CHAPTER 7: Magulong Damdamin.

2096 Words
CHAPTER 7: Magulong Damdamin. Written by: CDLiNKPh NANG ARAW NA iyon ay nalate sa School si Harmony. Nagkaroon kasi ng meet up ang LGBT Club na kinabibilangan niya sa f*******: at medyo nag-enjoy siyang kasama ang mga kabaro niyang lesbyana kaya hindi niya namalayan ang oras. Paano ba naman kasi, halos isang beses sa isang buwan na lang sila kung magkita ngayon. Masyado na kasing busy ang iba dahil may work na. Siya naman ay busy sa School at kay Dina! Ha-ha-ha! Medyo kinakabahan lang siya dahil terror pa naman ang teacher nila sa Geometry na si Mrs. Kikay. Parang joke ang pangalan nito sa totoo lang. Kasi kung anong kina-'cute' ng pangalan nito ay siya namang kinataray ng personality nito. Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid ng classroom dahil kasalukuyang may sinusulat sa black board ang kanilang professor. Mukhang engrossed na engrossed pa nga ito na kulang na lang ay idikit ang mukha nito sa black board, e. Maraming naboboringan sa klase nito kaya ang iba ay bumubula na ang ilong dahil sa antok. Malapit na siya sa seat niya nang bigla siyang nagulat dahil may lumipad na chalk papunta sa mukha niya! Mabuti na lamang ay nasalo niya iyon! "Ano'ng akala mo ha, Harmony, hindi kita nakitang pumasok? Ginagawa mo akong tanga. Hindi purkit kasali ka sa mga top students ng school ay hahayaan na kitang malate sa klase ko," masungit na sabi nito. "Sorry po, Ma'am," yuko ang ulo na sabi niya. "Halos matatapos na ang klase ko e, may gana ka pang pumasok? Ano'ng tingin mo, hindi mo na ako kailangan para matuto sa klase? Well, kung ganyan kang mag-isip ay kaya mo bang sagutan ang narito sa blackboard? Yaman din lamang na hawak mo na iyang chalk ay masasagutan mo ba ang problem dito sa unahan? Well, kung magagawa mo ito ay baka makalimutan ko na late ka ngayon." Nakangising hinamon siya ni Mrs. Kikay. Matalino nga siguro siya pero hindi naman siya manghuhula. Magaling lang siyang maka-pick up pero paano naman niyang malalaman ang sagot kung wala naman siya roon no'ng nagtuturo ito o hindi man lang niya nabasa sa libro kung paano sasagutan ang ganoong problem na nasa unahan? May topak din talaga ang teacher nila, e. Gusto lang talaga siyang pahiyain nito. Kahit matalino siya at paborito ng halos lahat ng mga teachers nila ay ito lang ang naiiba. Alam niyang ayaw nito sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung bakit. Ayaw nito sa mga lesbyanang tulad niya. Natatandaan niya pa, ilang beses na itong nagkomento sa klase tungkol sa disgusto nito sa mga katulad niya. Hindi man lamang ito nag-eeffort na itago sa kanya na ayaw siya nito. "Ano na, Harmony? Tapos mo na ba akong murahin sa isip mo?" untag nito sa kanya nang manahimik siya. "Mawalang galang na po, Ma'am." Napalingon silang lahat sa biglang nagtaas ng kamay na si Dino. Nanlaki ang mga mata niya. Mukhang balak pang gatungan ng mokong na 'to ang galit sa kanya ni Mrs. Kikay, ah? Alam niyang kung may sasabihin man ito, palaging laban iyon sa kanya! "Wala naman po sigurong sense kung pipilitin ninyo si Harmony na sagutan ang problem sa unahan kung wala naman siya rito in the first place no'ng tinuturo ninyo 'yan. Kayo, Mrs. Kikay ang tatanungin ko, maituturo po ba ninyo sa amin ang topic na 'yan kung hindi man lang nasayaran ng mata ninyo ang topic in the first place?" Pamimilosopo ni Dino. Natawa ang mga kaklase niya dahil sa talim ng tabas ng dila nito. Siya naman ay hindi makapaniwala. Ano'ng nakain ni Dino at ipinagtatanggol siya nito? Namaligno ba ito?! "Hindi," parang nahihiyang sagot ni Mrs. Kikay. "Kung hindi ninyo kayang sagutan na hindi man lang ninyo nakita ang formula ay malamang, ganoon din si Harmony. Na-late nga ho siguro siya pero hindi naman siguro tama na may pinapahiya kayong tao. Kung may kapwa kayong guro na naririto ngayon ay baka napagsabihan pa kayo. Kayo pa mismo ang nambubully sa mga estudyante ninyo." Walang kangiti-ngiti ang mukha ni Dino. Kadalasan, mukha itong tanga sa paningin niya pero sa pagkakataong ito na seryoso ito, kahit siya ay parang natakot din ng kaunti. Hindi niya akalain na may ganitong side rin pala si Dino. Ngayon lang niya iyon nakita. Nang matahimik si Mrs. Kikay ay bigla na lang tumayo si Dino mula sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya sa unahan. Kinuha nito ang chalk sa kanya at medyo napalunok pa nga siya nang medyo nagdampi ang mga daliri nila, lalo na no'ng ngumiti ito bigla sa kanya, pakiramdam niya ay biglang parang may tumalbog sa puso niya! "Ako na lang po ang sasagot para kay Harmony. Sana po ay patawarin n'yo na siya sa pagiging late niya," sabi pa ni Dino. Wala na ring nagawa si Mrs. Kikay kundi ang hayaan siya na bumalik na lang ulit sa kinauupuan niya. Kahit nakaupo na siya ay parang nanginginig pa rin ang kalamnan niya. Ano ba itong nararamdaman niya? Kinukulam ba siya ni Dino?! Nag-angat siya ng tingin sa nasa harapan na si Dino. Sa totoo lang, hindi naman ito matalino kaya halatang nangangamote rin ito sa harapan ngayon. Pero kahit gano'n, hindi niya maintindihan kung bakit sinalo pa rin nito ang kahihiyan na para sana sa kanya. Pinagtatawanan tuloy ito ng mga kaklase nila ngayon. "Mamaru kasi masyado. Tanga rin naman pala! Hahaha!" Kahit na mahina lang, narinig niya ang sinabing iyon ng isa sa mga kaklase nila na malapit lang sa kanya. Binigyan niya ng masamang tingin ang dalawang babaeng nagtitsismisan kaya nanahimik na lang ang mga ito. Bumalik ang tingin niya sa nahihirapang si Dino. Hindi niya alam kung bakit pero sa isang iglap, pakiramdam niya ay parang nagniningning si Dino. Parang bigla ay naging cool ito sa paningin niya. Matagal na ba itong gano'n? O ngayon lang niya napansin? WAAAAHHHHH!!! Napasigaw siya sa isip niya. Ano ba itong tumatakbo sa isip niya? Bakit bigla ay parang namumula ang mukha niya habang nakatingin siya sa mokong na si Dino? Bakit ba siya nagkakaganito, purkit tinulungan lang siya nito? Hindi na niya maintindihan ang sarili niya! MAYA-MAYA... "Hoy, Dino!" "Ay, palaka!" Parang babae na napatili si Dino nang bigla niyang isinara ang locker nito. "Harmony, ikaw lang pala, bakit ba bigla-bigla ka na lang diyang sumusulpot?!" reklamo nito. "Hoy, ikaw na lalaki ka, kinukulam mo ba ako?!" diretsong tanong niya. Kumunot ang noo nito. "Ano'ng kinukulam ang pinagsasasabi mo?" Natigilan siya sa tanong niyang iyon. Biglang namula ang mukha niya. Parang nakahalata naman si Dino kaya bigla itong ngumisi. "Don't tell me na naiinlove ka na agad sa akin? My god, Hamony. Ang bilis mo pa lang mafall!" Sinuntok niya ng mahina ang tiyan nito. "Siraulo ka! Kung sa 'yo rin lang, magpapakamatay na lang ako!" angil niya pero ramdam niya, namumula na ang mukha niya. "Ikaw naman, hindi ka mabiro. Masyado kang pikon. Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Tinulungan na nga kita kanina, e," sabi nito habang umaarte pa rin na nasaktan dahil sa suntok niya. "Ah, sinusumbat mo 'yon?" Tumaas ang kilay niya. "Hindi, 'no. Kahit naman sa ibang tao ay gagawin ko iyon. Masaya na akong natulungan kita," ngumiti na ito sa kanya. "Bakit mo nga ba ako tinulungan? Gusto mo lang yatang magyabang sa akin, e. O baka gusto mo na magkaroon ako ng utang na loob sa 'yo para hindi na kita kakumpetensyahin kay Dina?" nakacross arms na hinala niya. Nawala ang ngiti ni Dino. Sumeryoso ito. "Bakit kailangan mong lagyan ng masamang ibig sabihin ang ginawa ko para sa 'yo? Hindi ba pwedeng kahit na minsan lang, maisip mo naman na posible pa rin na maging mabait ako sa 'yo ng totoo? Wala akong masamang intensyon sa ginawa ko kanina, Harmony." Siya naman ngayon ang natahimik dahil sa sinabi nito. Nagkamali nga yata siya ng sinabi. "Yeah. You're right. My bad. I'm sorry..." sabi na niya ng nakayuko. Nahihiya siya sa sinabi niya kanina. Bigla nang ngumiti si Dino at sa gulat niya, ginulo nito ang buhok niya na parang isang bata! "Ayos na 'yon. Wala na sa akin iyon. Ang sarap palang pakinggan na nagsosorry ka sa akin!" ngiting-ngiti na sabi nito. "Ungas ka. Napaniwala mo ako sa drama mo!" Sumimangot siya ulit na tinawanan lang nito. May kinuha ito sa locker nito at iniabot sa kanya. "Sandwhich?" "Oo, kumain ka. Masyado ka nang mapayat, e. Nakita ko, hindi ka kumain kanina," nag-aalalang sabi nito na ikinapula na naman niya! Ibinalik niya ang sandwhich dito. "Diet ako ngayon. Ayoko niyan!" sabi niya. Tumawa ito ng bahagya. "Bakit kailangan mong magpa-sexy? Akala ko ba, tibo ka?" "'Yan ang problema sa inyong mga lalaki. Akala ninyo, purkit tibo e, kailangan, mukha nang gusgusin o jejemon kung pumorma! Ano naman ang tingin ninyo sa amin, ayaw nang maging presentable sa harapan ng iba?" "Oy ha, wala akong sinasabing ganyan. Bakit ba masyado kang defensive?" "Hindi ako defensive! I'm just saying na may karapatan din kaming magpaganda kahit babae ang gusto namin!" Sa inis niya ay bigla na niya itong tinalikuran. "Hey, Harmony. Akala ko ba bati na tayo? Ikaw pa nga ang nagsorry 'di ba? Huwag ka nang magalit, ano ka ba naman—" Hindi na naituloy ni Dino ang sasabihin pa sana nito dahil no'ng hinila siya nito pabalik ay biglang sumobra ang pagkakahigit nito kaya bumangga siya sa dibdib nito at ngayon, halos magkalapit na ang mukha nilang dalawa! Sa isang iglap, parang tumigil ang mundo at tila sila na lamang ni Dino ang natitirang tao sa balat ng lupa. Nagkatitigan sila na para bang ngayon lamang sila nakakita ng ibang tao sa buong buhay nila. Naririnig niya ang pagtibok ng sarili niyang puso. Para bang ayaw na niyang matapos pa ang mga sandaling iyon at manatili na lamang sila sa ganoong pwesto... Maya-maya ay bigla na lamang lumapit ang labi ni Dino papunta sa kanya hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang distansya sa pagitan nilang dalawa! Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman na sumayad na ang labi ni Dino sa labi niya. Pakiramdam niya ay may milyon-milyong bultahe ng kuryente ang lumukob sa buong katawan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa kinatatayuan niya habang si Dino naman ay sinamantala ang pagkakataon para maglaro ang dila sa loob ng labi niya! "Harmony..." Sa bula ng imahinasyon niya ay biglang lumitaw si Dina. Nakangiti ito sa kanya habang tinatawag ang pangalan niya... Nang makita si Dina sa balintanaw niya ay bigla siyang natauhan. Parang binuhusan ng malamig na tubig na itinulak niyang bigla si Dino palayo sa kanya sabay sampal sa pisngi nito. "H-Harmony, I'm sorry, nabigla lang ako--" "Bastos! I don't want to see your face, ever again!" pagsigaw niya rito sabay walk out sa harapan nito. "Harmony, wait! I'm sorry!" pagsigaw pa ni Dino pero parang wala na siyang naririnig. Hindi na niya ito pinansin pa. PAG-UWI SA BAHAY... Nagkulong agad sa kwarto si Harmony at humiga siya sa kama. Tumitig siya sa kisame at sa isang iglap, biglang bumalik sa isipan niya iyong nangyari kanina. Iyong ginawang paghalik sa kanya ni Dino... Sa naisip ay bigla siyang napahawak sa labi niya. Iyong malakas na t***k ng puso na nararamdaman niya kanina ay biglang parang naramdaman na naman niya ngayon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Matagal na niyang nadiskubre na lesbian siya at alam niya sa sarili na babae na talaga ang gusto niya pero bakit ngayon ay tila nakakaramdam siya ng kakaiba sa sarili niya? Of all people ay kay Dino pa! Hindi kaya talagang kinukulam siya nito? Sa naisip ay bigla siyang tumayo sa kanyang kama at pumunta sa Veranda kung saan natatanaw niya ang bahay nina Dino mula roon. Bigla niyang nakita si Dina na may dalang ulam. Tinatawag nito mula sa labas si Dino at nang lumabas ang lalaki ng nakangiti habang inaabot ang ulam na ibinigay ni Dina ay pakiramdam niya, parang biglang nagsikip ang dibdib niya. Hindi na niya alam ngayon kung para kanino pa ang selos na nararamdaman niya. Napailing siya ng mariin sa pumasok sa isipan niya. Masyado pang maaga para masabi niya na nagkakagusto na rin siya kay Dino. Isang malaking kahunghangan. Kailangan niyang ipasok sa kukote niya na karibal niya si Dino kay Dina. Hindi siya pwedeng magkagusto rito nang dahil lamang sa isang halik! Tama. Mas maigi pa ang relasyon na mayroon sila noon ni Dino. Iyong wala silang ibang alam gawin kundi ang mag-away lang. Mas maigi na ganoon na lang ulit. Bukas na bukas ay ibabalik niya kung ano ang mayroon sila dati!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD