Kabanata 38 : Hope Betty's Pagmulat ng aking mga mata ay hindi ko na inaasahan na makikita sa tabi ko si Luke. Hinanda ko talaga ang sarili ko para dito. Nasa crib si baby Duke na siguro ay si Luke ang naglagay. 7:30AM na at alam ko ay naka alis na si Luke ng mga ganitong oras. Yung mga nangyari kagabi ay iisipin ko na lang na panaginip ang lahat ng iyon. Para bang kaydali lang na itutulog mo na lang ang sakit pero pag gising mo ganoon pa rin pala kasakit yon. Walang bago ang nangyari ngayong araw. Kaninang umaga, wala si Luke, Nung tanghali dalawa lang kami ni Baby Duke sa living area, Ngayong gabi para na akong tanga na kumakausap sa taong ayaw ka naman kausapin. Luke, kumain ka na? Luke, Kumusta? Luke, Kamukha mo talaga si Duke. Pero tingin at pagkunot niya lang ang nahihita

