Chapter 8: Friendly Competition.
Written by: CDLiNKPh
KINABUKASAN, habang kumakain siya sa Canteen kasama ng iba niyang kaklase ay nilapitan siya ni Dino.
"Pwede ba tayong mag-usap, Harmony?" tanong nito.
"Ano namang pag-uusapan natin? Ayoko ngang makipag-usap sa 'yo!" Pinakita niya na nagtataray siya kahit ang totoo ay medyo kinakabahan siya na nasa harapan niya ito. Bakit ba bigla na lang naging malakas ang epekto sa kanya ng kumag na 'to?
"Sige na, Harmony. Kahit saglit lang. Promise, pagkatapos nito, kung ayaw mo na ulit akong kausapin ay hindi na ako magpupumilit pa ulit. Pagbigyan mo lang ako, kahit na ngayon na lang," seryosong pakikiusap nito.
"Pagbigyan mo na 'yang suitor mo. Ilang taon ka ng kinukulit niyan, e."
"Ayyieee!!!"
Nakarinig sila ng kantyawan mula sa paligid nila. Hindi na bago sa lahat na nilalapitan na lang siyang bigla ni Dino sa School pero kadalasan naman kasi, nilalapitan lang siya nito noon para awayin siya sa tuwing naaagaw niya ang atensyon ng mga nililigawan nito. Sa pagkakataong ito, parang wala namang intensyon na makipag-away si Dino.
"Fine. Saglit lang, ha?" masungit pa rin na sabi niya.
Tumayo na siya mula sa kinauupuan at sinundan niya ito palabas ng canteen. Nakarating sila sa Oval. Lugar sa school kung saan maraming puno, may green grass at walang masyadong tao.
"Tungkol sa nangyari kahapon, I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya 'yon. Nagulat lang ako," paumpisa nito.
"Ganoon ba ang ginagawa mo sa mga babaeng napapalapit sa 'yo ng konti? Hinahalikan mo na agad?" pamimilosopo niya.
"Look, you may not admit this but I know, ginusto mo rin iyong nangyari kahapon. Siguro nga, parehas lang tayong nagulat kaya huli na nang marealize natin iyong ginagawa natin but can we just forget about it? Maiilang lang tayo sa isa't-isa kapag nagpaapekto pa tayo sa nangyari kahapon," sabi nito.
Umiwas siya ng tingin dito. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero alam niya, nasaktan siya dahil sa sinabi nito na kalimutan na lang nila iyong halik na halos hindi nagpatulog sa kanya kagabi.
"Huwag ka ngang feeling. I'm a lesbian. Syempre, wala lang sa akin iyong halik na 'yon, 'no!" Kunware ay walang pakialam na sabi niya.
Napangiti naman si Dino. "Look, Harmony. Napag-isip-isip ko lang kasi na sa tagal nang pagkakakilala natin e, hindi tayo nagkasundo kahit na kailan, e. Gusto ko lang mag-sorry sa 'yo kasi ako itong lalaki pero pinapatulan ko ang tantrums ng katulad mong babae—" Binigyan niya ito ng scary look.
"Ah— What I mean is— Kahit na ganyan ka— Babae na babae rin ang gusto ay babae ka pa rin na dapat galangin na katulad ng sa isang tunay na babae. I'm sorry din dahil sinisi kita no'ng hiniwalayan ako ni Maxine. Hindi lang talaga matanggap ng ego ko na lalaki ako pero pinagpalit ako ng girlfriend ko para sa isa ring babae. Masyado kong itinatak sa isip ko na purkit babae ka rin ay wala ka nang karapatang tanggihan si Maxine. Inisip ko na inagaw mo siya sa akin at mas lalo akong naging bitter sa 'yo. I'm sorry sa mga nasabi ko at nagawa ko sa 'yo simula pa no'ng mga bata pa tayo," sabi ni Dino.
Kung ikukumpara niya ang Dino na kilala niya noon sa Dino na nasa harapan niya ngayon ay para talagang magkaibang tao ang mga ito. Ano ba talagang nakain ni Dino at parang naging mabait itong bigla?
Sa isang banda ay nakukunsensya rin naman siya. Alam niyang mahal na mahal talaga ni Dino si Maxine noon. Niyayaya pa nga nitong pakasal noon si Maxine pero ni-reject lang ito ng babae nang dahil sa kanya. Tuwang-tuwa pa nga siya noon, imbes na maawa kasi nagmukhang kawawa si Dino. Kung minsan ay talagang may pagkamaldita rin talaga siya. Kung tutuusin, ma-swerte ang mga babaeng minamahal ni Dino dahil sincere at loyal ito. Hindi katulad ng naging una at huling boyfriend niya noon na babaero at sinungaling. Niloko lang siya kahit na ibinigay na niya ang lahat ng pagmamahal niya para sa mga ito.
"Baka naman nag-so-sorry ka lang o nakikipagbati dahil gusto mo akong lansihin para maungusan mo ako kay Dina? Sorry pero hindi mangyayari iyon kasi akin lang siya!" mapang-angking sabi niya.
"Well, mahal ko si Dina pero sincere ako this time, Harmony. I want a friendly competition with you. Ayaw ko na sana iyong para tayong mga batang nag-aagawan sa iisang laruan. Let her decide who she really wants to be with. If she chooses you over me, I'll accept that. I'll respect her decision at magiging masaya ako para sa inyo," nakangiting sabi nito.
Ang gwapong ngumiti ng kumag. Ngayon lang niya na-realize na kahit nakasalamin ito ay parang hindi man lang nababawasan ang ka-gwapuhan nito kahit na kaunti. Maputi ito at pantay-pantay ang ngipin kaya maganda itong ngumiti. Matangos ang ilong at itim na itim ang mga mata nitong singkit. Kulot ang buhok ng lalaki na nagbibigay ng appeal dito kahit na medyo malamya ito kung kumilos. Normal din na kulot ang buhok nito na bumabagay sa puting balat nito.
Wait, did she really check him out? Kailan pa naging gwapo sa paningin niya ang Dino na ito?
"Harmony, ayos ka lang?"
Natauhan siya nang bigla na nitong binanggit ang pangalan niya. "Ah— Oo, syempre naman! Pumapayag na akong makipagbati sa 'yo kasi baka naman sabihin mo ay insecure ako!"
Lalong nangiti si Dino. "Good. So, ibig bang sabihin niyan ay magkaibigan na tayo?"
"Wow ha, abuso ka na!"
"Kung hindi ngayon, okey lang. I'm willing to wait just to be your friend, Harmony. Matagal na dapat tayong naging magkaibigan kung tutuusin. Marami akong alam tungkol sa 'yo dahil magkapitbahay tayo pero pakiramdam ko ay marami pa akong dapat na malaman."
Natigilan siya. Bakit ba parang may laman ang sinasabi sa kanya ni Dino? Nakikipaglandian ba ito sa kanya? Ngumisi siya. "Kung anuman ang mga bagay na iyon ay kay Dina ko lang gustong ipaalam. Papayag akong maging magkabati tayo pero dapat may limitasyon pa rin. Magkaribal tayo kay Dina kaya hindi tayo pwedeng maging 'malapit' na magkaibigan. Tandaan mo yan, Dino."
"Well, at least hindi na tayo magkaaway at diyan tayo magsisimula. Sige na, Harmony. Kumain ka na at baka mangayayat ka pa. See yah!" Saka na ito nakangiting umalis sa harapan niya.
Napabuntong-hininga siya. Para siyang nakahinga na nang maluwag nang malayo na ito sa harapan niya. Bakit ba parang may nakabara sa dibdib niya kapag malapit lang si Dino? Nararapat pa ba niyang tawagin ang sarili niyang lesbian kung mukhang naaattract na siya sa isang lalaki? Traydor ang puso niya!
--
Gusto mo bang mabasa ang karugtong? Pwede na dahil tapos na ang story na ito.
If you want to buy digital copies of my books na completed na, just go to Google play then click book tab tapos search n'yo lang, CDLiNKPh OR just send a message in my F B, just search CDLiNKPh para masabi ko ang process.
If you'd like to support me in creating more stories in the future, you can donate here:
GCASH: 09152881691
MAYA: 09910091691