Luke's POV
Ang dali talagang mauto ng pangit na iyon. Pero dapat lang na gawin niya ito kasi siya ang may dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi lang siya madaldal edi sana hindi ko na siya nakilala pa at nakakausap at lalong lalo na sa lahat. Hindi kami complicated ni Angel.
"First, Kaibiganin si Angel. Pangalawa, Pabangohin ang pangalang Luke sakanya, Pangatlo gawin ang lahat mapasagot ka lang niya, Pangapat, Mawala ako?" Sabi niya at isa isa niyang sinabi lahat ng inuutos ko.
"Oo lahat yan. Kabisaduhin mo ang task mo.." Masungit kong sabi.
"Eh. Yung pang apat? Mawala ako? Paanong mawala? As in..Waaaah! No ayoko! Gusto ko pang mabuhay ng matagal.' Sab niya at nag hihisterikal.
"Tss! Mawala. As in di ka na magpapakta sakin. Di na kita nakakusap. Mawala sa buhay ko. Maliwanag ba?" Pinagdilatan ko siya ng mata dahil sa inis.
Sobrang engot ng isang 'to. Hindi ko mamakayang akasama pa ang isang 'to. Kaylangan niya na matapos ang inuutos ko at maging kami ni Angel.
"Yun pala. Sorry naman." Nakangiti niyang sabi. "Pero parang niloloko lang natin si Angel. Hindi ba?" Concerned niyang tanong.
"Hindi! Kung hindi mo sasabihin." Sabi ko.
Nag nod nalang siya ng mabilis at ngumiti. Nasa park kami malapit sa school. Dahil nga wala siyang pasok ngayon eh naglakas loob akong puntahan siya sa bahay nilang malaki at ang nakatira ay isang Betty na pangit. Hindi nag aayos. Sira ang sapatos at bobo. Para saan pa ang yaman niya kung hindi niya gagamitin sa sarili niya.
"Tss. Bakit ganyan hitsura mo?" Bigla kong tanong.
"Bakit?" Sabi niya at tinignan ang sarili. "Ang ganda ko ba?" Singit niya at bungungingis.
Shit! Biglang umurong ang sikmura ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi! Asa ka pa." Masungit kong sabi.
"Ito naman. Wala kang humor sa katawan. Joke yun alam mo ba. Alam ko naman na ganito lang ako. Na pangit ako." Nakangiti niyang sabi.
Napaiwas ako ng tingin nung tumingin din siya sakin. Langya! Bkit ba ganito siya?
"Yun na nga! Ang laki ng bahay mo! Ang yaman mo, Pero hindi mo ginagamit ang pera mo para sa sarili mo. Yung magpaganda ka." Sabi ko.
Bigla siyang tumawa ng malakas. Baliw na ang isang 'to.
"Haha. Hindi sakin ang bahay na iyon. lalong lalo na hindi ako mayaman. Shunga naman nito. " Sabi niya at nakuha pang mang asar.
Kasabay ng pagtawa niya ang namuong katanungan sa isip ko. Kung hindi siya nakatira doon? Kung hindi siya mayaman? Paanong..
"Yaya lang ako doon." Sabi niya.
"Ya-ya?" Pagtataka kong tanong.
"Oo. Yaya. Atchay, Katulong, Taga silbi, Slave, Maid. Ano pa ba?" Sabi niya at tila nagiisip.
Napatayo ako sa swing na kinauupuan ko. Nakaupo siya sa tapat ng swing sa malaking bato. " Kung ganoon? Teka! Bakit ka nagaaral sa malaking unibersidad na iyon? Mahal tuition doon ha?" Tanong ko.
Imposible namang malaki sweldo ng isang 'to. Yaya pala siya kaya ganyan siya kapangit. Tss! Sinasabi ko na nga ba.
"Yung bahay na pinagsisilbihan ko ay yung may ari ng skwelahan na pinapasukan natin. Si young master, Zhander ang nagpapa-aral sakin." Sabi niya.
Tss. Yun pala yun. "Eh bakit hindi mga magulang mo ang nagpapaaral sa'yo? Bakit umaasa ka sa amo mo?" Pasigaw kong tanong.
Tumayo siya at tumalikod. "Ulila na kasi ako. Naiisa nalang ako. Kaylangan kong dumipende sa sarili ko. Kaylangan kong mabuhay na magisa. Pero mabait naman ang mga Alvarez kaya ako pinag aral. Irregular student nga lang kasi may trabaho din ako sakanila. Simulanung namatay ang mga magulang ko ay tumayo na ako sa mga sarili kong mga paa." Sabi niya.
Biglang parang may kung anong tinik ang sumagi sa puso ko. Malungkot pala ang isang 'to pero itinatagi niya ang lahat ng poot at sakit sa mga ngiting niyang iyon. Paano niya nagagawa ang mga bagay na iyon?
"T-teka! Bakit mo ba sinasabi sakin ang mga bagay na iyan? Wala akong pake sa prequel mo!" Sabi ko.
Wala akong pake. At bakit nga ba ako nakikipag usap ng matagal sa isang 'to? Tss. Makaalis na nga.
"Sige, May klase pa ako." Sabi ko at nilagpasan na siya.
Wala siyang imik nung nakalagpas na ako. Bigl ko siyang nilingon at nahuli kong pinupunasan niya yung luha niya. Nnalaki ang mata ko. Bakit? Bakit parang gusto ko siyang yakapin? I-comfort. Umiiyak ba siya dahil naalala niya ang mga magulang niya? Napaabante ako ng konti papunta sakanya.
"Umiiyak ka ba?" Bigla kong tanong.
Gumilid siya at pinunasan ulit ang luha.
"Ako? Hindi.. Kwan. Mahangin. Kaya napuwing lang ako." Nakangiti niyang sabi.
Ngiti. Yan ang maskara niya. Ngiti lang ang tanging ginagawa niya. Pero sa loob niya maungkot siya.
Hindi na rin ako umimik. "Sige.." Sabi ko at nagmadali na umalis sa lugar na iyon.
"LUKE!!!" Bigla niyang sigaw.
nilingon ko siya sa gate ng park. "Bakit?!" Sigaw ko.
"Teka lang.. Kung may deal tayo sa isa't isa. Kaylangan ng rules." Sabi niya nagpunta sakin.
"Ano rules.." masungit kong sabi.
"Rule satin.. Sa mga pinapagawa mo. Para naman meron din akong seguridad sa sarili ko." Sabi niya.
"Tss. Okay ano yun? Bilis. May klase pa ako." Sabi ko at inayos ang nakasakbit na bag.
"Rule number 1. Kaylangan maging mabait ka sakin simula ngayon." Sabi niya.
"Eh kung ayoko?" Bigla kong kontra.
"Edi walang Angel.." Sabi niya at sumipol.
"Okay. Ano pa!"
"Rule number 2. Lilibre mo lagi ako ng lunch." Sabi niya at nilagay ang mga palad sa pisngi niya.
"Okay.." Wala sa mood kong sagot.
"Rule number 3. Lagi ka susunod sakin. At panghuli. Don't you dare to fall in love with me..' Sabi niya at nagform yung mata niya sa pang aakit.
"Tss. Sinama mo pa yung huli eh malabo naman yun mangyari." Sabi ko at tumawa.
"Malay mo naman. Mainlab ka sa pangit na gay ko diba?" Sabi niya at tinusok yung tagiliran ko.
"What the!" Sabi ko at bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Kakasabi ko lang. Maging mabait ka sakin. Kung hindi? Walang Angel.." Sabi niya at patalon talon na umalis.
"s**t!" Bulong ko sa sarili.
May talino rin palang itinatago ang isang 'to. Tsk! Mukhang mahirap makasama ang Betty na iyon. Mainlove? Never.