“Kreisha, kumain ka na. Hindi makabubuti sa iyo ang nakahiga lang dito at panay ang iyak. Look at yourself; it’s not really healthy to skip your meal. Halos mag-iisang linggo ka ng ganyan,” wika ni Trina na may halong labis na pag-aalala. Lalo lang siyang nagtalukbong ng kumot habang nakahiga sa kama. Mag-iisang linggo na rin ang lumipas nang may nangyaring masama sa asawa niya kaya ngayon ay lugmok pa rin siya sa kalungkutan. Halos gabi-gabi siyang walang tulog, umiiyak at hindi masyadong nakakakain. She was helpless, drowned into grief and poured with resentment. “Sobrang nag-aalala na si Kameron sa iyo sa kalagayan mo.” “Just leave me alone, Trina. Gusto ko lang mapag-isa,” pagtataboy nito sa kaibigan. “I understand your situation because it’s not really easy to lose someone you l

