Kabanata 34 : Duke Luke's "She's not coming back.” Gusto ko nang basagin ang cellphone ko sa sinasabi ni Kyen. "Fck you, Wala kang karapatan na sabihin ang bagay na iyan! Ibigay mo kay Betty ang cellphone. Gusto ko siyang makausap!” "Okay. Betty.” Rinig ko sa kabilang linya. "Luke...” Nanghina ako ng marinig ang boses ni Betty. Sobrang miss ko na siya. "Betty, I'm begging you. Please, bumalik ka na sa akin. Miss na miss na kita.” Gusto nang tumulo ng mga luha ko sa sobrang pagkamiss sa kanya. "I love you, Betty. Maniwala ka sa'kin. Hindi kita pinagtaksilan. At naniniwala ako na pinaniniwalaan mo ako. Please, Mine. Come back.” Malambing at may bahid ng pangungulila ang ang boses ko. Napahinga ng malalim si Betty bago sumagot. "Sorry, L-luke...” "Anong sorry? Okay, Sige. Basta bumali

