Luke's POV
Kahapon aya wala yung panget na yun. Lintik lang dahil ang yaman niya pero ganoon ang pasok niya? Nagpapatutor lang siguro yun sakanila. Tss! Bakit ko naman iniisip ang panget na yun? Baliw ka na, Luke. pero ngayong araw ay nadito yun! Kaylangan na niya sabihin kay Angel yung pinapasabi ko. Para hindi ko na makausap ang isang yun. Nahahawa ako sa ka-baliwan niiya. Tsk!
"Pare nakita mo na ba si Betty?" Biglang tanong ni Johan.
"Malay ko sa panget na yun!" Bigla kong sigaw.
Nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Hah? Hindi siya panget dude! Atsaka, Cute naman siya ha? Wala namang panget sa mundo." Nakangiti niyang sabi.
Umiling muna ako bago sumagot. "Malala na yang mata mo. Patingin mo na yan kung ako sa'yo." Suhistyon ko.
"Walang diperensya ang mata ko. Yang utak mong puro hangin ang may diperensya. Kung mainlove ka sa gaya ni Betty sasangayunan mo din ako." Sabi niya.
"Gago ka ba? Ako? Maiilab sa gaya nung Betty na yun? No way pare! Kilala mo ako. Magaganda ang type ko. At kagaya ni Angel. Tss." Sabi ko ng pailing iling.
"Ah. Okay! Sakin na siya?" Tanong niya.
"Sino?" Tanong ko rin.
"Ah wala.. Oh! Ayun na pala si Betty." Sabi ni Johan at tinuro yung direksyon ni Betty.
Agad akong lumingon sa tinuro niyang direksyon. Hindi dahil sabik akong makita siya ha? Para lang masabihan ko na siya. Nakita kong agad na tumakbo si Johan papunta sakanya. Tsk! Kawawa naman 'tong kaibigan ko. Malabo na siguro ang paningin at ni hindi manlang siya nandidiri sa babaeng iyon. Nagtatawanan silang dalawa habang naglalakad paalis.
"Tss. Ang saya nila.." Sarkastiko kong sabi sa sarili.
Huh! Kinakausap ko nanaman ang sarili ko. s**t lang. Nung palayo na sila ay bigla nalang akong tumakbo papunta sakanila.
"Pare sandali.." Narinig kong sigaw ni Johan.
Namalayan ko nalang na may hinahawakan akong kung ano at hinihila ito. Tinignan ko yung kamay ko na may hawak na maitin na bagay. Isang kamay. Napahinto ako at tinignan ang kamay pataas hanggang sa mayari ng kamay na iyon. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko kung sino ang may ari ng kamay na iyon.
"s**t!" Sabi ko at agad na binitawan yung kamay niya.
"Bakit mo ako hinihigit?" Reklamo niya at hinawakan yung kamay niyang hinawakan ko. "Ang sakit naman." Reklamo niya ulit.
Nakita kong inayos niya din yung takong ng sapatos niya.
"Tignan mo, Nasira ulit. Kakalagay ko lang ng glue dito eh. Kung nais mo akong makausap ng masinsinan ay dapat sinasabihan mo ako ng 'maaari ba kitang kausapin binibini.' ganon." Sabi niya at lumuhod para ayusin yung takong niya.
"s**t! Anong binibini ka diyan? Nakakadiri. At bakit naman kita kakausapin ng masinsinan? Sino ka ba?" Pasigaw kong sabi.
Tumayo siya at pinagpag ang tuhod.
"Ako si Betty Dimaculangan. Ikaw?" Nakangiti niyang sabi.
"Ako si Luke! Ah s**t! Why i'm talking to you?" Dismaya kong sabi. "Yung pinagusapan natin, Gawin mo na para hindi na kita makausap pa!" Sabi ko at diniin ang pulso sa noo ko.
"Oo na. Eh nasan ba kasi yung anghel mo?" Pagtataka niyang sabi.
"Ah basta! Magkita nalang tayo mamaya sa labasan.." Sabi ko at tumalikod na.
"Waaah! Hindi pa ako handa para sa dateeeeee." Bigla niyang sabi.
Hinarap ko siya at nakita kong nagbablush siya. s**t! Nakita ko pang pinagtitinginan kami ng mga tao. Baka isipin nilang niyaya ko siyang idate.
"HINDI KITA NIYAYAYANG MAG DATE! SINO BA MAGYAYAYA SA KATULAD MONG PANGET?!" Sadya kong sigaw para marinig din ng iba at para hindi nila maisip yung ganoon.
Nakita kong kinagat ni Batty yung labi niya at yumuko. Dahan dahan siyang tumalikod sakin.
"Oo na.. Alam ko naman.. Ha.ha." Sabi niya at naka yukong umalis.
Bigla yata akong nakunsensya sa mga sinabi ko. Napahiya ko ba siya doon? Kaylangan ko bang humingi ng tawad? Nakita kong pinagtatawanan siya ng mga estudyante habang naglalakad siya.
"Dude! Good job!.." Bati sakin ng dumaan na lalaki.
"Good job? Eh kung ikaw ang i-jab ko sa sikmura?" Pananakot ko.
Agad na naglakad ng mabilis yung lalaki. Hah! Tarantadong yun ah. Good job pang nalalaman. Pinagtanggol ko ba si Betty doon? Ah s**t! Hindi ko dapat ito ginagawa. Hindi dapat ako naaawa sa isang yun. Dapat masanaya na siya sa realidad.
Shit! Bakit iyon parin ang iniisip ko. Si panget. Malapit na maguwian pero yun parin ang inaalala ko. bakit feeling ko kaylangan kong magsorry? Pero sabi naman niya na alam naman niya na yun. So, alam niya na na panget siya? Dapat lang diba? Tsk!
Inabangan ko siya sa labasan. Nakita kong mag-isa lang siya at nakayuko. Ba't ang hilig nitong yumuko? Sabagay para takpan ang mukha niya.
"Hoy!" Sigaw ko nung malapit na siya sakin.
Nagulat siya nung nakita ako. "Hello.." Bati niya.
"Tss. Hello hello pa. Feeling close ka rin ano?" Sabi ko. "Ayun si Angel ko. Please lang. Sabihin mo na na hindi totoo ang lahat ng nakita mo at nagjojoke ka lang. Para matapos na ito at hindi na kita kausapin pa." Sabi ko.
Tinignan ni Betty si Angel. "Okay.." Sabi niya at naglakad na papunta kay Betty. Pero bumalik siya. "Ano nga pala yung sasabihin ko?" Tanong niya.
Tsk! Napaka bobo talaga ng isang 'to.
"Lahat ng sinabi ko nung gabing sinauli ko ang nakakadiri mong picture." Sabi ko at humalukipkip na sumandal sa kotse.
"ID yun!" Sbi niya.
"Oo na ID na kung ID sabihin mo na!" Medyo pasigaw kong sabi.
"Oo na. Atat? Lahat ba?" Tanong niya ulit.
"s**t! Oo lahat ng sinabi ko!" Sabi ko ulit.
Naglakad na siya papunta kay Angel. Napaka engot a isang 'to. Nakita kong nag uusap na silang dalawa. Nakita kong tinuro ako ni Betty. Napatingin sakin si Angel kaya kinawayan ko siya. Tumingin ulit siya kay Betty at kumunot ang noo niya. Dahil siguro sa kapangitan ni Betty. Biglang sumugod sakin si Angel.
"Napaka walanghiya mo talaga!" Sabi ni Angel at naramdaman ko nalang yung tuhod niya sa junjun ko.
"s**t!" Sabi ko at hinawakan yung junjun ko sa sakit.
"Angellll.." Tawag ko saknya nung paalis na siya.
Nakita kong lumapit na sakin si Betty.
"Anong nangyari sa'yo? naiihi ka ba? Nandun yung CR oh.." Sabi niya. "Ayan. Sinabi ko na yung pinapasabi mo. Lahat lahat ng pinagusapan natin nung dinalaw mo ako sa bahay." Nakangiti niyang sabi.
"s**t! Ano ba ang sinabi mo doon. Bakit niya ako tinuhod?" Tanong ko nung nakarecover na ako.
"Lahat lahat.." Sabi niya.
"Anong lahat lahat?" Tanong ko.
"Lahat nga. Bobo lang? Yung mula sa umpisa hanggang wakas.." Sabi niya.
"Ano nga?" Sigaw ko.
"Yung mga sinabi mo na sabihin ko na nagjojoke lang ako sa sinabi kong nakipag s*x ka sa mga upuan at sinabi mong wag kong sabihn saknayang biro lang iyon at inuutusan mo rin akong magsinungaling para lang magkaayos lang kayo. At magkunwari na hindi totoo lahat ng nangyari sainyo na babaeng ka s*x mo. Oh! Ayos ba?" Nakangit niyang sabi.
Napapikit ako sa sobrang inis. Sinipa ko yung gulong ng sasakyan ko.
"Saan ka ba galing na planeta at bakit ganyan ka kabobo ha? Sinabi ko wag mong sabihin na kunwari lang na hindi totoo na nakita mong nakikipag s*x ak sa babae. Pero sinbi mo parin! Napaka tanga mo!"
"Eh sabi mo sabihin ko lahat ng pinagusapan natin nung gabing yun? Tapos magagalit ka diyan. Ikaw pala ang bobo eh. Kainis ka diyan ka na nga!" Sabi niya at nagmartsa na paalis sakin.
Shit! Anong klaseng babae ito? Agad kong hinigit yung braso niya.
"Hoy! Hindi mo alam ang ginawa mo! Hindi mo ba alam na mawawala na sakin ang babaeng pinakamamahal ko nang dahil sa'yo?" Tanong ko.
"Paanong dahil sakin?" Tanong niya.
"Dahil sa katangahan mo, Hindi na mapapasakin si Angel. Imbis na mapasakin, Mawawala na siya. Dahil sa sinabi mong lahat ng yun ay totoo. Ngayon! Ayusin mo ang lahat ng ito. Ikaw mag ayos sa relasyon namin." Sabi ko.
"Hah? Eh. Sorry kung ganoon. Paano ko naman aayusin?" Tanong niya. "May tools ba para diyan?" Tanong niya.
"s**t! Oo meron. Ikaw nag tool na iyon. Kaibiganin mo siya. Pabangohin mo ang image ko sakanya. Gawin mo ang lahat para lang magkatiwala ulit siya sakin." Sabi ko.
Nakita kong naguluhan siya doon. Hindi niya ba talaga naiiintindihan?
"Okay.." Masaya niyang sabi.
Napapikit ako doon. Akala ko hindi niya naiiintindihan.
"Good. Mag start ka sa susunod na pasok mo maliwanang? Ikaw ang umayos sa gusot na ginawa mo! Diyan ka na.." Sabi ko at pumasok na sa kotse ko.
Humarurot na ako. Nakita kong tumawid siya at nagpapara ng taxi. Hah? Wala ba siyang kotse? Tsk! Naisip kong ihatid nalang siya bilang pasasalamat na din at sa pagsorry sa ginawa ko sakanya kanina. Nung babalik ko na sana yung kotse nkita kong sumakay na siya sa kotseng pamilyar. Kotse ni Johan.
"s**t!" Sabi ko.
Hah? Bakit feeling ko naagawan ako? Tss. Hindi. Bahala na sila. Ang importante ay magawa ng panget na iyon ang pinapagawa ko. Inlab sa panget? Never mangyayari yun.