Kabanata 37 : Fake Hug Betty's Ito yata yung sinasabi nilang nasa huli ang pagsisisi kapag gumawa ka ng isang desisyon ng hindi nag iisip. Ma-re-realize mo na lang na ang tanga mo pala talaga. Iyong babase ka na lang sa desisyon ng ibang tao? Iyong wala kang sariling galaw? Iyong kailangan mo pang mag tanong kung tama ba ang gagawin mo? Pagkatapos sa huli ikaw rin ang masisisi? Ang tawag doon, bobong desisyon. Kainis! Bakit ang bobo bobo ko? Ngayon nasasaktan ako dahil hindi na bumalik sa akin si Luke? Kasalanan ko naman talaga. Madali akong mag-pauto sa ibang tao. "See you there.” Pinahatid ako ni Kyen sa bahay ni Luke. Hindi ko siya iniimik mula nong bumalik ako galing sa office ni Luke. Lumuluha pa nga ng kaonti ang mata ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Syempre,

