Kabanata 39 : Kami Betty's "Nasaan si Luke, Kyen?" Tumabi ako kay Kyen habang kumakain siya ng tinapay at sinasawsaw sa kape niya. Tulog pa si baby Duke kaya bumaba muna ako para kumain. Linggo naman ngayon kaya alam ko nandito si Luke. Pinunasan ni Kyen ang bibig niya bago sumagot. "Magkasama sila ni Bernice ngayon." Kaswal niya lang 'yon sinabi na para bang walang namagitan sakanila ni Bernice. Samantalang ako pinipiga na naman puso ko. "S-saan sila pupunta?" Tanong ko at saka pilit na inaangat ang tinapay para isubo pero ayaw gumalaw ng mga kamay ko dahil sa nginig. "Hmm, narinig ko na sasamahan niya daw si Bernice magpacheck up." Sabi niya at sumawsaw ulit ng tinapay sa kape. Naalala ko lang na dati aligaga si Luke kada may masakit sa akin at tinatakbo niya na agad ako sa OB ko.

