Kabanata 35 : Ang Pusong Napagod Luke's Nakatulog si Betty kaya ako ngayon ang nag aalaga sa anak namin na si Duke. Hanggang ngayon, teary eyed pa rin ako dahil sa tuwa. Kamukhang kamukha ko siya. Natuwa ako dahil may kasabihan na kapag kamukha ng tatay ang anak ay ibig sabihin, mahal na mahal ng nanay ang tatay. Napangiti ako at sinilip ang maamong mukha ni Betty. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari--kung bakit ayaw niyang bumalik sa akin. Nasa isip ko rin na marahil galit pa siya sa nakita niyang magkasama kami ni Bernice sa iisang kama na parehas nakahubad. Isa lang naman ang pinapangako ko sa kanya, walang ibang nagmamay ari ng katawan ki kundi siya lang. Kaya sure akong wala talagang nangyari sa amin ni Bernice. "Sir, pinapabili po ito ni doctor para

