sandali pa ay tumunog ang message tone ng cell phone niya. Dinampot niya ito sa

