Kabanata 3

1576 Words
Luke's POV Kanina pa ako naghihintay sa panget na 'yun. Namuti na lahat lahat sakin pati yung sa baba wala parin 'yun. Exaggerated, Luke! Pero nasaan na ba ang isang 'yun? Kating kati na akong hawakan ulit si Angel ko. Hindi ko na rin kasi siya malapitan dahil sobrang galit siya sakin. Kung hindi lang umentrada ang baliw na babaeng yun, Di sana kasama ko si Angel ngayon. Lintik kasing panget na 'yun. Pagkatapos ng papagawa ko sakanya, Sana hindi ko na siya makita pa. Kinikilabutan talaga ako sa isang 'yun. Para siyang laruang sunog na ewan. Basta! Hirap niyang idescribe.  Nakita kong padaan siya sa corridor ng isang building. Kaya agad ko siyang tinawag. "Hoy Panget! Yung pinagusapan natin gawin mo na!" Sabi ko at sinisigawan siya. Huminto siya kaya nilapitan ko siya ng konti. Nasa tapat kami ng isang room. Nakita ko pa nga sa loob si Minzy. Yung dating nerd na gumanda. Pero di ko siya type.  "Huh? Oh, Ikaw pala." Sabi ni Panget ng nakangiti. "Tss. Yung pinagusapan nating dalawa kagabi. Gawin mo na bago kita upakan diyan." Pagbabanta ko. Biglang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Niyakap niya yung sarili niya na oara bang may gagawin akong masama sakanya. "Wag! Ayoko, Birhen pa ako!" Sabi niya at umaatras. Napapikit ako sa sobrang engot niya. "Tonta! Hindi ko gagawin sa'yo yun. Asa ka naman. Yung pinapagaw ko sa'yo gawin mo na." Sabi ko. Medyo malayo kami sa isa't isa. Mas okay na ito. Ayoko rin namang dumikit sakanya. Tss. "Ah yun ba? Kala ko pa naman hahalayin mo na ako. Hmm. Bigyan mo muna ako ng space. para gawin yun." Hah? Space? Ang gulo talaga ng isang 'to. "Gagawin mo ba o hindi?" Pananakot ko. Pero walang epekto sa isnag 'to. "Diba sabi ko sa'yong bigyan mo muna ako ng space. Or time, Space. Time. Basta! Gagawin ko yun wag kang mag-alala. May klase pa ako. Sige." Sabi niya  Nagtatakbo siya palayo sakin. "Talagang.." Pahabol ko. Nakita kong natanggal yung takong ng sapatos niya. Binalikan niya ito at nagpeace sign sakin nung nakita niya akong nakatayo pa. Hah? Ang laki ng bahay, Sira yung sapatos? Ganoon ba siya katipid kaya ultimo pagpapaganda ay kinatipiran na niya? Kay siguro ganoon nalang siya kayaman kasi sobrang tipid niya. Nagkibit balikat nalang ako at natawa. "Huh? Tumatawa nanaman ako sa babaeng yun?" Bulong ko sa sarili. At naisip kong kinakausap ko nanaman ang sarili ko. s**t! Pinapangako kong pagkatapos ng mission niya ay hindi ko na yun kakausapin. Nakakahawa ang kabaliwan niya. Tsk! Nakita kong nakaupo si Angel sa favorite spot naming dalawa. May kasama siyang babae. Mukhang galit ito sakanya. Sinampal siya ng babae kaya agad akong pumunta sakanya. "Anong nangyari? Bakit mo siya sinaktan?" Tanong ko sa babaeng sinampal si Angel. "Tanong mo sa malanding ahas na 'yan. Bwiset!" Sabay alis nung babaeng sumampal kay Angel. Agad kong dinaluhan si Angel sa pag iyak.  "Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" Tanong ko dito at umupo sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya. Agad niya akong tinulak at umalis ng umiiyak. "Angel !" Sigaw ko dito. Siguro siya ang may need ng space and time gaya ng sabi ni panget. Huh? s**t! Bakit nasagi sa utak ko ang panget na 'yun?  "Brod!" Tawag sakin ni Johan. "Bakit?" Wala sa mood kong sabi. "Gago! Kanina ka hinahanap ni Sir. Vitorino. Yari ka!" Sabi niya. Nanlaki ang mata ko dahil may klase pala ako. Agad akong tumakbo papunta sa room. Punyeta kasi yung panget na yun. Nakalimutan ko tuloy na may klase pa pala ako. Sa kakahintay ko sakanya ay late ako. Bading pa naman ang titser na iyon at laging mainit ang ulo sakin. Tsk! Crush kasi ako nun. "Hi, Sir!" Bati ko dito. Inayos niya yung salamin niya at tinitigan akong maigi. "Umupo ka na!" Sigaw niya. Nagulat ako sa sigaw niya kaya nagmadali akong umupo. Paglakad ko ay parang may nahagip ang mata ko na pamilyar na pagmumukha. Nalagpasan ko na siya kay nilingon ko ulit ito. Nanlaki ang mata ko sa nasilayang panget na mukha. "Ikaw? bakit ka nandito?" Tanong ko. Nangbilog ang mata niya nung nakita din ako.  "Anong problema mo kay Ms. Dimaculangan? Ibubully mo rin ba siya?" Tanong ng prof namin sa harapan. Tinignan ko si panget. Kaya pala siguro hindi ako nakita nito dahil nakayuko siya dahil sa binully siya ng mga classmates ko. Yumuko ulit siya at kunwari nagsusulat. "Wala. Hindi na kaylangan. Nagawa na nila eh.' Sabi ko at nagtawanan ang mga classmates ko. Patawa tawa akong umupo sa kabilang row bandang hulihan kaya nakikita ko yung panget sa kabilang row bandang pangalawa sa huli. "Ano bang ginagawa nung babaeng yun dito?" Tanong ko sa katabi ko. "Ah, Yung panget na yun? Ewan. Nagdagdag yata ng unit. Panira nga eh." Maangas na sabi ng katabi kong lalaki. Tinignan ko yung panget na babae. Nakayuko lang siya at iniinda yung mga bulong bulungan ng mga katabi niya. Bakit feeling ko naaawa naman ako? Tsk! No way! Deserving siya diyan. Kung ginagamit niya lang yung pera niya sa pagpapaganda ay hindi sana siya tinutukso ng mga tao. Kuripot kasi. Biglang dumating naman si Johan na nag-CR siguro. Umupo siya sa tabi ng panget na babae. Nag-hi siya dito. Agad namang tumugon yung panget na babae. Tsk! Hindi ba nandidiri si Johan sa katabi niyang yan? Yung panget naman todo ngiti. Kala mo naka-jackpot sa lotto. "MR. MENDEZ!!" Nagulat ako sa sigaw ng guro. Agad akong napatayo. "Yes sir!" Sabi ko. Napatingin siya sa gawi nila Johan at ng panget na babae. Napatingin sakin si Johan pero yung babae nagsusulat kuno. Tsk! "Anong meron kay Ms. Dimaculangan at titig na titiga ka sakanya?" Tanong ni Sir. "Ayiiii" Panguurat ng mga kaklase ko. Nakita kong napatingin sakin si panget. Tsk! Feeling mo naman tinitignan talaga kita ha? "Hindi ko siya tinitignan sir. Si Johan po tinitignan ko." Sabi ko "So, Anong meron kay Mr. Rodiguez?" Tanong ni sir ulit. "Uyyyyyy.." Pang uurat ulit ng mga kaklase ko. "Heh! Tumigil kayo!" Sigaw ko. Agad naman sila tumigil. "Nandidiri ako para sa kaibigan ko at tumabi siya sa panget." Sabi ko at nagtawanan naman ang lahat. Huh! Akala mo ha? Siguro iniisip niyang tinititigan ko talaga siya. In her dreams! Nnalaki ang mata ni Johan sa sinabi ko. Nakita kong lalong yumuko yung panget na babae. Bakit? Nasaktan ba siya? Dapat tanggap niya na yun eh. Kasi yun yung katotohanan. Biglang may kumirot sa puso konung nakita kong may tumulong luha sa mata niya na agad niya naman itong pinunasan. Napaupo ako at napatingin sa iba. Bakit ganon? s**t! Pawis lang yun. Nakayuko kasi siya kaya siguro tumulo ang pawis niya. Oo tama. Hindi siya umiyak dahil sa nilait ko siya. Hindi ako maka-concentrate. Dahil kada oras ay napapagawi yung tingin ko sa panget na babaeng iyon. s**t! Natural lang naman yun diba kasi sakop siya ng vision ko. Haist! Oo tama. Nung natapos na yung klase namin dito kay sir ay mabilis umalis yung panget na babae. Nakita kong sinundan ito ni Jojhan. Panget ng taste ng Johan na yun. May gusto siguro siya doon. Magsama sila. Panget at papogi. Bagay. Huh? Bakit prang ang bitter ko naman? Tsk! Concernerd lang siguro ako sa tropa kong iyon. Nakalimutan ko pa pala yung pinapagawa ko sa babaeng iyon. Agad ko din silang sinundan kung saan sila nagpunta. Pero hindi ko na sila nakita. Edi mawala sila. Pake ko naman. Pero yung walangyang babaeng yun ay hindi pa niya sinasabi kay Angel yung pinag usapan namin kahapon. Lintik talaga. Paano ko mapapasagot si Angel kung sirang sira ako sakanya? Nung labasan na ay inabangan ko talaga yung panget na babaeng iyon. Nakita kong nakayuko siya habang naglalakad. Hinarang ko siya at nagulat siya nung nakita ako. "Oh! Ikaw pala." Nakangiti niyang sabi. Bakit parang nakunsensya naman ako. Lagi siyang tinutukso, Binubully pero ngumingiti parin siya. Baka tanggap niya lang talaga.  "s**t!" Napamura nalang ako bigla. Bakit kanina pa ako nagiisip tungkol sa babaeng ito? Anong nangyayari sakin? "Bakit?" Tanong niya. Tinignan ko siya ng masama. "Ikaw panget! Para matapos na ito. Kaylangan mo na sabihin kay Angel ang lahat ng napag usapan natin kahapon. Para mabawas bawasan na ang pagiisip ko dito! I mean para di na kita makita pa!" Sigaw ko. "Huh? Ang labo mo naman pre. Magkikita parin tayo. Classmate nga kita diba? Ahihi." Sabi niya sabay bungisngis. Shit! Mabubuang talaga ako dito. "Oo na. Gagwwin ko na. Nasan ba yung Anghel?" Tanong niya. "Angel bobo!" Pag-correct ko. "Ano ba tagalog ng angel? Diba anghel? Ikaw pala bob eh. Ahihi." Sabi niya at bumungisngis ulit. "s**t ka!" Sabi ko. Kumunot yung noo niya. "Ano yun?" Pagtataka niya. Ah! Masisiraan talaga ako ng bait dito sa isang 'to. Bigla kong nakita si Angel na palabas na rin. Sasabihan ko na sana si panget na kung nasaan si Angel pero bigla nalang nawala sa harapan ko. Paglingon ko sa likod ay nakita kong pasakay na siya sa kotse ni Zhander. Yung anak ng may ari ng school na ito. Hah? Mayaman nga nag panget na ito. Ulitimo si Zhander ay kilala niya. Pero hindi yun eh. Yung inuutos ko sakanya. "Hoy! Panget! Yung inuutos ko!" Sigaw ko rito. "Tsaka nalang yun." Sabi niya at tinuturo si Zhander na parang natatakot siya. Hindi pwee 'to. Isang araw nanaman ang igugugol ko. Makikita makakausap ko nanaman ang panget na iyon. I-save nyo naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD